"THE DAY TAMG FOUND OUT ABOUT THE LETTER"
"Are you sure nandito na lahat ng mga importante mong gamit?" I opened the zipper of Kaori's luggage and took one last look inside before looking up at her.
We're inside her room in her penthouse because I'm helping her pack her things. Ngayon ang balik ko papuntang Paris at napagpasyahang sumama ng hapones na ito kahit hindi siya invited.
Joke! Kailangan niya talagang sumama dahil gusto rin siyang makilala ni lola sa personal. Ipapakilala ko rin siya roon sa mga kaibigan kong nandoon. They're all worried about me because of the issue they discovered. Umabot kasi ang tungkol sa'min sa balita roon sa Paris. Kaya ayun, wala akong kawala kung hindi ang ikuwento ang totoo sa kanila.
"Okay, toothbrush check, roothpaste, check, tuwalya, check, sampung pirasong sabon, check-"
"Sampung pirasong what?" Kaori cut me off, and when I looked at her, her brows were now furrowed. "Why on earth would you put ten pieces of soap inside of that?"
"You don't want it?" Nanghina ang boses ko.
"Baby naman.. ano bang trip mo?" Mukhang naguluhan siya sa naging reaksyon ko. "I already told you, let's just buy those things in the grocery store if ever you don't have stock in your place. Pinayagan na nga po kita sa paglalagay ng toothbrush at toothpaste sa loob. Pati ba naman sampung pirasong sabon?"
"It's for emergency."
"Baby, what emergency?" She looks so done with me. "There's no zombie apocalypse in Paris."
I sighed. "Baka may naiwan ka pa-"
"Baby, you're overthinking too much." Naupo siya sa kama katabi ko.
"I'm not."
Nag-aalala lang ako kaya check ako nang check ng maleta niya. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang bukas na ba ako rito. Mamaya na ang flight namin at baka may nakalimutan siya. Tapos baka maalala niya lang kapag nandoon na kami sa eroplano.
"Nand'yan na lahat ng mga kailangan ko. Stop stressing yourself-and also, we don't need these." Tapos ay inilabas niya iyong mga toothpaste at toothbrush na pinaglalagay ko kasama nung sampung pirasong sabon.
"But-"
"Fine." She put them back inside but stopped when I clapped my hands.
"Yes! Gusto ko kasing 'yan yung gagamitin mo pagpunta nating Paris. Dapat 'yan din yung toothpaste mo kapag nag toothbrush ka kasi natutuwa ako kapag 'yan yung ginagamit mo."
"What the hell.." napabulong siya sa hangin. "Are you serious?"
I nod. "Tapos yung sabon gusto ko sabay-sabay mong gagamitin."
"Tamg."
I burst out laughing. I cannot hold it anymore! Napahawak ako sa tyan ko habang malakas na tumatawa. "If you just saw your face!"
"I knew it," she says, annoyed, before getting the three of it out of her luggage.
"Hey!" I laughed. Nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap habang tumatawa parin.
Nakaraang linggo ko pa siya pinagtitripan kaya asar na asar na siya sa'kin. Don't get me wrong, she did not do anything wrong for me to tease her. Sadyang natatawa lang talaga ako sa ekspresyon ng mukha niya sa tuwing ginagawa ko 'to. Feel ko nga hindi nabubuo araw ko kapag hindi ko siya naaasar.
"Are you mad?" I chuckled. "Hey.." I shook her hand a little when she just continued closing the zipper.
When I received no answer, I pouted.
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...