Ultimo

788 63 14
                                    

AYZE TOOK her precious time. She grabbed the chance to stay on Tito Laur's island right after she visited the witch. Lumayo muna siya pansamantala sa pamilya niya para ipahinga ang sarili. She let Arki took good care of their prisoner, kailangan maayos ito bago isama sa tatay nito sa kulungan.

"Dinala ko na rin ang gitara mo para hindi ka mainip dito. Sigurado ka na ba? You don't want me to stay?" Vane, her brother, asked.

Hinatid siya nito sa isla. He said he wanted to see the island himself to make sure of her safety, when in fact, alam nilang lahat na bukod sa village nila— ang isla ng Tito Laur at Tito Kade nila ang pinaka-safe na lugar para sa kanila.

"I can handle myself, little brother. Stop worrying about me, will you?" pabiro niyang sinuntok ang dibdib nito.

"I'll try to bring your cat here," sabi ni Vane na ikinagulat niya.

They couldn't bring Kage with them because Zayndrei might be staying in her unit. Na-inform siya ng Tito Zayvin nila na wala sa unit nito ang anak, at hindi rin umuuwi sa mismong bahay ng mga ito.

"Kay Zayndrei 'yon... Pero ako naman ang mommy, so? Okay lang naman siguro kung catnapin natin?" malawak siyang ngumisi kay Vane.

Namaywang ang kapatid niya at mahinang natawa sa ideya niya, "Ginawa pa nga akong catnapper!"

"Hey, you're Kage's uncle—"

"Even so, Ate. It's still catnapping." Umiling ang kapatid niya. "I can't believe we're talking about this. Whatever, I'll try to bring her here. Kung hindi papalarin, yung amo na lang siguro ang ibibigay ko sayo."

Kumunot ang noo niya at bahagyang nilapit ang mukha sa kapatid niya. His voice sounds irritated, hindi niya gaanong narinig ang huling sinabi nito.

"Ano 'yon?"

"Wala," umiwas ito sa kanya. "Uwi na ako. Tatawag ako kapag nasa akin na ang pusa niyo."

Tumango lang siya at pinanood na umalis ang kapatid niya. She stepped aside when the helicopter started to fly. Yes, bukod sa bangka, helicopter ang gamit nila para lang marating ang isla ng Tito Laur nila.

It was too peaceful and Ayze was loving and living for it. Hindi siya literal na mag-isa dahil kasama niya ang mga housekeeper and they're doing their best to entertain her.

It doesn't matter if nautusan man ang mga ito o kusang loob 'yon na ginagawa.

"Naku! Sobrang sexy naman nitong bata na 'to!" Manang exclaimed when she saw her in her bikini.

Ngumisi siya sa matanda at inilahad ang kamay sa harapan nito. Asking for the jet ski's key.

"Mag-ingat ka ha? Huwag masyadong lumayo para makita ka pa rin namin, maliwanag?" tanong nito sa kanya. She's like a mother to her now.

"Yes po, manang. I'll drive very carefully. I'll be back within 5 hours."

"Magbibilad ka na naman ba? Kakulay ka na namin!" sabi ng isa nilang kasama sa bahay.

Indeed, her skin was getting tan and she had no problem with it. Maganda naman. At nagustuhan niya. Even her tan lines. Kung wala siguro siyang kasama at walang CCTV sa buong isla, she'll walk around here naked.

Inabot sa kanya ni manang ang susi saka itinuro sa kanya ang life vest na mandatory na isuot. She's been using the jet ski almost every day.

Ayze thinks that it's one of her hobbies now. Ang sarap sa pakiramdam na tumatama sa mukha niya ang malamig na simoy ng hangin, ang amoy ng dagat, at kapag nababasa siya sa pagiging kaskasera niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mystique FlowerWhere stories live. Discover now