Chapter 25 - Beautiful Start

551 23 30
                                    

CHAPTER 25

BEAUTIFUL START


Kiel's POV


I must have done a good deed on my past life,

for God gave me an amazing girl like you.


"Dad?" I froze when I saw my father waving at me from afar. Katabi niya ang nanay ko na ang laki laki ng ngiti sa mukha.

At first glance, they look like normal parents attending their son's graduation ceremony. Pero alam ko sa sarili kong walang kahit na anong normal sa sitwasyon ng mga magulang ko. I have never seen them side by side in years. Kahit sa mga family occasions, hindi na dumidikit ang tatay ko sa asawa niya.

Parang hindi ako makapaniwalang magsasama ulit sila dahil lang sa nakapagtapos ako ng senior high.


"Congratulations anak! We're so proud of you!" My mother hugged me and even kissed my cheek. Nagpasalamat ako sa kanya bago ko tiningnan nang seryoso ang tatay ko.


I wanted to ask him what he was doing here, but then I knew keeping my mouth shut was the best thing to do right now. I didn't want to ruin my mood. Masyado akong masaya na naka-graduate ako nang hindi humihingi ng tulong sa tatay ko.

I studied well for the remainder of the year. Hindi man nakaabot sa top 10 ng overall grade 12 students, at least nasa kalagitnaan naman na ang ranking ko. I worked hard to be here today.


"Galing sa amin ng mom mo." Iniabot ni dad ang isang maliit na pahabang box.

"Open it!" excited na sambit ni mama.

It was a silver Jaeger Lecoultre watch with a black strap. It probably cost them thousands of pesos. Halata sa itsura pa lang na pinagkagastusan nila ng sobra ang regalo nila sa akin.


Iniangat ko ang tingin ko kay dad at binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Like me, he seemed uncomfortable acting like we're a happy family. Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla na lang siya nakumbinsi ng nanay ko na magpakita dito sa school.

Nakalimutan niya na ba ang mga nasabi niya no'ng huling nagusap kami? Why is he pretending everything's okay?


"Did you not like it?" my mother asked with a worried voice. Halata yata sa mukha ko ang pangangamba.

"No mom, I love it. Thank you."

She beamed and asked her PA to take a photo of us. Pinatayo niya pa ako sa gitna nila ni dad. Nang dumating bigla si Kuya Archi ay isinama niya ito.


"Why are you here?" diretsang tanong ko pagkatapos ng photo op. Magsasalita pa lang sana siya pero inuhana siya ng nanay namin.

"What do you mean by that, Kiel? I asked your brother to come. It's your graduation day, anak. Nararapat lang na nandito kaming lahat ngayon."


Tumahimik na lang ako at pinahawak muna kay mama ang regalo nila sa akin. Tinawag na rin kasi ako ng committee upang pumasok na sa reception hall. They are already gathering all the graduates inside.

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Where stories live. Discover now