Capítulo Uno

4 0 0
                                    

SABI nga nila, hindi mo malalaman o maiintindihan ang nararamdaman ng isang tao kung hindi ikaw ang nasa sitwasyon nito.
Bakit tila nag-iiba ang aking personalidad? Bakit ako nagiging isang tao na dati lang ay napopoot ako? Tanong ng dalaga sa isip nito.

Patuloy na bumabagabag sa kaniya ang sitwasyong kinabibilangan niya kung saan pinangako nito na hinding-hindi niya mararanasan. Tinanong siya ng kanyang acicalar o kasintahan kung sasama ba siya sa salo salong magaganap mamayang gabi, umiling lang ang dalaga at hindi naman na siya binigyan pa ng pansin ng acicalar at umalis na ito nang hindi nagpapaalam.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at nagtungo sa kaniyang tahanan upang magpahinga, kahit na ang kaniyang puso ay pagod na pagod na. Tinawag siya ng ina para
maghapunan habang ito ay naghahain sa kanilang mesa. Pagkatapos ng kanilang hapunan ay naghanda na para matulog ang dalaga, humiga ito sa kaniyang kama at diretsong napatitig sa kisame.

Bago ito matulog ay isa lamang ang hinihiling nito, na mapanaginipan niya ang isang humano na laging naglalaro at kusang sumusulpot sa hindi inaasahang panahon sa kaniyang isipan. Nang ito ay tuluyang pumikit, naging malinaw ang larawan ng isang humano na patuloy na gumugulo sa kaniyang isipan sa nagdaang mahabang panahon.

________

Naalimpungatan ang dalaga nang kumatok ang kaniyang ina para gisingin siya, mulat na ang mga mapupungay nitong mata pero tila tulog pa ang diwa nito. Nang tuluyan itong magising, agad itong bumangon at hinanda ang sarili para mamalengke sa kabilang bayan kasama ang kaniyang ina.

Siya na ang nagdala ng bayong habang hawak naman ng kaniyang ina ang tungkod nito. Medyo may katandaan na rin ang kaniyang ina dahil matanda na ito para tawaging nasa karampatang gulang nang ito ay magbuntis. Ang dalaga lang ang iisa nitong anak ng kaniyang asawa na isang mayamang negosyante.

Nang makarating sila sa kabilang bayan, nagtungo sila sa mga bilihan ng mga sangkap para sa pananghalian nila mamaya. Mas gugustuhin ng kaniyang ina na siya na lamang ang magpunta sa pamilihan para mamili kung wala naman itong gagawing importante, pero hindi sang ayon ang asawa nito dahil nga may katandaan na rin ang ina ng dalaga.

Nagpaalam muna ang dalaga sa kaniyang ina dahil gusto niyang tumingin tingin ng mga palamuti at kolorete para sa kaniyang sarili. Inusisa niya ang mga alahas na naroon at pumukaw sa kaniyang atensiyon ang isang kuwintas na may palawit na hugis araw, kulay ginto ito at mukhang mamahalin. Binili niya ito gamit ang salapi na dala dala niya at napahinga naman siya ng maluwag nang mapagtanto na hindi ito nagkulang para sa alahas na naiibigan niya.

Tinanong siya ng tindera kung gusto ba niyang isuot nito sa kanya ang alahas at napatango siya habang may malawak na ngiti sa kaniyang mapula pulang labi. Hindi pa tuluyang naisusuot sa kaniya ang kuwintas nang may tumatakbong humano ang bumangga sa kaniya.

Napatigil ito at napatingin sa dalagang nasa harapan niya. Hindi niya malaman kung bakit napatitig siya rito at nang makabalik sa huwisyo ay pinulot nito ang kuwintas at tinignan ito sandali bago iabot sa dalaga. Agad itong umalis at wala manlang sinabi kahit na paghingi ng paumanhin ay hindi nadinig.

Hindi malaman ng dalaga dahil biglang kumabog ang dibdib niya na parang kinakabahan, napahawak na lamang siya sa kaniyang dibdib at napabuntong hininga. Tinanong siya ng tindera kung maayos naman ba ang kalagayan niya dahil nga nabangga siya ng isang humano na ngayon ay misteryoso para sa kaniya.

Tuluyan na ngang naisuot ng tindera ang kuwintas na may palawit na araw, pinagmasdan naman ng tindera ang dalaga at namangha ito sa taglay niyang kagandahan, tila isa itong anghel dahil sa maamo at maliit nitong mukha, mapupungay na mga mata, natural na pagkapula ng pisngi at labi nito. Pagkatapos ay umalis na ang dalaga at hinanap ang kaniyang ina, nang makita niya ito ay agad siyang nagtungo rito at sinabihan siya ng ina na sila ay uuwi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Querido DiarioWhere stories live. Discover now