Chapter 1

103 19 7
                                    

(Note to new readers/FELIP fans: I don't put a note nor Italicize a flashback. Please observe a possible transition to know whether you're still in the present of reading a flasback already.)

FELIP

"Hindi na namin naabutan si Shiann sa condo niya. Mukhang nagtatago na," imporma ng lawyer ko pagkapasok na pagkapasok nila sa condo unit ko.

Nilingon ko sila at batid ang stress at pagkadismaya sa mga mukha nila.

"Tinawagan mo ba?" tanong sa akin ng manager kong si Ate Bea.

Bumuntonghininga ako at nagtungo sa kusina upang magsalin ng tubig sa baso ko.

"Hindi sumasagot. Hayaan n'yo na. Sinabi ko naman sa inyo na hindi ko nga siya sasampahan ng kaso. Hayaan n'yo na. Galit lang 'yon kaya ganoon," sabi ko.

Halos bugahan ako ng apoy ni Ate Bea nang magtaas siya ng boses.

"Anong hayaan? Hahayaan na lang natin siya na siraan ka in public e hindi naman totoo 'yung mga sinasabi niya? My God, Felip! Buong career mo ang puwedeng masira dahil dito!"

Gusto kong sabihin na wala akong pakialam. Masira na kung masira. Para saan pa ang lahat ng 'yon kung wala na sa buhay ko 'yung taong pinakanagpapasaya sa akin?

Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil ayaw ko namang ma-invalidate ang nararamdaman at efforts ni Ate Bea para sa akin at sa career ko. She's been here since I was just starting and I really appreciate her hardwork to take really good care of me as her artist.

"Huhupa rin 'yon. Makakalimutan din ng mga tao," kibit-balikat kong sagot.

"Pero mabigat ang mga akusasyon niya sa 'yo," sabi naman ng abogado ko. "Hindi 'yon basta-basta lalo na't public figure ka. At lalo na't wala namang katotohanan ang mga iyon."

Muli akong nagpakawala ng mabigat na hininga at bumalik sa sala.

"My decision is final. I won't press any charges against her."

Napairap si Ate Bea. "Bakit ba parang pinoprotektahan mo pa 'yang si Shiann? Hindi ka man lang ba nagagalit na gumawa siya ng kuwento para siraan ka sa publiko?"

"Naiintindihan ko siya. Galit siya sa 'kin. Gumaganti."

"E hindi naman totoo na may iba kang babae! Walang third party! Ang immature naman niya kung gaganti siya sa ganitong paraan pa! Para siyang timang."

Hindi ko napigilang samaan ng tingin si Ate Bea. Pinagtaasan lang niya ako ng kilay at humalukipkip. Nakukuna ko naman ang punto niya pero . . . hindi ko alam. Hindi ko kayang magalit kay Shiann sa ginawa niya.

At some point, I wanted to get mad. But I remembered how mad she was at me. I remembered how hurt she was when she thought that I was cheating on her. I never cheated. Hinding-hindi ko 'yon magagawa sa kaniya. Talagang hindi lang kami nagkaintindihan. Kaysa magalit ako sa ginawa niyang paninira ngayon, mas lamang pa rin sa akin ang kagustuhan na makausap siya para maipaliwanag ang side ko -- na hindi ako nagloko, na mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang ipagpalit.

Muli ko na naman tuloy naalala 'yung araw na nakipaghiwalay siya sa akin. Kababagong taon lang at birthday ko pa man din ng araw na iyon. Hindi ko akalain na iyon ang araw na tatapos sa apat na taon naming relasyon.

"I'll be there early in the morning. Gusto ko pagmulat na pagmulat mo, ako agad ang makikita mo at ako ang unang babati sa 'yo ng happy birthday!" masayang saad ni Shiann habang nagvi-video call kami.

She was so cute. She was smiling so wide and seemed very excited about my birthday. Parang siya pa itong magbe-birthday sa sobrang excited niya.

"Ang sweet naman niyan," malambing kong saad. "I miss you, baby. Ilang araw tayong hindi nagkita."

Shelter in Your ArmsWhere stories live. Discover now