FFTS: Chapter 13

13.3K 513 93
                                    


Dedicated to BossPrincess105


ComVo


=======================

CHAPTER 13


KATHRYN'S POV: 


"Ano? Sino?" bigla akong nag-panic.


"Si Mister John daw ho, ma'am! Eh pinapasok na ho no'ng mga guards, eh." kumakamot na sabe nitong kausap kong katulong.


Napapikit at napahawak ako sa noo ko sa naramdaman kong hilo.


"Hala, ma'am, okay lang ho ba kayo?" 


Sumandal ako sa headboard ko at chineck ang phone ko. Naka dalawang oras din pala akong tulog kaya medyo nawala sakit ng ulo ko... pero hilo pa din. 


I sighed, "Pakisabe baba din ako after ilang minutes, te." 


Tumango siya at lumabas na nang kwarto. Tumayo din ako ng dahan dahan at naglakad papunta sa bathroom para makapag-hilamos man lang. I feel like puking nang makaharap na 'ko sa sink ko, pero I just shrugged the 'puking feeling' at naghilamos ng mukha. Nag toothbrush na din ako.


Napatitig ako sa salamin. Nagpunas ako ng mukha, medyo maputla ako pero namumula ng kaunti ang ilong at labi ko. Lumabas na ko ng bathroom at umupo sa kama, nagpalit ako ng white shirt at sweatpants. Nagsusuklay ako at nagtitipa ng text kay Mommy nang may kumatok nanaman.


"Ate??" sigaw ko habang nakatitig pa din sa phone ko.


nxt week po ako pupunta diyan. can't wait!!!

love u and dad!


Nakadating na sila mommy and daddy no'ng isang linggo pa, pero dahil busy kameng tatlo ay hindi ko pa sila napapasyalan sa bagong biniling  bahay ni daddy. Gusto na ipagbili ni dad ang bahay na tinitirhan ko ngayon dahil puno daw ito ng bad memories.


"Coming!" sigaw ko at nilapag na yung suklay sa bedside table ko.


Tinignan ko lang ulit ang sarili ko, 'Okay na yan', I thought. Nagsimula na 'kong kabahan,


"Ate bakit ba-"


"Hi, Miss Kathryn." he smiled.


Ano nga bang sagot sa hi???


"Ma'am, magpapaalam na daw ho kasi si Sir." sulpot ng mukha ni ate sa likuran ni Daniel.


"A-ah..." at napatango lang ako sakanya.


Falling for the stranger (FFTG2:KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon