CHAPTER 2

6 2 0
                                    


A/N

Before diving into my stories, please note that there may be occasional typos. I strive for accuracy, but if you spot any errors, feel free to let me know. Enjoy the read!.

"In the heart of darkness, a prince will rise to save his princess, for love knows no bounds."

Prente pa din siyang nakatayo sa likuran namin nakatingin sa kaniya yung apat na lalaki pero walang takot na makikita sa kaniyang mukha.

"Mayabang ka ah,upakan kaya kita."Saad ni kuya baldo kaya nakaramdam ako ng matinding takot para kay Alistair,shit naman bakit kapa kase dumating, kayang kaya naman na namin.

Ilang metro nalang ang layo ni baldo kay Alistair noong bigla itong pumulot ng mahabang kahoy,hindi kona napigilan pa ang sariling mapasigaw.

"Alistair umalis kana!kaya kona to"Sigaw ko pero ang loko nginisian lang ako.

"From now on I will not be your enemy, starting from this day I will be your prince,your savior,your man."Malakas na sigaw nito,napatigil ako dahil sa sinabi niya.Matagal na kaming magkakilala pero ngayon lang kami naging ganito kaayos mag-usap tapos ang sweet pa ng mga words niya.

BLAG

Napatigil ako sa pag-iisip napalingon ako sa pinanggalingan noon,napahawak ako sa aking noo noong makita kong nakahandusay na sa lupa si Alistair.

"Alistair umalis kana!"sigaw ko pa pero bumangon pa ulit ang loko bago ngumiti sa akin,ng akmang hahampasin ulit siya ni baldo ay may narinig akong pito at doon ay nakahinga ako ng maluwag.

Hinuli ang mga kasama ni baldo ako naman ay agad nilapitan si Alistair upang tinggnan kong maayos ang lagay nito pero noong makalapit na ako ay bigla itong hinimatay,masiyado pa siyang bata para makipag barugan.

Kapansin pansin din ang pamumula ng balat niya kitang kita iyon dahil sa maputi niyang balat sa huli ay wala akong nagawa kung hindi dalhin siya sa bahay para magamot.

"Aray dahan dahan naman"reklamo nito habang nilalagyan ko ng alcohol ang sugat niya.

"Eh kung hindi ka naman kase basagulero at sumugod dun edi sana hindi kana nasaktan pa."

"But I don't want to see you being harassed by those man."

Natahimik ako at nagpokus nalang sa paglalagay ng alcohol sa sugat niya.

"Okay naba?uuwi na ako tanghali na din nagugutom na ako."

Natauhan lang ako sa reyalidad noong magsalita ito napaupo Naman ako ng ayos.

"Ah sige sige,ingat ka hah!"wala sa sarili kong saad nakita ko naman na ngumiti ito.

"Sige sabi mo eh"

"Sira umalis kananga!."Pagatataboy ko para hindi niya mahalatang namula ako dahil sa salitang tinuran niya.

Hinatid kopa siya sa labas nang aming bahay at noong makalabas kami ay muli itong ngumiti sa akin.

**********************************

"Anak!"Napalingon ako sa pwesto ni mama prente itong nakaupo sa kusina habang naglalaba,hindi na din kase kami bumalik doon sa poso para makaiwas sa mga nambastos sa akin,sa amin.

"Po?"

"Ibili monga ako nang surf na kulay pink don kila Merly."

Tumango nalang ako saka kinuha ang perang ibinigay niya,dali dali akong lumabas nang bahay para makuwi din nang maaga.

Maraming tao noong makarating ako sa tindahan ni aling Merly.

"Pabili po surf na pink!."

""Ilan?"

Napatigil ako dahil sa boses na yun,hindi ko masiyadong makita kong sino yung nasa loob dahil sa dami nang panindang nakadisplay sa harapan ko.

"I-sa"Nauutal na saad ko.

Pagka abot na pagka abot nun ay dali dali kong kinuha at patakbong umuwi sa bahay.

"Sino yun?"Tanong ko sa aking sarili.

Tahimik ang bahay noong makarating ako agad naman akong dumiretso sa kusina para dalhin kay mama ang ipinabili niyang surf.

"Ma heto na po—"Napatigil ako dahil sa nakita ko.

"Ma sino siya?"Wala sa sariling saad ko,tumingin naman sa akin yung lalaking kausap ni mama, unfairness gwapo siya as in sobrang gwapo, maganda ang mata,matangos ang ilong makapal din ang kilay at higit sa lahat yung panga niya napakaganda nang line.

"Ah eh anak maupo kana muna"Si mama na parang natataranta,agad namn akong umupo pero hindi nawawala ang titig ko sa kaniya,ganoon din naman siya sa akin.

"Don't look at me,baka matunaw ako niyan."Baritono ang boses nito bagay na bagay sa kaniya .

Agad naman akong nagiwas nang tingin dahil sa sinabi niya.

"Ah anak ito pala si sir Demetriu,ang magiging amo mo!."Saad ni mama na ikinatigil ko.

"Ano?"Pagsigaw kong saad dahilan para mapatingin sila sa akin.

"Ma naman!bakit niyo naman ako ipinasok bilang katulong?paano na ang pagaaral ko"Sabi ko.Padabog pa akong Umupo sa tabi nong sinabi niyang Demitriu kaya rinig ko ang Mahinang pagtawa nito.

"It's not what your think.Hindi kita aalilain at patutulugin sa chiminea HAHAHA"Sabi nito, natigilan naman ako at dahan dahang tumingin sa kaniya.

"Makinig ka Muna kase Soraya!reklamo kana ng reklamo nakakahiya sa kuya Dem mo."Sigaw naman ni mama na ngayon ay naghahanda na ng meryenda para sa bisita niya.

"Eh ano po bang gagawin ko?"

"Pagaaralin naman kita don't worry.May bilin kase sakin ang ate mo na hanapin kita."Seryoso na ang tono ng boses nito kaya tumahimik nalang ako.

"Tapos?"Mataray na saad ko.

"Hoyy Aya!bat ganiyan ka sa bisita?ikaw tigil tigilan mo ang katarayan mong yan hah!baka makurit kita"Si mama habang inaabot ang mainit na kape kay Dem.

Sure ka Ma?kape talaga?init na init.

"Oo na ma!kelan pala ako aalis?"

"The day after tomorrow."Maikling sagot nito kaya nanlaki ang mata ko.

"Seryoso?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"Sagot nito dahilan para mapairap ako.

"Sungit"bulong ko,tumayo nadin ako para makalabas.

"Hindi ako masungit Wala lang talagang sense ang mga tanong mo"dugtong pa nito kaya tuluyan ng nasira ang mood ko.

Dumiretso agad ako sa Labasan,at doon ay natanaw kopang kumakain ng fishball si Alistair.

"Oh bat ganiyan mukha mo?para kang napaglugi"Bungad nito,inabutan paniya ako ng baso para makakuha ng fishball ko,hindi kona yun tinanggihan agad akong nagtusok ng Fishball at sinimulan konang ikwento sa kaniya ang lahat total friends naman na yata kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Daring Escape(Velazco Series 2)Where stories live. Discover now