Chapter Three: 4 OA plus 1

155 4 2
                                    

G   W   E   N

After of my 2 and a half hour jogging and walking sesion, just inside the subdivision, I decided to go home since it's almost 7pm already. And for sure, na dumating na din yung tatlo sa bahay.

And maybe, na-meet na din nila yung mga bago naming housemates. They will be surprised for sure.

Wala naman kasing nakakaalam sa amin na may mga bago kaming makakasama sa bahay. I just learned about it this morning, actually. And kay Ate Jovi ko lang din nalaman.

Ewan ko dun sa tatlo if alam na nila. Baka nasabihan na siguro sila ni Dean or tinawagan sila ni Ate Jovi. Don't know.

But I just hope they won't cause a trouble for us. Judging by the attitude of two of those four, halatang mga makukulit sila at maiingay.

Two things na ayaw na ayaw ng dalawa sa mga kasama ko sa bahay. Ayaw nila ng maingay at makulit lalo na kapag mga hindi nila kakilala.

They only tolerate Staku's silliness. Pero kapag ibang tao? No.

Kaya ngayon pa lang, hinihiling ko na sana hindi maging mga pasaway yung apat na yun. Ayoko ng gulo at ayokong makakita ng gulo.

I heave a sigh and took my phone from my pocket and turned off the silent mode. Palagi ko kasing sina-silent mode yung phone ko kapag nagja-jogging ako dahil may mga times na nasisira yung focus ko sa pagja-jogging kapag panay ang tunog nito.

And I got a little shocked when I saw a lot of message notifications. Karamihan ng mga message ay sa group chat naming apat. Then meron ding galing kay Ate Jovi, saying na dumating na si Cols at Staku. Pero wala pa daw si Mikhs.

Meron pang mga messages galing sa ibang tao at karamihan ay mga hindi ko naman kilala. Hindi ko na binuksan yun at yung convo sa GC lang ang in-open ko.

I start reading their messages from the time na dumating si Cols sa bahay.

Cols: Hey, guys! Sabi ni Ate Jovz, may mga bago daw tayong makakasama dito sa bahay.

Staks: Weeehh? Seryoso, Te Cols?

Cols: Kailan ba 'ko nagbiro?🙂

Staks: Luh sya, oh? I'm just asking lang naman, eh.

MJ: Pinindot mo na naman kasi, Staks.

Cols: Eto kayo --->👊

Staks: BWAHAHAHAHAHAHAH!!!!

MJ: Wow, Te Cols. Natuto kana gumamit ng emogis, ah.
              And Staks, I can hear your laugh from here. 🙄

Staks: Uy, good! Mabingi ka sana. Bleh! 😛

MJ: Yuck! Go away, Lindtsey! Eww!

Staks: Ang arte. Kala mo naman aabutin ng dila ko, eh. 🙄

MJ: Kadiri ka kasi.

Cols: Mga piskit kayo talaga. Bahala nga kayo dyan! Wag kayong magtatanong sa'kin tungkol dun sa mga bagong dating, ah!

* Colet V. had logged out *

Hindi ko naiwasang mapailing na lang habang nagbabasa ng convo nila.

MJ: Ikaw kasi, Lindtsey. Pinindot mo na naman si anger. 🙃

Staks: Ako talaga? Ako lang? Ikaw din kaya. 🙄

MJ: But you started it. 😏

Masked FeelingsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora