August 4,2015
( 8 years earlier )
"ate parang mauubusan na tayo ng gas" Saad ng dalagang si Louis
"oo nga eh,oh teka! mayroong tao ron,tanungin natin Siya kung saan may malapit na gas station" sabi ni kate,ang nakakatandang kapatid
ng makalapit na Sila sa lalake ay tinanong ito ni kate
"hello po,pwede pong magtanong kung saan may malapit na gas station dito?" magalang na tanong ni kate
ngunit kanilang ipinagtaka ng umiling lamang ito
"Tara nanga ate" tumango malamang ako Kay Louis at sumakay na ng kotse,malapit na talaga kaming mauubusan ng gas
paano ba iyan?
"hayss..ang weird naman non ni kuya" saad ko.
"oo nga eh,anyare kaya don?" sabi naman ni Louis
"Nako! buti nalang talaga cute sya!"
"luh di naman" komento pa ni Louis
"TEKA!"
agad Kong inihinto ang sasakyan bago kopa masagasaan ang lalaking nasa harapan ng kotse namin...
bumaba agad kami
"ano bang problema mo? magpapakamatay kaba?" medyo inis Kong tanong
pano nalang kung nasagasaan ko sya?! makukulong pako...
"ate,hindi bat Siya iyong lalake kanina?" tanong ni Louis habang titig na titig sa Mukha ng lalakeng ito
"oo nga noh,kuya..bakit po ba kayo nasa gitna ng daan?" tanong ko sa istrangherong lalake
ngunit hindi ito sumagot,baka naman bingi to? at mayroong din siyang kung anong hawak na tinatago niya sa likuran niya
Hayssss...
labis naming ipinagtaka ng ngumisi ang lalake at sinunggaban ako nito
napasigaw ako dahil sa gulat,gayun din si Louis
"Ate!" Sigaw ni Louis
sinubukan Kong labanan ang lalake ngunit Doon ko lamang napagtantong kutsilyo ang hawak nito
nagsimula nang mataranta si Louis dahil hindi niya alam ang gagawin niya,dinampot niya ang bato sa gilid ng kalsada sabay pukpok sa lalake
mabilis naman nabaling ang attention ng lalake Sakanya,nanlilisik na ang mga mata nito
"Wahhh! ate tara na!!!" sigaw pa ni Louis
tumakbo kami ng tumakbo,napunta na kami sa mapunong Lugar ngunit hindi parin kami tumitigil
dahil sa Oras na tumigil kami ay maaabutan kami ng lalakeng yon
sa patuloy na pagtakbo mula sa lalakeng may hawak na kutsilyo,himdi na nila namalayan na malapit na Sila sa bangin
"ate!" si Louis ng masilayan niya ang bangin "saan na tayo pupunta?!"
napalundag si Louis ng Makita ang lalake na nasa likod na pala Namin
"wala na kayong tatakbuhan" saad ng lalake,nagsasalita pala Siya?
sinunggaban ng lalake si Louis at pinagsasaksak ang dalaga,habang si Kate ay hinulog nito sa bangin
__________________________________
"oh tapos?–" si James
"Yun lang" saad ni mark
"–ano pake ko?" dugtong pa ni James
"hoy James!" saway naman ni Mika
"bakit? panget" tanong ni James habang nakangiti,tuwa pa Siya sa ginagawa niya
" FYI! hindi ako panget katulad mo!" sagot naman ni Mika
"sapakan nayan!" biro ni Margo
"Ble ble ble Ewan ko sayo!"
"hawakan monga yung tenga!" si Margo
nagtatawanan na kaming lahat,parang aso't pusa kasi Sila,tapos sinosoportahan pa ni Margo
"ayusin nyo nga mga ugali nyo" sambit ni Carl
"Huh? nako baka hindi Ikaw si insan ha!" biro ni James,tumawa naman si Carl
Kunwari mabait O_o
Ako si Hanna Salvador,masayang nagaaral...wait umm hindi ko talaga gusto mag aral pero kung walang paaralan hindi ko Sila makikilala
Si Carl at James ang magpinsan sa circle of friends namin,pareho silang makulit
Si Margo naman...babae Siya pero babae din ata hanap niya^_^
Si mark naman...Siya lang may utak saming lahat,eme lang
At syempre si Mika at Veronica,ang mga girlies na mahilig sa k-drama
*********************
**************************(^^)
![](https://img.wattpad.com/cover/368696867-288-k280014.jpg)