CHAPTER 3

2 1 0
                                    

I was jumping with joy when I received another email. I didn't know that my boss would be a man!

There was additional information about my job. And.. fuck! He wants to meet in person to have a proper introduction!

I immediately wrote my reply and we agreed to meet tomorrow in their office.

Nataranta ako at agad akong kumaripas ng takbo papunta sa 'king damitan upang maghanap ng maayos na damit na maaring maisuot. Kinakailangan ko magpakita ng magandang impresyon, kung hindi ay baka mapahiya lang ako at lalo na si Yvonne.

Inihanda ko lahat ng mga bagay na kakailanganin ko kinabukasan ng gabing 'yon. Dahil sa sobrang taranta ko ay agad kong tinawagan si Yvonne upang maipabatid sa kaniya ang magandang balita.

"I got accepted!" Malakas na sigaw ko.

[Of course, you did! How did it go? Were you interviewed kanina?]

"No.. I was not. Tinulungan lang ako ni Ian na maipasa ang mga papeles ko. Hindi mo nasabing ang opisina na pinuntahan ko ay isang security company!" Sumbat ko.

[Oh, my god! I'm sorry! Nakalimutan ko!] She nervously laughed.

[So.. you finally met Ian,] sabi niya.

"Yeah, so?" Tumaas ang kilay ko. "If you're thinking about setting me up on a fucking date, please, 'wag ka nalang mag-isip."

[Too late. I already did. Dinner. Tomorrow night. I'll send you the location. Don't be late!]

"Wait, what?!" Nanlaki ang mata ko.

[Isipin mo nalang na ito 'yung way para makabawi ka sa 'kin. I know how you hate na magka-utang na loob sa ibang tao, so..]

"Yvonne, I swear to God-"

[Congrats and good luck for the interview and date tomorrow! I love you, bestie! Bye!] She cut me off before ending the call.

Natulala na lamang ako sa kawalan. A fucking date?! With Ian? I barely even know that man!

I sighed. It's okay. This is just the second time Yvonne arranged a date for me. It's no big of a deal.

Ipinilig ko ang aking ulo at isinan-tabi ko na lamang ang ibang bagay na bumabagabag sa 'king isipan.

Maaga akong natulog ng gabing 'yon.

Kinabukasan, ay mabilis akong naligo at nag ayos. Naglagay ako ng make-up at inayos ko rin ang buhok ko. I also wore my glasses. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

I was wearing denim pants and a black tank top. Pinatungan ko ito ng putting blazer. Nakasuot din ako ng heels na hindi gano'n kataas ang takong.

I sighed in the mirror.

This is it.

Muli akong bumuntong hininga bago dinampot ang aking bag at umalis na. I checked my wrist watch and I still got time to get some coffee.

At 'yon ang akala ko. Traffic na kaya naman 'di na 'ko nakabili ng kape. Dumiretso nalang ako sa opisina.

When I got there, my eyes widened when I saw that I was already five minutes late!

Kumaripas ako ng takbo sa elevator.

"Wait! Please!" Sigaw ko sa lalaking nasa loob ng pasarang elevator. His brows furrowed when he heard me screaming.

Agad kong hinarang ang kamay ko sa pinto at muli itong bumukas. I sighed and went inside.

I looked at him. Kinailangan ko pang tumingala upang makita ang itsura niya. Isang matipunong lalaki na naka suit at naka salamin. Ang buhok ay nakaayos at seryoso ang ekspresyon ng mukha.

Keep Your Eyes On MineWhere stories live. Discover now