CHAPTER 47

121 4 0
                                    

[ Wena POV ]

Sinapak ko ang isang itim na lobong gusto akong kagatin. Habang patagal ng patagal ay paunti naman kami ng paunti. Ang ibang mga kasama namin ay tuluyan ng natalo sa laban. Gumamit din ako ng mahika upang mapatay ang iilang mga kalaban. Malapit nako sa pinakang gitna. Ililigtas ko ang mahal na Reyna. Nakita ko naman si Gabo na nakikipag laban sa di kalayuan. Tumakbong lumapit ito sa ‘kin at inalalayan akong maka lapit sa Reyna.

“Mahal na Reyna,” tawag ko at inangat ang ulo nito. Wala siyang Malay. Mukang nakuha na ng Hari ang kaniyang kapangyarihan.

Binaklas ko ang kadena at lubid na naka tali sa kaniya. Binuhat ko ito, hindi ko alam kung saan ako pupunta at dadaan. Maraming kalaban ang nasa paligid.

Si Prinsipe Xyrus ay nakikipag laban ngayon sa Hari at mamasasabi kong napaka lakas nilang pareho. Napaka lakas ng hangin sa buong paligid at nag kalat ang apoy at mga patay na katawan ng mga lobo at mangkukulam.

Napatingin sa akin ang Hari. Nakita niyang bitbit ko ang Reyna. Tumakbo ako ngunit hinarangan niya ang  dadaanan ko.

“Traidor!” Sigaw nito at akmang aatakihin ako pero biglang sumulpot si Xyrus at binigyan nya ito ng suntok. Tumilapon ang Hari. Nagpatuloy ako sa pag takbo hanggang sa nakarating ako sa kanang parte ng palasyo. Nakita ko doon si Zia na gumagamit ng mahika upang gumaling ang mga sugatan.

“Iiwan ko muna sya sayo. Maari mo ba syang pagalingin?”

Tumango ito. At inalalayan akong ibaba ang Reyna.

“Sino siya?” tanong nito.

“Ang mahal na Reyna, ina ni prinsipe Xyrus.” sagot ko.

“Sige, ako na ang bahala sa kaniya. Mag iingat ka.”

Hindi ako naka sagot at bumalik nang muli sa likod ng palasyo na kung saan may madugong labanan na nangyayari.

“HAHAHAHAHA” Rinig ko ang tawa ng isang babae. Isang babae ang lumitaw sa gitna kasama ng ibang mga mangkukulam. Ngunit nagulat ako dahil bakit kamuka iyon ng mahal na Reyna?

Sino siya?

Napahinto ang Hari at prinsipe Xyrus. Nagtataka din ang mga muka nila. Hindi ko maintindihan, bakit kamukang kamuka niya ang Reyna. Ngunit ang pananamit at ang buhok nito ay naiiba.

“Kamusta mahal na Hari, at nandito din ang munting prinsipe.” Naghahamong tono nito.

Kitang kita ko ang pagtataka sa muka ng Hari at prinsipe.

“Marahil ay nakakalimutan niyo na ako, tama ba?”

Biglang may sumulpot na malalaking lobo. Mas malaki ito kaysa sa ordinaryong lobo lamang, magkatulad sila ng kulay ni Gabo ngunit double ang laki nito.

“Ikaw ang babaeng nakita ko nang gabing i'yon. At hindi ang asawa ko.” Anang Hari.

“HAHAHAHA, huli na ang lahat para diyan. Napatay mo na ang asawa mo tama ba? At papatayin mo na rin ang anak mo. Gumana ang plano ko, napakadali niyong paikutin.” Saad nito.

Ano ang tinutukoy niya? Kaya ba akala ng Hari noon na nagtaksil sa kanya ang Reyna? At akala ba noon ng prinsipe na namatay na ang kaniyang ina? Ito ba ang plano niya?

[ Hevean POV]

Kinakabahan ako, baka hindi na sila tuluyang maka balik. Paano kami ng anak ko kapag nawala si Xyrus. Paano nako kapag nawala si Zia o si Gabo.

Tumulo ang mga luha ko habang hinihile ko si Herus. Natutulog ito ng mahimbing, ngunit kanina ay patuloy ang kanyang pag iyak. Marahil ay nakakaramdam din siya ng hindi maganda ngayong gabi. Marahil ay natatakot din siyang mawala ang kaniyang ama.

“Mahal na mahal kita anak.”

Hinalikan ko ito sa noo at mahinang inihiga sa kama.

Tatayo na sana ako upang kunin ang lampin nitong nahulog ng bigla akong naka rinig ng sigaw mula sa labas. Nakaramdam agad ako ng takot.

Narinig ko nalamang si Herus na umiiyak. Kinuha ko ito at ikinarga. Kumuha ako ng malaking lampin upang ibalot sa kaniya.

Tumahimik ang buong paligid at may kumalabog sa labas ng pinto. Anong nangyayari?

Patuloy parin sa pag iyak si Herus. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako para sa anak ko.

Napa sigaw ako dahil biglang nasira ang pinto at tumilapon. Nanginginig ang tuhod ko ng may babaeng lumitaw sa pinto. Pamilyar ang muka niya, may kahawig ito kay Xyrus. At kamuka niya ang babaeng nagsabi sa akin noon sa gubat, na si Xyrus ang dahilan ng pag ka matay ng mga magulang ko.

“S-sino ka!? Anong kailangan mo?”
Matapang kong tanong. Hawak ko sa isang balikat si Herus at ang kanang kamay ko naman ay naghahanda sa anong mang pag atake. Wala akong tiwala sa kanya. Marahil ay isa siya sa mga kalaban.

“Hindi na importante ‘yun Allyza. Hindi paba sapat ang pagkamatay ng mga magulang mo para layuan mo ang prinsipe?” Saad nito at lumutang ako sa ere at tumilapon. Si Herus naman ay nasa ere parin at unti-unting lumalapit sa kaniya.

“Herus! Hindi mo makukuha ang anak ko!” Tumayo ako at gumamit ng mahika upang tamaan siya. Ngunit may proteksyon ito, kahit anong gamit ko ng mahika ay hindi siya nito natatamaan.

“Mauubos lang ang lakas mo. Sumama ka ng mahinahon o papatayin ko ang anak mo?”

Tumutulo ang luha ko ng makita ko ang palad nito na nasa leeg ni Herus.

“W-wag, please. Gagawin ko ang gusto mo, w-wag mo lang sasaktan ang a-anak ko.” Pag mamakaawa ko. Patuloy parin ako sa pag hikbi ng dakpin nila ako at dinala sa kung saan. Hindi ko na nakita pang muli ang anak ko, hindi ko alam kung saan nila dinala si Herus. Natatakot ako, natatakot ako na baka saktan at patayin nila ang anak ko.

Nakita ko ang babaeng kumuha sa anak ko na papalapit sa‘kin.

“Saan mo siya dinala? Nag-mamakaawa ako, w-wag mong sasaktan ang anak ko.”

Ngunit parang wala itong narinig sa halip at mahigpit nitong hinawakan ang baba ko.

“Wag kang mag alala, gagamitin ko pa kayo ng anak mo. Sa ngayon, matulog ka muna.” Saad nito. May pinaamoy itong bulaklak sa akin. Katulad ito ng bulaklak na nakita ko noon. Isa itong itim na rosas. Nandidilim ang paningin ko at nanghihina ako.

“Ang anak. . . . ko. . . .  H. . . He. rus. . ”

Sambit ko sa pangalan ng anak ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon