Accusation

36 3 1
                                    

REIGN'S POV

NANGINGIMI na ang mukha ko sa sobrang daming sampal na natanggap ko kanina. Ngayon naman ay sabunot ng isang matandang hindi ko naman kilala.

"What's happening here?"

"Khaizer!"

"Mom," lumapit ang lalaking damulag na iyon sa Nanay niyang hindi ko maintindihan kung bakit nandito rin ngayon. "What's happening?"

"Are you okay, Mom?" Tumatango ito ngunit nakatingin sa akin kaya naman nilingon din ako ng anak niya. "W-what happened to you...?"

Umiwas ako ng tingin para hindi makita ang awa sa mga pangit nilang mukha. "You're here again, what stupid thing did you do this time, huh?"

Masamang tiningnan ko siya at nginisihan. "Kung makapagsalita ka ay para bang kuya kita," nagsalubong ang mga kilay niya at parang biglang nandiri.

"As if I even want you to be my younger sister, no. You're so stubborn. Who would even want to be your sibling?"

Narinig ko bigla ang paglalagitikan ng mga ngipin ko sa pagtiim ng bagang. Kung kanina ay nakapagtimpi ako, bakit parang sa harapan ng baklang damulag na ito ay hindi!?

"Tama na ang eksena." Lapit ng isang lalaking pulis. "Miss, Mendez." Hindi ko siya tiningnan dahil hindi naman ako interesado. "Kukunin namin ang testament mo tungkol sa mga kasong binabato sa'yo, kailangan mong makipag-cooperate."

"Sa pananalita mo, mukhang wala na akong pagpipilian." Bulong ko ngunit alam kong rinig nila.

"Huwag ka ngang magyabang! Kanina ay hindi ka makalaban tapos ngayon mo pa inilalabas ang kahambugan mo!" Tulak sa akin ni Ella.

Sapagkat ang kakayahan ko ay hindi kailanman kayang mahigitan ng mga kagaya niyong tao. Pwe!

Tinulak ako ng mga ito para tuluyang makapasok nang bigla ay pahintuin sila ni Damulag. "Here. Wear this." Nakunot akong pinagmasdan siyang alisin ang sariling coat at ilagay sa akin.

Hindi ko binitawan ang masamang tingin sa kaniya. "Wear it and just be thankful." Hindi ako tumalima kaya naman siya na mismo ang humawak sa akin para isuot iyon.

Hindi ko malaman kung bakit hindi agad ako nakakilos, siguro ay dahil pagod na ako at wala na rin lakas makipagtalo pa. Nainis lang ako nang mapatigil siya habang nakatingin pa sa dibdib ko.

"Manyakis!" Malakas kong tinabig ang kamay niya bago ko takpan ang sariling katawan.

Hindi siya nakasagot at para lang tangang nakatitig sa akin na para bang may bagay na hindi kapani-paniwala sa harapan niya. Inis na dinanggil ko ang kaniyang braso at lampasan sila.

Pumasok kami sa isang kuwarto kung saan mayroong isang salamin ang naghahati roon. Sa palagay ko ay interrogation room ang naroon sa loob habang dito sa puwesto ko ang observation room kung saan narito ang iba pang mga pulis. 

"Dito ka na muna." Sinipa ng pulis na iyon ang isang bangko palapit sa akin.

"Nag-alala ka pa." Nakangisi akong tumungo sa kaniya bilang pagpapasalamat.

Ramdam ko ang inis niya nang ayain niya sina Allaine sa loob. Umupo akong tiningnan sila rito kasama ang iba pang mga pulis nagbabantay. Sa gilid ng mata ay kita ko ring naroon si Kervin.

"Ano naman ang ginawa ko sa'yo at naging prime suspect ako?" Natatawa kong tanong nang hindi ito nililingon. Hindi ako nakatanggap ng sagot kaya iniangat ko ang paningin sa kaniya.

Nakunot akong makita ang pag-aalala niya habang sumusulyap sa loob at ganoon din sa akin. Sa lapit namin ay nararamdam ko ang pagkabalisa niya.

Ismid akong muling nagtuon sa loob ng salamin. Para itong aquarium ngunit walang tubig sa loob, kung magkataon man na mayroon. Lalagyan ko ito ng pating at mga piranha saka masayang panunuorin ang mga taong iyon.

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon