Chapter 28

173 16 0
                                    

Aaron POV

Andito kami ngayon sa harapan ng pinto ni headmaster Whitlock, hindi namin alam ni kuya kung kakatok ba kami or aalis nalang pero naalala ko ang mata ng kapatid namin habang nakatingin sa amin, parang kakainin niya kami ng buhay. Kinilabutan naman ako sa mga iniisip ko.

Napatingin ako kay kuya Ashton na kanina pang nakatingin sa harapan ng pinto. Panigurado, hindi rin niya alam ang gagawin niya.

"What now kuya" kinakabahan kong sabi rito. Huminga naman siya ng malalim saka siya tumingin sa akin ng seryoso.

"No matter what happen Aaron, wag na wag kang gagawa ng hindi magugustuhan ni headmaster Whitlock" ako pa talaga ang pinagsabihan niya ng ganun. Ayos din tong taong ito ah.

"Ano pang hinihintay mo kuya, kumatok ka na" bagot kong sabi rito. Nasasayang ang oras eh kapag nakatayo lang kami rito.

"Sandali nga, pinapangunahan mo na ako eh, alam mong kumukuha pa ako ng bwelo" saway niya sa akin kaya tumahimik nalang ako.

Nagbibilang naman siya ng pabulong saka niya itinaas ang kanyang kamay para kumatok pero binaba niya ulit ito at tumingin sa akin.

"Bat ganyan ka makatingin kuya" saad ko naman dito. Parang alam ko na kung ano ang binabalak niya.

"Ikaw na kumatok" sabi na nga ba eh, kahit kailan talaga matatakutin ang isang ito.

"Anong ako, ikaw na" sabi ko naman dito pero tinignan niya lang ako ng matalim.

"Remember, panganay ako kaya gawin mo ang sinasabi ko" banta niyang sabi sa akin pero umiling ako rito.

"Diyan tayo magaling eh, sinusumbat ang posisyon eh. Ikaw ang panganay kaya ikaw ang kumatok. Hindi ba't, kuya knows best" pinalakihan naman niya ako ng mata.

"Hindi ba't sabi ni Avery na ikaw ang magbibigay niyan kay headmaster, sinamahan lang kita kasi ayaw kitang mapahamak" pusang gala naman oh, nangonsensya pa.

Wala akong nagawa kundi ang kumatok ng tatlong beses. Walang pang sampung sigundo ay narinig na namin ang malamig na boses ni headmaster kaya napalunok ako ng ilang beses.

Si kuya Ashton na ang nagbukas at ako naman ay na sa likod niya. Bumungad sa amin ang lamig ng office ni headmaster kaya hindi ko mapigilang mapalunok ulit. Nanginginig na rin ang mga kamay ko.

"There is any problem Nightshade brothers?" Tumindig naman ang balahibo ko sa aking batok dahil sa lamig ng boses niya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa papel na hawak niya.

"M-may i-ibibigay lang p-po kami headmaster" utal na sabi ni kuya Ashton. Nakakunot na noo naman ang sumbat sa amin ni headmaster kaya minadali kong kinuha sa bulsa ko ang camera at binigay sa kanya.

"Anong gagawin ko rito?" Tanong ni headmaster sa amin. Kakainin mo siguro headmaster kasi masarap iyan, malamang titignan kung anong meron sa camera. Naramdaman ko naman nag pagkalbit sa akin ni kuya Ashton kaya tumingin ako ng seryoso kay headmaster.

"Pinapabigay ni Avery sir" saka niya kinulikot ang laman ng camera. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil nag-iiba ito. Nang matapos niya ay agad niyang binaba ito at tumingin sa amin ng seryoso.

"Kailan to nangyari?" Kung malamig kanina mas malamig ngayon. Nilunok ko ang sarili kong laway dahil hindi ako makahanap ng words para sabihin sa kanya.

"Kahapon lang sir" Seryosong banggit ni kuya Ashton kaya sumeryoso na rin ako, walang mangyayari kung inuuna ko ang aking takot.

"They are not scared huh?" Saka siya ngumisi ng nakakatakot na nakapagpigil sa pag-hinga ko.

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now