Chapter 2

32 13 6
                                    

AZALEA P.O.V.

Habang nasa byahe ay hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Kailangan ko talaga ng magpapanggap na asawa ko at ama ni Cherry para hindi kami sundan ni Hayes.

Kapag nangyari ngayon... Titigil ba siya? Titigilan niya na ba kami ni Cherry? Siguro naman 'diba?

I closed my eyes.

Sana walang mangyari na hindi ko magugustuhan. I want to spend all my time with Cherry.

"Huy!" Si Vecious. "Ang lalim ng iniisip mo ah?" Puna niya

I sighed at sinilip si Cherry na ngayon ay nakahiga sa aking legs at natutulog.

"What if... Alam niya?" I asked

Napalingon naman si Vecious sa'kin at itinabi ang sasakyan namin sa tapat ng National books store.

"So?"

"Hindi mo naiintindihan eh alam mo ang nangyari noon, kung bakit ko tinago si Cherry sa kaniya. What if... Malaman niya na siya ang ama at kunin niya sa'kin si Cherry? P-paano na'ko?" Nagpapanik kong sabi

"Hindi niya gagawin 'yo—"

"Pero ang pamilya niya kayang kaya!" Utas ko.  "Alam mo ang pamilya niya, kaya nilang gawin lahat."

Vecious sighed. "Oo, alam ko. Malakas ang laban mo kung kukunin nila sa'yo si Cherry! Alam mong mahal ka ni Cherry at hindi niya kayang mapalayo siya sayo."

Tumango ako.

Oo, alam kong mahal ako ni Cherry. Pero... Nandon pa rin yung takot ko na ilayo siya sa'kin ni Hayes o ng pamilya niya!

Sabihin na nating hindi gagawin ni Hayes yon, pero yung pamilya niya kayang-kaya nilang ilayo sa'kin si Cherry and i will never let that happen! Magkamatayan na hindi ko ibibigay ang anak ko sa iba dugo ko ang dumadaloy sa katawan ni Cherry at wala ng iba.

"Don't stress yourself Zalea. Tatanda ka niyan." Si Vecious

Tumawa naman ako. "Tss... Ikaw unang tatanda noh!"

Inirapan lang ako nito.

"Nga pala nandito na tayo. Si Cherry? 'di mo ba siya gigisingin?" Tanong ni Vecious

Umiling ako. "Hintayin ko nalang siya magising napagod ata sa byahe."

Ngumiti siya sakin.

"Sige, bibili nalang muna ako ng pagkain natin."

Tumango ako. "Sige. Ingat."

Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinaabot sa'kin ang wallet niya.

Burara talaga kahit kailan.

Habang hinihintay kong magising si Cherry at bumalik si Vecious ay naisipan kong kunin ang cellphone ko at i open ang account ko sa Instagram.

Matagal ko na ring hindi 'yon nabubuksan ilang taon na ang nakalipas. Simula kase nung nangyari sa'min ni Hayes ay hindi ko na ulit in-open pa ang kahit anong account na meron ako.

I sighed.

Tinype ko ang email at password ko sa Instagram para mabuksan ito. Buti nalang at alam ko pa rin ang password ko.

Bumukas na ang account ko sa Instagram at 99+ ang bumungad sa notifications ko. Sa mga text naman ay 20+ ang una kong binuksan ay 'yong mga message.

Tinignan ko kung sino-sino ang mga 'yon. Ang iba ay natatandaan ko pa ang iba naman ay baka random message lang. Nakita ko ang pangalan ni Wade na isa sa mga nag iwan ng mensahe sa'kin kaya agad ko 'yong binasa.

Here We Meet Again (ON GOING)Where stories live. Discover now