Kefálaio tríto: Who is he?

8 3 0
                                    

Fleur Pov's

It's already 3:00 am but I can't sleep. Nagbasa na ako ng libro na pinahiram sa akin ni Ry pero walang epekto kaya tinigil ko na.

"Sino ba nagiisip sa akin? Hindi ako makatulog" Wika ko sa sarili ko.

Napalingon ako sa bintana na bukas ngayon, tinatangay naman ng hangin ang kurtina na nakalagay dito. Tinatamad na tumayo ako at tinungo ang bintana para isarado.

"Ry?" Nagtatakang tawag ko sa pangalan ni Ry ng may matanaw na liwanag sa pinagtatambayan namin at makita ang isang tao na nakatayo. Tila may hinihintay.

Anong ginagawa niya dun?

Ang bintana ko ay katapat lang ng punong pinagtatambayan namin kaya tanaw-tanaw ito. Nakita ko ang isang tao na kasing katulad ni Ry. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga ito.

Nasabik ako ng makita siya. Pero akala ko ba hindi siya pumupunta sa tambayan tuwing gabi pero anong ginagawa niya ngayon sa Puno. At dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok ay nagmadali akong bumaba at nagtungo sa puno na pinagtatambayan namin. Sobrang tahimik ng paligid, tipong mga huni lang ng insekto at yabag ko lang ang maririnig.

"Ry?" Tawag ko sa lalaking nakatalikod habang may hawak na libro. Kung kanina nakawhite siya ngayon naman naka black siya. Kinakabahan ako dahil baka hindi si Ry ang tinatawag ko.

Malay ko bang isa siyang multo o encanto.

Dahan-dahan na lumingon ang lalake. Guminhawa naman ang paghinga ko ng masiguradong si Ry nga ito.

"Alora?" Nagtatakang tanong niya bago siya tumayo at mabilis na lumapit sa akin. Grabe naman na miss niya agad ako.

"Ngayon mo lang ako tinawag sa first name ko" Nakatanguso na sabi ko.

"Nagbalik ka. Akala ko hindi mo na ako babalikan" He said. Nakakapagtaka naman ang mga sinasabi niya.

"Hindi kase ako makatulog, buti na lang sumilip ako sa bintana edi nakita kita. Pero teka ano bang ginagawa mo dito sa ganitong oras?" I asked.

"Hinihintay ko ang pagbabalik mo" He said again bago niya ako yakapin. I dunno pero parang may mali eh.

"Ry?. Ikaw ba talaga yan? " I asked

"Ako ito alora, nagpapasalamat ako dahil binalikan mo ako" He said again. Kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin. Ang sweet niya naman ngayon.

"Halika, may dala akong librong madami" Pag-aya niya sa akin habang nakalahad pa ang palad sa harap ko. Ang gentle man niya din ngayon. Anong nakain niya.

Inabot ko naman ang palad niya. Yung black na suot niya ngayon ay yung mga pang sinaunang kasu-utan ng mga lalake.

"Akala ko ba hindi ka pumupunta dito tuwing gabi?" Nagtatakang tanong ko ng makaupo na ako sa isa sa mga ugat ng puno.

"Alora, Andito ako palagi sa Elaiódendro hinihintay ang pagdating mo,na balikan mo ako" ramdam mo sa tono ng boses niya ang sakit na hindi mapaliwanag.

"Elaiódendro?" Takang tanong ko.

"Itong punong ito. Ang salitang Elaiódendro ay salitang griyego na ang kahulugan sa ingles ay "Olive Tree" most well-known symbolic connotation for the olive is peace and friendship dating back to ancient Greek mythology." Mahabang paliwanag niya hindi na nakakapagtaka na alam niya ang tungkol dun dahil sobrang hilig niya magbasa ng libro.

Ngayon alam ko na kung ano klaseng puno ito.

"Ang dami mo talagang alam" Tanging tugon ko na lang sa kanya.

"Hindi ba't palagi ko sinasabi sayo na magbasa ka lang ng libro at madami kang matututunan dito" Sabi niya. Ewan ko ba dito kay Ry habang tumatagal nagiging makata na siya. Hindi ko na lng siya pinansin sa halip kumuha na lang ako ng isang libro para magbasa katulad niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Have Lost In Paradise (El Dorado Serie #1)Where stories live. Discover now