PROLOGUE

18 1 0
                                    

February 20, 2024

"Gabing gabi na hawak hawak mo pa rin 'yang fliers ng restaurant sa bayan." Natatawang sabi ng kaibigan ko. Inirapan ko lang s'ya at naupo sa madumi naming sofa. "Nakailang sabi na ako sa'yo na sa amin ka na nga lang magtrabaho."

"Ayaw ko nga. Masasapawan lang ng kagandahan ko ang kagandahan mo kapag do'n ako nagtrabaho. Baka nga mawalan ka pa ng posisyon sa kumpanya n'yo pag nando'n na ako." Taas noo kong sabi. Narinig ko ang mahina n'yang tawa kaya muli akong napairap.

Ba't ang hilig tumawa nito? May saltik ba?

"Masyado ka talagang mahangin that's why I really like you to our company,"nakangiti n'ya pang sabi.

"Hindi carbon dioxide ang binebenta n'yo do'n at mas lalong hindi ikaw si Sanggre Amihan." Singhal ko. "Humanap ka na lang ng iba. 'Wag na ako. Hindi ako bagay sa kumpanya n'yo. Hihilanatin lang ako do'n."

"Why? Wala namang sakit or virus sa company namin para dapuan ka ng fever. Araw gabi kaya nililinis ang company and we always make sure na papasok at aalis kaming malinis 'yon—"

Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya dahilan para mapatigil s'ya sa pagsasalita. Inirapan ko s'ya at tumayo upang kunin ang picture ng restaurant sa bayan. Tinitigan ko ito ng mabuti. Hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala s'ya. Nang maramdaman ko ang presensya n'ya sa tabi ko ay agad akong umalis at umupo muli sa madumi naming sofa.

"Umalis ka na." Malamig kong sabi. "Alam kong concern ka sa 'kin lalo na hindi madali ang trabaho na aapplyan ko sa bayan, pero hindi mo kailangan mag-aalala kasi kaya ko naman."

"Kapag hindi ko kaya eh 'di hihingi ako ng tulong sa 'yo. Hindi mo kailangan ipilit sa 'kin ang trabahong hindi naman para sa akin. Kung gusto mo 'yung pinsan ko na lang. Mas need n'ya ng trabaho." Dire-diretso kong sabi habang nakatingin ng diretso sa kan'ya. "Na-appreciate ko naman...sobra."

"I'm so sorry. Alam kong gusto mo lang na..." ngumiti s'ya kung saan nakita ang ngipin n'ya sa itaas. "Hindi masapawan ang kagandahan ko."

Agad akong humalakhak at binato sa kan'ya ang unan sa sofa namin na halos ilang buwan nang hindi nalalabhan. Agad s'yang napaubo dahilan para lalo akong tumawa ng malakas.

Hindi n'ya ata kaya ang baho. Sobrang baho ba? HIndi naman, maarte lang s'ya.

"Don't worry, my friend. Kapag nagtrabaho ka na sa company namin I will make sure that every each day I will wear extra make-up." Wala sa sarili s'yang ngumiti.

Magsasalita pa sana ako, pero pareho kaming nagulat ng may marinig kaming kanta para sa patay. Pareho kaming napakunot ang noo at sabay na tumakbo papunta sa bintana. Nagkatinginan kami nang makita na merong ililibing.

"Bakit gabi ang libing?" Nagtataka kong tanong.

"Why don't you ask them?"

Masama akong lumingon sa kan'ya at agad naman s'yang nag peace sign sa akin. Inirapan ko s'ya at lumingon muli sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit imbes na matakot ay napuno ako ng lungkot nang malaman kung sino ang ililibingl.

"Es...what? I don't know how to pronounce it, bff."

Umiling na lang ako at bumuntong hininga. Hindi ko na s'ya nilingon dahil baka sofa na ang mabato ko sa kan'ya. Sinundan ko lang ng tingin ang mga tao hanggang sa makalagpas na sila sa boarding house namin.

"Ah, alam ko na! He's the hot guy sa kabilang street. Kahit matanda na s'ya ay sobrang gwapo n'ya pa rin. Sayang lang at wala s'yang asawa at anak. Kung may anak lang s'ya na lalaki for sure sobrang gwapo rin no'n at hindi malabong maging—"

"Boyfriend mo." Pagtutuloy ko.

Marahan s'yang tumawa at mahina akong hinampas. "You.are.right." Kinikilig n'yang turan.

Umakto akong nasusuka at muling umupo sa sofa. Kinuha ko ang fliers ng restaurant sa bayan at binasa muli iyon gamit ang mga mata ko. Hindi ko pa natapos basahin ay narinig ko ang malakas na pagkahulog ng dalawang makapal na libro sa plywood naming sahig.

Agad akong tumayo upang pulutin iyon dahil alam kong hindi rin naman pupulitin ng maarte. Yuyuko na sana ako upang pulutin nang marinig ko ang malakas n'yang pagsinghap. Naiirita akong lumingon sa kan'ya ngunit napansinghap din ako ng makitang may hawak s'yang lumang letter.

Halatang sobrang tagal na niyon dahil ang papel ay tila kulay brown na at parang unting galaw lang ay mapupunit na.

Tumayo ako ng maayos at lumapit sa kan'ya. Pumunta ako sa gilid n'ya habang maingat n'yang binubuksan ang letter. Napakunot ang noo namin ng mabasa ang pangalan ng nagsulat niyon.

Ito yung lalaking inilibing kani-kanina lang.

"Gusto ko kapag namatay ako gabi ang libing ko dahil nais kong ipabatid sa iyo na mamamatay akong hindi limot ang gabi kung paano tayo nagkakilala." Pagbabasa ng maarte kong kaibigan. "Oh, how sweet."

"Hindi, ang creepy." Pagkontra ko.

Narinig ko ang mahina n'yang pagreklamo kung kaya't tumawa ako ng malakas.

Hindi naman talaga sweet ang mga ganoong bagay. Para akong kinikilabutan kapag gan'yan. Namana ko talaga siguro ang pagkabitter na 'to kay tita.

"Hello, mga anak. Papasok ako ha."

Speaking of tita...nandito na naman s'ya.

"You're already inside po," inosenteng sabi ng maarte kong kaibigan. Agad ko s'yang tinapik lalo na at mukhang hindi maganda ang naging araw ni tita. "Uhm...what I-I mean po is...w-welcome."

Tumango lang si tita at agad dumiretso sa kusina para ilapag ang mga dala n'ya. Sinundan lang namin s'ya ng tingin. Nang buksan n'ya ang ref ay agad s'yang napatakip sa kan'yang ilong. Mahina akong hinampas ng kaibigan ko kaya agad akong lumapit kay tita at sinara ang ref. Magsasalita sana ako, pero tinalikuran n'ya lang ako at bumuntong hininga.

Wala akong nagawa kundi bumalik sa tabi ng kaibigan ko. Nagkatinginan kaming dalawa dahil parang iba ang kilos ni tita. Dati na s'yang parang yelo makitungo, pero mas malamig ngayon. Nagkibit balikat na lang ako at sinenyasan ang kabigan ko na ipagpatuloy ang pagbabasa dahil tila may namumuong tensyon sa loob ng kwarto namin.

"May seven nineteen ninety nine—"

"Ano 'yan?" Nagtataka ngunit may diin na tanong ni tita.

"Letter po nung namatay na inilibing kanina lang. Pangalan n'ya po kasi yung nakalagay dito na nagsulat ng letter." Mahinahon na sagot ng kaibigan ko. "Ang sweet nga po ng sinasabi n'ya. Mukhang he really loves his partner."

Agad lumapit sa amin si tita habang pinupunasan ang kan'yang kamay gamit ang basahan na dala dala n'ya. Inilapag n'ya ang basahan sa may lamesita at maingat na kinuha ang letter. Kahit siguro s'ya ay napansing luma na talaga ang letter.

"Hindi..." Tanging namitlang ni tita at napaupo s'ya sa plywood na sahig. Tila nawalan s'ya ng lakas at tuluyang bumigay ang katawan. Malakas s'yang umiyak na parang pinagkaitan ng mundo ng isang mahalagang bagay.

Agad kinuha ng kaibigan ko ang letter sa kamay ni tita at mabilis itong binasa. Kumunot ang noo ko nang gulat itong lumingon sa akin at halos di makapaniwalang ibinigay sa akin ang letter. Tinuro n'ya ang pangalan na nakasulat sa huling pangungusap ng letter.

"Harianaiah Aubrielle S-sandoval..."

Pangalan ni tita noong dalaga pa s'ya.

Ang pangalan n'ya noong hindi pa s'ya kasal kay tito...kapatid ni papa.

Between the Sea and the CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon