CHAPTER 9

0 0 0
                                    


Nagising ako dahil sa malakas na hampas sa mukha ko, dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko at nakita ko si Mikaela na nakatayo sa harap ko.

Pisteng babae to! sinapian nanaman yung kamay nyang mapanakit.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano nanaman ba problema mong babaita ka?" Inis na tanong ko.

"At may naghihintay na po sayo sa baba?" Pabalang na tanong nya, taka kong tinignan siya. Wala naman akong inexpect na darating ah. "Pwede bang bumaba ka nalang?!" inis na sabi nya saka lumabas ng kwarto.

Sinuot ko lang yung t-shirt ko saka ako lumabas na, hindi ko na nagawang mag-ayos ng sarili.

Pagkababa ko, nakita ko na nakaupo na si Yuri dun sa sofa. Wow feel at home ah, kapal..

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Yuri. Inabot nya sakin yung Jacket ko na suot ko ata kagabi, pilit kong inaalala kung bakit na sakanya 'to. "Pano napunta sayo 'to?"

"Iniwan mo sa bar kahapon." Yun lang naman pala, inistorbo pa ko sa pagtulog, Hanep naman. "Di ka naman siguro busy mamaya noh?" Tanong nya pa.

"Bakit? mag-aaya ka uminom ulit? Pass."

"Teka lang naman! Pinangunahan mo agad, Kase naman. Punta daw tayo Amusement Park." Amusement Park? what the heck sa daming pwedeng puntahan.

"Tss.. Ayoko." Pagtanggi ko.

"Kasama si Yumia, dalii sumama kana minsan lang 'to." Pamimilit nya pa, pinag-iisipan ko muna kung sasama ba ako. "Pleaseee?"

"Yuck! di bagay sayo--- oo na sasama na ko."

"Sasama din pala, si Yumia lang pala ang kailangan." Tinignan ko siya na nangdidiri. "Kayo ha, may nakita ako kagabi."

"Tantanan mo ko Yuri, lasing kalang kagabi kaya kung ano ano nakikita mo."

"Sus.. deny pa." Sabi nya nanaman, Pinatayo ko na siya at hinarap sa gawi palabas saka siya tinulak.

"Labas," Humarap siya sakin na nakangisi parin. "Layas na bawal magulo dito.. dun kana." Pagpapalayas ko sakanya, wala siyang nagawa kung di ang sumunod sa labas. "Umuwi kana lasing ka nanaman eh." Pang-aasar ko.

"Ulul ka Heizen." Ganti nya, tinawanan ko lang siya at muli ng pumasok sa loob ng bahay. Anong oras narin pala, kala ko maaga pa. Kinuha ko lang sa sofa yung Leather Jacket ko na sinauli nya saka nilagay ito kasama ng mga laundry.

Kumakain na si Mikaela at Kiah, Pero di na ako sumabay, wala rin akong gana. Umakyat nalang ulit ako at bumalik sa pagkakahiga.

Inaantok parin ako, Hapon pa naman ang alis eh. Natulog muna ulit ako dahil sa sobrang hilo narin.

---------------

Naalimpungatan ako sa dahil may nararamdaman akong magulo sa kama ko, pag mulat ko ng mata ko nakita ko si Yuri na tumatalon sa kama ko.

"Uy! Hello." Bati nya sakin habang kumakaway na nakangiti pero patuloy parin siya sa pagtalon sa kama ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Nang-ga gago kaba?" inis kong tanong sakanya, Pero tinawanan nya lang ako at patuloy parin sa pagtalon, tibay yuri ha.

Habang nage-enjoy siya kakatalon bigla ko siyang tinulak para mahulog siya sa kama.

"HAHAHAHAHAH!! butt first," Ramdam ko yung sakit nya, di parin siya makagalaw sa kinahulugan nya. "mybad sorry, tumayo kana dyan bwisit ka!" Saka rin ako tumayo at tinalikuran siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love HistoryWhere stories live. Discover now