CHAPTER 1

17 3 0
                                    


A/N

Before diving into my stories, please note that there may be occasional typos. I strive for accuracy, but if you spot any errors, feel free to let me know. Enjoy the read!.

""Every princess needs her prince, not to save her, but to stand beside her."

Soraya

Did you ever heard about disney princess?. I'm pretty sure that you already know them.

Back when I was a child I wish to become princess even my family is not too fancy and rich I still to believe that I am a princess I believe that one day there is a prince will come and will save me from this hell palace and we will leave happily ever after.Hindi naman sa ayokong tumira at ikinakihiya Ko ang pagiging mahirap,pero iba kapag may kaya ka o mapera ka at isa pa ayokong maranasan ng magiging anak ko ang mga naranasan ko.

"Soraya!"napalingon ako sa tumawag sa akin at agad nawala ang saya na nararamdaman ko."Anong kailangan mo?kung pera wala ako nun."masungit kong saad napangiwi naman ang lalaking nasa harapan ko.Siya si Alistair Silverstone,Ali for short my long time enemy since we are in elementary at ngayong nasa highschool na kami ay wala pa ding Pinagbago.

"Grabe ka naman!mukha ba akong pera?"ramdam ko sa boses niya ang pagkainis nandito kami ngayon sa kalsada madumi mausok at maraming tao,gustuhin  ko man  sanang  magrelax pero malabo ng mangyari yun dahil bukod sa toxic ang paligid mas toxic itong katabi ko.Hindi naman niya kailangan ng pera,balita ko ay may kaya ang pamilya niya.Doctor Ang mama niya at Pilot naman ang papa niya pero bali balita din ay matapobre ang mga magulang ni Alistair kaya wala daw halos close sa kanilang baranggay.

"Hindi naman pero alam mo kung hindi kalang pogi mapagkakamalan kang magnanakaw"saad ko saka malakas na tumawa hindi ko alintana ang mga taong napapatingin sa gawi ko dahil sa sayang nararamdaman at noong mapatingin ako sa tabi ko agad nagtapo ang aming mga mata.

His eyes caught mine.Para bang hinigigop ako ng kulay tsokolate niyang mga mata na tinatamaan ng sinag ng araw na mas lalong nagpapaganda ng kulay.Hindi din nakalampas sa paningin ko ang maliit pero napakatangos niyang ilong na para bang napakasarap pisilin napababa pa ang tingin ko hanggang sa mapatingin ako sa kulay pulang niyang mga labi na para bang nilagyan ng lipstick pero ang totoo ay natural na kulay lamang niya iyon.

"Hoyy grabe ka naman tumingin nakakatunaw"nakangisi pa siya "kapal mo!"saad ko sabay hampas sa kaniyang mga balikat, tumayo na ako at naglakad pauwi Hindi kona pinansin pa ang pagtawag niya dahil sa kabang nararamdaman ko.

Dug             

Dug               

Dug

Napahawak ako sa aking dibdib "Ano bang nangyayari?"tanong ko sa aking sarili.Nababaliw na yata ako.

Madumi,makalat,mabaho madalas na description kapag naririnig ang salitang squater kung saan ako nakatira.Oo masakit pero madalas balewala nalang kase pasasaan pa at darating naman ang araw na lahat tayo ay mamamatay at kapag nangyari yun wala naman tayong ibang madadala kung hindi ang sariling katawan.

Napatingin ako sa kalapit bahay mga ilang kilometro ang layo mula sa amin,isang kulay asul na bahay may dalawang palapag tapos malawak pa ang bakuran.Isa sa pinangarap kong maging bahay kapag nakagraduate ako sa kolehiyo.."Soon Soraya,soon makakabili ka din niyan,mas maganda pa diyan."Usal ko bago bumuntong hininga.

"Soraya anak!"napatingin ako kay mama na dala dala ang isang batya na punong puno ng labahin,sa edad niyang 43 ay lutang na lutang pa din ang taglay niyang ganda bagay na minahal sa kaniya ni papa, pero dahil malupit ang mundo sa amin Hindi niya hinayaang sumaya at mabuo kami.Hindi man nagloko si papa maaga naman siyang kinuha ng poong maykapal kaya sa edad kong  disesyete ay ako na ang naging ama sa mga kapatid ako.Bale tatlo kaming magkakapatid pang-apat ako yung tatlo ay nagaaral pa lamang sa elementarya kaya wala akong choice kung hindi magpakatatay sa kanila.

"Nay ako na diyan!"lumapit pa ako saka kinuha ang batya na atang atang ng kaniyang ulo."Tulungan monalang ako.Halika baka abutin pa tayo ng hapon sa haba ng pila sa poso."Tumango nalang ako Hindi na ako nakipag debate pa dahil sa huli ay alam kong wala pa din akong magagawa dahil siya pa din naman ang masusunod.

Mahaba ang pila noong makarating kami  sa poso puro lakaki ang nasa unahan kaya takot na takot akong makisingit baka maupakan ako,maganda pa naman ako, sayang ang ganda kapag sinuntok lang.Dito pa naman sa amin ay walang sinasanto maging babae, lalaki bakla man o tomboy.

Tahimik kaming nag-iintay na matapos ang pila,tumataas na din ang araw kaya nakakaramdam na kami ng init mabuti nalang at may malaking puno doon sa dulong bahagi na nagsisilbing silungan.

"Oy Aya! nandiyan ka pala."Saad nong medyo may katabaang lalaki,humihithit pa ng sigarilyo."Makiki-igib lang po sana"nahihiya pa ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin maikli pa mandin ang suot kong short kaya kitang kita ang maputi kong mga hita.

"Sige na mauna na kayo!"Nagbigay pa sila ng daan para sa aming dalawa ni mama kaya hindi na kami nagdalawang isip pa sumingit na kami wala namang masabi yung nasa unahan naming babae dahil sa takot na baka maupakan sila noong mga lalaki sa unahan.Matapos mapuno ang batya ay nagtungo na kami sa dulong bahagi kong saan may lilim at nagsimula na din kaming maglaba.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalaba noonh makaramdam ako na para bang may nakatitig sa akin at ng tingnan ko kung saan nanggagaling yun ay natanaw ko yung apat na lalaki na prenteng nakatitig sa akin,kinabahan ako dahil sa pagtitig nila hanggang sa maya maya lang ay isa isa na silang lumapit kaya nagtago na ako sa likod ni mama.

"Hmm,Aling Soraida maaari ba naming makausap si Aya."Magalang na saad nong lalaking mataba,kadire asa pa siya na gusto ko siyang makausap.Yuck

"Nako baldo tigi tigilan mo ang anak ko,ke bata bata pa nito ay pinagbabalakan mona"lintiyana ni mama na patuloy pa din sa paglalaba ako naman ay nasa likuran niya."Yun nanga ang maganda aling Soraida bata,masarap at sariwa."Sagot naman noong baldo nagtawanan pa ang mga kasama niya.

"Hoy ikaw batugan na lalaki.Wag na wag mong binabastos ang anak ko hah!Layuan mo din siya kung ayaw mong makarating ito sa baranggay."Ramdam kong galit na si mama base palang sa boses niya ay sigurado na ako.

"Hindi kaba natatakot sa kaya naming gawin sayo,Soraida!"Sagot naman ni baldo dahil doon ay natakot na ako para sa kalagayan ni mama.Alam kong walang respeto ang mga tao dito at sigurado din ako sa kaya nilang gawin.

"Hindi bakit?"matapang na saad ni mama.Kitang kita ko naman ang pagsasalubong ng kilay ni baldo."Payag ka nun pre ipinapahiya ka"sulsol pa ng mga kasama niya saka malakas na nagsitawa.

"Umalis na kayo baldo wala kayong mapapala dito"dugtong pa ni mama,at muli siyang umupo ngunit laking gulat ko noong bigla siyang itulak ni baldo.

"Ayoko sa lahat ay yung bastos at walang galang!umayos ka hah!"galit na galit na ito hinawakan pa niya ang pupulsuhan ni mama,ako naman ay nanatiling tulala dahil sa takot at kabang nararamdaman.

"Hoy Itigil nyo yan!"sigaw ng kung sino at noong tingnan ko kung sino iyon ay natigilan ako.He was standing so brave just like a prince that I wish I have.

A Daring Escape(Velazco Series 2)Where stories live. Discover now