Chapter 4

8 1 0
                                    

ADIANA'S POV

“Anong oras ba ang pasok mo sa work mo at madaling madali ka beshy?” Tanong ni Nathalie.

Tumingin naman ako sa relo ko.

5:30 pm na pala. Kaya minadali ko na ang paglalakad ko palabas ng school namin.

“7pm pero kailangan ko muna kasing asikasuhin si mama alam mo naman diba may sakit siya? kaya kailangan kong magmadali, at maglalaba pa ako ng school uniform ko” sabi ko habang diretchong naglalakad.

Huminto lang kami sa paglalakad ng makarating na kami sa terminal ng jeep.

“Alam mo beshy, bilib na bilib talaga ako sayo, akalain mo yun kayang kaya mo pagsabayin ang pag aaral mo at pag tatrabaho mo sa gabi alang-alang sa future niyong mag-ina, hays kung may award lang sana sa pagiging ulirang anak ay panalong panalo ka na” pagbibiro ni nathalie dahilan para matawa ako.

Wala eh, wala naman kasi akong ibang aasahan, wala na rin kasi akong tatay dahil baby pa lamang ako nung namatay yung tatay ko. Buti nga kinaya ni mama na pag aralin ako mula elementary hanggang 1st year college. Dahil sa sobrang pagtatrabaho ni mama para lang maabot ko ang kolehiyo eh nagkasakit siya, last year ko lang rin kasi nalaman na may sakit siya kaya sabi ko kay mama na tumigil na siya sa pagtatrabaho, at ako nalang ang magtatrabaho habang nag aaral ako. Buti nga natanggap ako sa italian restaurant na pinapasukan ko, malaking tulong din yun para sa pagpapagamot ng nanay ko.

“Haynaku o siya sige na mauna na ako sayo, at ikaw hintayin mo yung sundo mo” sabi ko kay nathalie.

Maswerte na rin ako dahil mayroon akong kaibigan na katulad ni nathalie na naiintindihan ang kalagayan ko sa buhay, hindi siya tulad ng ibang may kaya sa buhay na minamaliit ang mahihirap.

“Ingat beshy, kitakits nalang ulit bukas ha, paki kumusta ako kay tita” sabi niya, ngumiti nalang ako sa kanya bilang sagot atsaka ako sumakay sa jeep.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Rafael na siyang pinagkatiwalaan ko na magbantay kay nanay habang nasa school at trabaho ako, nagluluto siya ng hapunan.

Si Rafael ay kababatang kaibigan ko siya ang pinagkakatiwalaan ko na mag alaga kay nanay habang wala ako dito sa bahay, maswerte rin ako dahil bukod kay nathalie ay may kaibigan din akong maaasahan tuwing kailangan ko ng tulong.

“Ano kumusta kayo ni mama dito? Ok lang ba siya? Hindi ba siya inatake kanina habang wala ako?” nag-aalalang tanong ko atsaka ako kumuha ng isang basong tubig para uminom.

“Wag ka mag-alala adi, ok na ok si tita eh napakagwapo naman kasi ng nag-aalaga sa kanya kaya hindi naman siya inatake” sabi ni Rafael at nagpogi sign pa talaga.

Eto talagang lalaking 'to napaka GGSS.

“Gwapo? San banda? Baka naduduling ka? Parang ikaw ata ang may sakit? Hahahahaha!” pag bibiro ko kay Rafael, “Uy pero salamat ah kasi nandiyan ka para tulungan ako sa pag aalaga kay mama” sincere na pagpapasalamat ko kay Rafael.

“Heh! Anong salamat may bayad na yan dahil hindi ka sumang-ayon na gwapo ako hmp!” kunwaring pagtatampo niya dahilan para matawa ako.

Etong lalaking 'to talaga kung umasta parang bakla HAHAHAHA

inakbayan siya atsaka ko siya tinawanan. “Oo na sige, kahit GGSS ka maitsura ka naman talaga, kaya lang bawas bawasan mo naman pagka GGSS mo hinahangin ako oh” sabi ko at umaktong parang tinatangay ng hangin, “O siya sige na maglalaba na muna ako pagtapos kumain na tayo bago ako pumasok sa trabaho.” sabi ko.

Nag bihis muna ako bago ko puntahan si mama sa kwarto at asikasohin ang lalabhan ko.

“Ma, kumusta ka? uminom ka ba ng gamot mo kanina?” tanong ko kay mama, atsaka ko chineck ang lagayan niya ng gamot.

Kaunti nalang pala ang gamot niya, kailangan kong pagbutihin ang pagtatrabaho ko para maibili si mama ng gamot.

“Ayos naman ako anak, ikaw kumusta ka sa school mo? Pasensya ka na anak ah kung ganito ang sitwasyon natin ngayon nahihirapan ka pa tuloy, hayaan mo anak hindi ko sasayangin ang pagsasakripisyo mo, magpapagaling ako para sayo anak” Sabi ni mama, atsaka niya hinawakan ang kamay ko.

Umupo naman ako sa kama, at hinawakan ko rin ang kamay niya gamit ang isang kamay ko.

“Ma, ok lang ako, kung tutuusin mas marami kang sinakripisyo sa akin, lahat gagawin ko ma para gumaling ka, ok?” sabi ko atsaka ko hinalikan ang noo ni mama. “Sige na ma, maglalaba na muna ako ng school uniform ko, pagtapos ko maglabas kumain na tayo, hintayin niyo ako” sabi ko.

Lumabas na ako sa kwarto dala ang mga lalabhan ko.

“Siguraduhin mong masarap yang niluluto mo Rafael ah? Pag di yan masarap ibig sabihin hindi ka gwapo HAHAHAHA” sabi ko habang lumalakad papunta sa likod ng bahay namin para maglaba.

“Wow ha? Ako pa? Masarap 'to uy, este masarap 'tong luto ko, sinasabi ko sayo pag natikman mo 'to makakalimutan mo pati pangalan mo!” sabi niya na may kalakasan ang boses.

“Talaga ba? yung last time na nagluto ka hindi masarap eh hahaha” pang aasar ko kay Rafael.

“Wow adi, kaya pala nakatatlong dagdag ka ng kanin sa sobrang sarap ba naman ng luto ko adi” sabi ni Rafael na ipinaglalaban ang masarap na luto niya.

Totoo namang masarap ang luto niya, minsan lang kasi masarap makipag asaran kay Rafael. malakas rin kasi siyang mang-asar pero minsan kapag malungkot ako siya rin ang nagpapasaya sa akin.

pagkatapos kong maglaba ay naghain na si Rafael, at tinawag ko naman na si mama para kumain.

Pagtapos maghain ni Rafael ay inalalayan naman niya si mama patungo rito sa hapag kainan namin.

“Wow pwede ka ng maging care giver Rafael sobrang galing mo mag-alaga” pang aasar ko kay Rafael.

“Naman! Gusto mo pati ikaw alagaan ko eh” bigla naman akong napatigil sa sinabi ni Rafael.

Siraulo talaga 'tong lalaking to ang galing sumakay sa mga pang-aasar ko. “Oh bakit natahimik ka adi? Kinilig ka ba?” dugtong pa niya kung kaya't napangiwi nalang ako.

“Tama na nga yang asaran ninyo, kumain na tayo at baka mahuli ka pa sa trabaho mo anak” awat ni mama sa amin.

Pagtapos namin kumain ay tinulungan naman ako ni Rafael sa pagliligpit ng pinagkainan namin.

“Uy adi, galit ka ba dahil sa sinabi ko? Sorry na” pangungulit ni Rafael.

Bakit naman siya mag sosorry eh biruan lang naman yun.

“Hindi, di ako galit no hahahaha” sabi ko pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan.

“Eh bakit ka natahimik? Siguro kinilig ka talaga no?, crush mo ako no?” sabi pa niya dahilan ng pag irap ko sa kanya.

“Mukha mo! Bakit naman ako kikiligin sayo? Atsaka hindi kita crush no, asa ka! Hahahaha” sabi ko atsaka ako pumasok sa kwarto para ihanda ang susuotin ko para sa trabaho.

“Ouch naman yun adi, haha” sabi ni Rafael at umaktong parang nasasaktan.

Napakalakas talagang mang asar nitong lalaking to.

Hindi ko nalang inintindi ang pang aasar ni Rafael, pumasok na ako sa CR para maligo, dahil kapag ipinagpatuloy ko ang pakikipag asaran sa kanya ay talagang mali-late ako sa work ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at naglagay ng kaunting make up, kailangan kasi sa work ko ang maging maayos at presentable sa harapan ng customer lalo na't doon kumakain ang mga mayayaman.

 inilagay ko na sa bag ko ang uniform na susuotin ko sa trabaho.

“Ma, pasok na po ako sa work” pagpapaalam ko atsaka ako humalik kay mama.

“Ingat ka anak sa trabaho ah” sabi ni mama sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Rafael, ikaw na ulit ang bahala kay mama ah, pasok na ako” pagpapaalam ko sa kumag na 'to

“Ako wala ba akong ki--” hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya, inilapat ko na ang palad ko sa bibig niya upang manahimik siya.

The Day She Said GoodbyeWhere stories live. Discover now