Chapter 11

306 25 36
                                    

"O, halika dito, Bambs", sabi ni Ms Lea na pinalalapit ang panganay kina Asher. "The one and only Bamboo, eldest ko", pagmamalaking pakilala ni Ms Lea, "though I do believe nagkakilala na ata kayo, Asher?"

Lumapit naman si Bamboo at hindi parin bumibitiw sa titigan nila ni Asher.

"Um, opo, nagkakilala na po kame", mahinhing sagot ni Asher.

"Yeah", tipid na sagot ni Bamboo at itinaas ang kanyang kanang kamay na hindi alam ni Asher kung makikipag-high five ba ito, or what, kaya inilahad nalang niya ang kaliwang palad niya na siya namang hinawakan ni Bamboo.

Napakapit sila ng mahigpit sa kamay ng bawat isa, dama nila parehas ang tensyon, na maski ang ibang taong nakapaligid din sa kanila ay pawang nakakramdam din.

"Uh, let's go take a seat", biglang basag ni Gerard sa katahimikan at napakurap parehas sina Bamboo at Asher.

Nabaling ang tingin ni Asher kay Gerard sa likod ni Bamboo at na-conscious bigla kaya namula ang kaniyang mga pisngi ng ikutin niya ang paningin sa loob ng office at nakitang nakatingin ang lahat sa kanila ni Bamboo.

Si Bamboo, na hindi parin bumibitaw ng pagkakahawak sa kamay niya kaya pinuwersa niyang bumitaw ng kusa mula dito. Nakatitig parin ito sa kaniya.

Pansin naman ni Ms Lea ang ibang kilos at pagtingin ng panganay niya sa dalaga, pero kita din niya ang madilim na expresyon sa mukha ng bunso niyang anak.

Si Gerard, na sumingit sa pagitan nila Bamboo at Asher at tinulungan makaupo si Asher, habang siya naman ay naupo sa tabi nito.

"So, shall we start the contract signing?" Wika ni Ms Lea.

Nagsimula namang magsipag kuhaan ng litrato ang media habang kaliwaan na nagpipirmahan ng kontrata sina Asher at Ms Lea.

*************************************************

"Salamat po, Ms Lea", sabi ni Asher at nakipag kamay kay Ms Lea  sa iba pang head ng kumpanya. Masaya siya na simula na ng pagtupad ng kaniyang pagarap.

Nakita niyang nakakapit sa magkabilang braso ni Gerard ang kambal, habang ang stepmother naman niya ay kinakausap parin si Ms Lea.

Parehong nagpapa-cute sina Kimberly at Majory na ikinukurap-kurap pa mga pilikmata nila at nakangiti ng malaki kay Gerard, pero si Gerard, siya lang ang tinitignan.

"Where do you wanna celebrate, Ash?" Tanong ni Gerard, na siyang nagpabitaw ng mga kamay ng kambal sa magkabilang braso niya.

"Hmp!" Sabay na irap nila Kimberly at Majory na nagwalk out papalabasng office, habang sinunod sila ng tingin ni Asher.

"Hey", mahinang sambit ni Gerard na hinimas ng bahagya ang balikat ni Asher.

Nalingon naman si Asher kay Gerard. "S-sorry. Ano ulit yon?"

"Ang sabi ko", paguulit ni Gerard, "san mo gusto mag celebrate, since katatapos mo lang mag contract sigining?"

"Um...." Napatingin sa gilid si Asher at nakitang nakayuko lang sa tabi si Bamboo. "Ikaw, bahala ka.... Kahit saan basta ok lang ako."

Umangat ang ulo ni Bamboo at nagtama namang muli ang kanilang mga mata.

"...."

"...."

"...."

"...."

"...."

"...."

"Ash, what's wrong?" Narinig niyang tanong ni Gerard sa tabi niya. Pilit niyang ilayo ang mga mata kay Bamboo at nalingon sa katabi.

"I'm really sorry, Gerard", pagpapaumanhin niya, "I guess pagod lang ako."

Asherbella and the Angry PandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon