Crown 001

1 0 0
                                    


- Cathariz

Pashneyang Charles to siya na nga yung pinag tanggol idadamay pako sa katangahan. Alam niya namang hindi ako marunong mag commute. I never had problem with my rides since kaming tatlo ay may personal na driver. Pero ngayon pa talaga, na nakabakasyon yung driver. Ngayon niya talaga tatawagan ang nag iisang driver na naghatid samin. Driver yun  ni mama, syempre mabilis yung oo pag tinawagan mo na hindi na kami magpapakuha. since busy din naman si mama marami yung lakad . 

"Ahh, nakakainis"

"Bwusit"

Sana hindi nalang talaga ako sumama sana hindi ko nakitang umiiyak si Charles dahil sa takot niya sa heights. Sana hindi kami nag away ni Czar at hindi sana kami nagkasigawan. Kung hindi lang ako sumama nakahiga nasana ako sa kama ko habang binabasa ko ang mga libro ko.

Dahil sa inis ko kahit hindi ako marunong mag commute. Lumakad ako ng sobrang bilis papalayo sa kanila. Agad naman nila akong sinundan, kaya mas lalo kong binilisan ang aking paglakad papalayo sa kanila. Pero nasundan parin nila ako. Bakit ba hindi ko sila mawala wala sobrang bilis ko na nga. Naiinis na ako g biglang nagsalita si Charles.

'Mukhang nalilimutan ni Catha na trained individual tayo, kahit anong gawin mo hindi mo kami mawawala nakabuntot lang kami sayo" Patawang sabi ni Charles 

"Catha hindi ka marunong mag commute diba, kaya tara na wag na matigas ang ulo. Mag sorry na kayo ni Charles sa isat isa" 

At ako na naman ang mali at masama. Ako pa talaga matigas ang ulo kainis. "Wag niyo nga akong sundan, kaya ko ang sarili ko. At kung sa tingin niyo kaya niyo akong mahabol pag nag siryoso ako. Nagkakamali kayo nakakalimutan niyo yatang kahit babae ako mas magaling ako sa inyo" Tinitigan lang nila ako na nagulat sa sinabi ko. Siryoso silang nakatitig sa akin habang hinihintay ang sunod kung sasabihin.

Bakit ba sila nagulat i totoo naman kahit saang anggulo mas magaling ako sa kanila. Hinahayaan ko lang sila kase mas gusto nila ang korona. Buong buhay nila pinalaki sila ni mama at papa para maging tagapagmana. Isinali lang naman ako ng mga magulang ko sa pag train sa ka nila dahil yun ang patakaran. 

"Pag sinundan niyo pa talaga ako tatalunin ko kayo sa susunod na pagsasanay, ano kaya magiging reaksyon nila pag nalaman nilang mas magaling ang anak na babae ng mga Reineger kasya mga lalaki nitong anak" Patawa kung sabi s a kanila. kitang kita ko sa mga mata ko na naiinis na si Charles at malapit na itong mapuno. 

Kaya sa halip na huminto ako inasar ko pa sila, well hindi naman matatawag na asar yun dahil pinupuri ko lang naman ang sarili ko at tsaka totoo naman. 

"Tsaka alam niyo ba, oh siguro alam niyo na kaso hindi niyo lang pinapansin mas MATALINO ako sa inyo. Dinig nyo yun MA-TA-LI-NO. Hindi palaiyakin, walang takot, at higit sa lahat walang anger issues at hindi mapang asar. Ahh idadag niyo na parin pala na maganda at sexy pa"  Pang aasar ko sa dalawa na halatang nagagalit na.

Yan yung napapala ng mga taong walang sense magsalita at ako pa ang ginawang may kasalanan. Kung ma pride kayo mas ma pride ako mana kaya ako sa lola at auntie ko. 

Biglang kinuha ni Charles ang kamay ni Czar  at naglakad paalis. 

"Hayaan mo siya, magaling pala ah tignan lang natin kung makakauwi yan ng hindi man lang alam kung paano mag commute. Tatawanan talaga kita pag dating mo sa bahay kapag sobrang dumi mona at puno ng alikabok ang katawan mo" tsaka niya ko pinakyuhan 

"Ang dugyot ha"

"Go ahead bitch mas uunahan ko pa kayo" pasigaw kong sabi sa kanya

"Charles wait si Catha, hindi nga yun marunong  mag commute ehh. Baka anong mangyari sa kanya sa daan,  Charles please" lingon ng lingon si czar sa pinaruruunan ko kasi nga nag aalala. Na baka hindi ako  makauwi. Although wala naman siya dapat ipag ala-la. strong independent woman kaya ito. 

Nawala na nga sila sa paningin ko at finally ako nalang mag isa. 

"Ako nalang mag isa" bulong ko sa sarili ko

Naglakad ako papalayo sa parke na pinag awayan namin. Dahan akong naglakad mag isa at napaisip sa desisyon ko. Minsan talaga lumalabas ang katangahan ko dahil sa galit. Pero kasi kasalanan naman nila talaga yun. At wala sa vocabulary ko ang mag sorry kung hindi ko naman kasalanan. Tinuro yun ng tita ko my tita Agnes. She will always tell me that no matter where I go and no matter what I do, I will do it perfectly and gracefully. That I should always be unapologetic to those people na wala naman akong ginawang masama. I should never sorry if wala naman akong naapakan at nasasaktang tao. That I should always be proud and confident to be a Reineger. 

Kaya dapat wag ako mag isip ng katangahan na mali ang desisyon ko. Tama ako, mali sila. Oh sige tama sila mga 15% kasi nagalit ako agad at nagmukha naman akong childish pero tama parin ako. Mas malaki parin ang tama ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang umabot sa isang bus station. Nagtanong tanong ako kung dadaan ba sila sa Hidden Hills. Pero wala ni isa sa kanila ang may alam kung saan ang Hidden Hills. 

"Ahh" napasigaw nalang ako kasi naiinis na talaga ako kanina pa. Paano ako makakauwi ngayon ni walang isang tao ang may alam kung saan ako nakatira. Nagugutom na din ako. Kay agad kong tinignan ang pitaka at cellphone ko sa loob ng bag ko. Pagkatingin ko sa bag ko nagulat nalang ako dahil wala ang wallet ko.  Wala din yung cellphone ko. Tsaka ko lang naalala na ibinigay ko pala kay Czar ang pitaka ko noong na mimili kami ng mga gamit niya dahil hindi niya dinala yung wallet niya. Kaya wala man lang siyang dalang pera. Kinuha niya rin kanina hyung cellphone ko para matawagan si manong driver dahil ako lang may number ni kuya. 

Napaupo nalang ako sa tabi dahil sa galit at inis. Sana talaga hidi nalang talaga ako sumama Bakit ba kasi minamalas ako sa araw na to.

 Umalis ako sa bus station at nag patuloy sa paglalakad. Kung alam ko naman kung saan ako papunta makakarating din ako sa bahay namin. 

At pag talaga ako nakauwi humanda sila. Hindi man lang talaga inisip ni Czar na ibigay yung pera at cellphone ko. Humanda talaga sila sa akin. Pahihirapan ko sila pag uwi

Naglalakad akong parang baliw na tinatawanan ang sarili dahil iniisip ko na ngayon palang kung ano ang gagawin sa kanila. 

"Humanda kayo Czar at Charles" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The crownWhere stories live. Discover now