Prologue

136 8 0
                                    


"My lady, nai-prepara na po namin ang inyong panligo." One of the maids approached me from the balcony of my room.

Hindi talaga ako masasanay na 'my lady' ang tawag sakin. Bwakanang shet.

Naglakad na ako papunta kung nasan ang bathroom ng kwarto ko. Merong bathtub na ang nakahanda at puno iyon ng mga flower petals. Mahalimuyak ang amoy at talagang nakaka enganyo ang maligo doon.

Ibinaba ko ang bathrobe ko at dahan dahang sumampa sa bathtub. Nagpalubog ako doon saka inangat ang tingin sa mamahalin at magandang disenyo ng banyo.

Halos mapasigaw ako nang biglang bumukas ang pinto at may dalawang maid ang pumunta sa akin.

Pota naman beh, uso kumatok huy.

Ang isa ay inumpisahan akong shampoo-hin at ang isa naman ay minamasahe ang binti ko.

Bakla ka!! Para tuloy akong nasa spa.

"Uh, I can handle myself. Ako na ang magpapaligo sa sarili ko."

Nagtinginan silang dalawa.

"Baka po magsisigaw ulit kayo pag iniwan namin kayong mag-isa." Sagot ng isang maid sakin.

Ang tinutukoy niya ay yung unang araw na napunta ako dito sa mundong to. Nagpanic si ate girl mo at nadulas, di makapaniwala na na transmigrate sa mundo ng novel.

Hindi na lang ako umimik dahil guilty ako.

Pagkatapos nila akong paliguan ay pinapili nila ako ng bestidang susuotin para sa breakfast kuno namin ng aming family.

Pinili ko ang bestidang kulay crimson na may kakaibang disenyo ng bulaklak sa laylayan.

"Aray ko teh! Dahan dahan lang." Padaing kong sabi nang biglang higpitan ang corset na pinasuot sakin.

"T-Teh?" Takang tanong ng isang maid sakin.

"Ah, short for ate. Like teh, ganun." I said trying to convince her.

Kahit nawe-weirduhan ay tumango na lang ito bilang sagot sakin.

Self kalma, baby kalma. Wag mong dalhin kanal humor mo dito, baka matigok ka at mapag kamalang mangkukulam.

Ngayon naman ay nakaharap na ako sa salamin habang inaayos ang buhok ko. Tinitigan ko ang repleksyon ko. 

A flowing wine red hair, rich and vibrant, cascading down my back like a waterfall of color. My eyes are a warm amber, glowing with a gentle, golden light that conveys both sophistication and wisdom. A person that has an elegant and graceful presence, drawing attention effortlessly wherever she goes.

A facial features that is crafted carefully by the creator. An overwhelming aura that screams the word 'villain.'

That's right. I possessed the villainess of the novel 'Mourning Flower'. She is Hyacinth Zenith Harthwin, which is currently me.

But I don't care, I love Hyacinth! Her character is so well written compared to other protagonist. She is my favorite character in Mourning Flower. Hyacinth was called the witch's daughter because of her appearance. A wine red hair is not common in the empire.

She is an illegitimate child of Duke Harthwin. Pero kahit na anak siya sa labas ay hindi yun naging dahilan para saktan siya ng kanyang kapatid. In fact, it's the opposite, they love her and treat her us one of the Harthwin without a bias.

How did she became a Villainess? Well, it is because she was brainwashed and manipulated to become a villainess.

"It's all done now, my lady."

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. My hair was done in a perfect braid and the dress suited me perfectly.

Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad palabas ng magarbo kong kwarto. Pagkababa sa dining area ay complete attendance ang mga ferson.

Naroon si Duke Kezer Harthwin, Hyacinth's father. Zephyr Husson Harthwin and Zarina Hera Harthwin, the twin older siblings of Hyacinth. Even though Hyacinth has a different mother, the twin never treated her harshly. Only the Duke is distant to her.

And unlike me who has a wine red hair, the Duke and the twins both have chocolate brown hair. Pero ang kulay ng mata namin ay pareho lamang, kulay amber.

Napaiwas ako ng tingin ng umangat bigla ang mata ng Duke sa akin. Nasa kaliwang side ng mesa ang kambal kaya naman naupo ako sa kanang bahagi ng mesa. Nasa bukana naman ang Duke.

"Ano na naman ang mga naririnig ko sa mga maids mo, Hyacinth? They told me that you went hysterical inside your bathroom." Napatigil ako sa pagsubo ng steak dahil sa sinabi niya.

"M-May ipis kasi." Utal kong sagot.

"Ipis?" Taas kilay at nagtatakang tanong ni Zarina.

"O-Oo! Ipis na n-nag fe-feeling butterfly doon sa loob ng bathroom." Casual kong sagot sa kanila.

Napatigil ako nang marinig ang malakas na halakhak ni Zephyr dahil sa sinabi ko. Pota anong nakakatawa dun?

"Hahahahaha! Weirdo!" Aniya ng hindi tumitigil.

"You've become a little strange lately, sister." Pag iling ni Zarina.

"By the way, Father. The imperial palace sent a letter again asking for you to attend a meeting. Bukas iyon at inaasahan daw ang presensya niyo." Sabi ni Zephyr.

Nakikinig lang ako sa kanila habang subo ng subo sa mga kinakain ko. Muntik pa akong mabulunan pero agad akong inabutan ng tubig ng Duke habang na kay Zephyr ang tingin niya.

"Alright. Hyacinth, you'll come with me tomorrow at the Imperial Palace." Yun ang naging sagot ng Duke na nagpatigil sa akin.

"Ha? Eh sabi ni Zephyr, presensya niyo lang ang inaasahan dun ah."

Kainis. Anong gagawin ko dun?

"Hyacinth, you'll come with me tomorrow." Ma-otoridad niyang sabi kaya naman itinikom ko na lang ang bibig ko.

Hindi man niya sabihin ay alam kong may balak siyang i-engage ako sa 2nd prince. Because that is what's written in the novel, which is I highly opposed!

I need to interrupt this engagement no matter what! Especially the 2nd prince, since he despise the villainess so much.

Ganda-gandahan lang plano kong gawin dito. Wala akong pake sa mga lalaki, kahit jan na yang mga yan sa female protagonist. I won't get on their way and live quietly and peacefully here.

Anong mapapala ko sa mga lalaki kung meron namang pera. Money can buy all my happiness much better than a man. Mwehehehe.

Hindi ko namalayan na nakasilip na pala ang evil smile ko kaya't inayos ko ang pagmumukha at nagpatay malisya sa mga maids na nakatingin sakin.









Don't forget to vote and comment! Thank you so much. (⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)

Twisting the Villainess' Twisted FateWhere stories live. Discover now