Chapter 34

23.5K 560 38
                                    

"Is that what you want?" Matatag na tanong ko sa kanya sa kabila ng panlalamig ng katawan ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Maging ako hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin yon. Siguro nga ay masyado akong nasaktan sa nakita ko kanina na parang handa na akong pumatay ng tao sa harapan niya.

"Tell me, is that really what you want?!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. Ayaw kong mag ilusyon but I saw pain and fear sa mga mata niya. Napalunok ako at nakipagtitigan sa kanya, patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko pero wala na akong paki-alam kahit napaka loser ko sa harapan niya.

"Kakayanin ko ang pangbabalewala mo sa akin pero hindi ko kayang makita yon! Sobrang sakit, ang sakit-sakit." Walang kakurap-kurap na sabi ko.

He snorted. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa akin sa pitong taon? How about that?" He said in a mocking tone.

Pinahid ko ang mga luha ko kahit pa wala rin naman din iyong silbi dahil patuloy pa rin sila sa pagbagsak sa pisngi ko.

"Hindi mo alam kung anong pinag-daanan ko sa New York! Hindi mo alam kung gaano ko nilabanan ang lungkot doon. Wala kang alam sa nangyari sa akin doon! Kung nagawa ko mang umu-o kay Kyle iyon ay dahil hindi ko alam kung sa anong paraan kita makakalimutan! Hindi ko alam kung paano ko papatayin tong putang-inang pagmamahal ko sayo kahit na iniwan mo ako sa parteng yun ng buhay ko! Kaya wag na wag mong hingin sa akin na mawala ako sa buhay mo, kasi nagawa ko na yun noon, at kahit sobrang sakit, kaya kong ulitin yon ngayon!" Matatag na sabi ko sa kanya bago tuluyang lumabas sa opisina niya.

Narinig ko pa ang malakas na pagsuntok niya sa pinto. Hindi na ako umasa na susuunod siya pero hindi ko mapigilang magdasal na sana sundan niya ako at pigilan niya ako sa pag-alis, pero hindi niya ginawa. Hinayaan niya akong umalis. Lalo akong naiyak. Wala si Lyka sa desk niya kaya nagpapasalamat din ako dahil hindi niya narinig ang pag-aaway namin ni Christian. Umiiyak akong naglalakad patungong parking lot, at nang makarating ako kay Elmo, napahagulgol ako ng malakas.

"WHAT?! Nababaliw na ba siya?" Malakas na sbai ni Regine sa akin. Hindi ko na kinaya ang emosyon ko kanina kaya tinawagan ko siya. Sinundo nila ako ni Bobby sa hospital at demerecho na kami sa unit niya.Inilapag ni Bobby ang isang basong tubig at isang box ng tissue sa harapan ko. Paubos na kasi ang isang box na binigay ni Regine sa akin kanina pagkadating na pagkadating ko. Naglapag din siya ng ilang slices ng chocolate cake.

"Anong plano mo?" Tanong ni Bobby nang tumabi siya sa akin sa sofa. Parehong nakataas ang mga tuhod ko at doon ko ipinatong ang ulo ko para umiyak.

"Alam mo, mabuti na lang gwapo yang asawa mo. Lumalabas ang paglalake ko kapag naiisip kong nagdala siya ng babae doon sa opisina niya, eh." Galit na sabi ni Regine.Hindi pa rin maawat ang mga mata ko sa kakaiyak. Naramdaman ko ang paghimas ni Bobby sa likuran ko.

"Kung kaya mo pa, don't give up. Pero kung sa tingin mo hindi na, hindi naman masamang sumuko eh." Bobby said.

"K-kaya ko pa naman,eh. K-kaya lang ang sakit-sakit na." Umiiyak na sabi ko.Pareho silang napailing sa sinabi ko.

"Hay nako, hindi ka pa rin nagbago. Naging babae na lang ako, ganyan ka pa rin. Hindi sumusuko." Saad ni Regine.

"Eh anong gagawin mo, itintulak ka nga palayo?" Dagdag ni Bobby.Kinuha ko ang isnag basong tubig at uminom. "Mahal niya ako at nararamdaman ko pa rin yon. Maayos namin 'to." Humihikbing sabi ko.

"Punyetang pag-ibig naman yan oh! Aba, kayo na yata ang the longest running telenovela in the history!" Natatawang biro ni Regine.

"Oo nga. Pero shit talaga, nagkahiwalay na kayo ni Christian , nagkabalikan tapos hiwalay ulet, tapos ako hanggang ngayon single pa rin? Aba, that's not fair!" Biro ni Bobby.

The AnnulmentWhere stories live. Discover now