CHAPTER 11

11 1 4
                                    

“Uhm, no.” ngumiti si Silex at tumingin sa amo niya. “Naghihirap na nga ako sa buhay ko Sir tapos dadagdagan ko pa?” sarkastikong tanong ni Silex at umiling-iling.

Napatango-tango si Trevor at namulsa ito. “Glad to hear that.” anito kaya agad naman siyang napatingin dito na nakakunot ang noo. “I mean, it’s glad to hear that you’re focusing on your life first.” dagdag ng lalaki kaya tumango naman siya.

“Pero, syempre naman Sir naiisip ko din na masaya din ang mahalin, masaya din ‘yung may isang taong gustong-gusto na makuha ka.” aniya habang naglalakad sila sa palengke patungo sa maliit na grocery store na alam niya. “Kaya nagpaligaw ako.”

Alam niya naman na walang pakialam ang amo niya sa personal niyang buhay pero gusto niya parin mag-kwento dito dahil alam niyang nakikinig ito. Iyon lang ang kailangan niya, ang taong makikinig sa kaniya.

“Sasagutin mo na ba siya?” tanong ng lalaki at nagsuot na ito ng sunglasses dahil sa init. “If you don’t mind me asking.”

Natawa si Silex. “Hmm, hindi ko pa alam Sir e pero, mabait siya.” aniya at bumaling sa amo niya, nakita niyang pawis-pawisan na ito. “Naku Sir! Pawis-pawisan na ho kayo, bumalik na ho tayo sa kotse.” aniya at humawak sa likod nito.

“No, it’s okay.” sagot ng amo kaya umiling siya.

“Sir, huwag ako. Alam kong hindi ka sanay sa mga ganito,” hinawakan niya ang braso nito at hinila ang lalaki para kumilos na. “kaya tara na Sir kasi hindi kita kayang buhatin kapag nawalan ka ng malay diyan. Babayaan kita.” pananakot niya at tumawa naman ang lalaki sa kaniya.

Pinagbukas siya ng lalaki ng pinto ng kotse kaya agad naman siyang pumasok. Nakita niyang umikot ang lalaki at pumasok din ito sa kotse.

“Would you mind if I change my shirt right now?” tanong sa kaniya ni Trevor kaya napalunok naman siya at tumango na lamang bilang pagtugon.

Naghubad ang lalaki ng pang-itaas at malaglag ang panga niya nang makita ang basang-basa na katawan nito dahil sa pawis. Pati ang abs nito ay tumutulo ang pawis.

Pinunasan naman ni Trevor ang sariling katawan gamit ang damit kaya agad na siyang umiwas ng tingin.

His body is like Dash’s. Ngayon sigurado na siya na magkaibigan ang dalawa dahil sabay siguro pumupunta sa gym.

“Silex?” tawag ng lalaki sa kaniya kaya bumaling naman siya dito. “Can you wipe my back?” tanong ng amo sa kaniya.

Napalunok siya at tumango bago kunin ang bimpo sa kamay ng lalaki at dahan-dahang pinunasan ang likuran nito na basang-basa sa pawis.

Nakita niya ang mga pula sa likuran ng lalaki pero hindi na niya tinanong pa kung tungkol saan iyon.

“Okay na Sir.” aniya at ibinalik ang bimpo sa amo, tumingin naman ito sa kaniya at ngumiti bago kumuha ng damit sa isang paper bag malapit sa pwesto niya.

Isinuot ng lalaki ang puting polo shirt at hindi man lang nito inayos ang kwelyo. “Teka lang Sir.” pigil niya sa lalaki dahil magsisimula na itong magmaneho.

Tumingin ito sa kaniya na parang nagtataka, hinawakan niya ang kwelyo nito at inayos ang pagkakabutones at pagkakapwesto noon para hindi magmukang gusot.

“Ayan,” komento ni Silex at ngumiti sa lalaki. “dapat Sir kapag magsusuot kayo ng damit lagi niyong aayusin, mamahalin nga pero masama namang tignan.” dagdag pa niya at tumango-tango na lang sa Trevor bago ito nagsimulang magmaneho.

Itinuro ni Silex sa lalaki kung saan naroon ang bagong bukas na grocery store at nakinig naman ito sa kaniya kaya nakarating sila roon ng walang kahirap-hirap.

ROMANTIC RIVALRYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt