Taste
I woke up early. Sa sofa ako natulog kaya sumakit na naman ang likod ko. I laundered the clothes I wore last night so I have something to wear.
I just did some exercise to warm myself up before I took a shower. Sinuot ko iyong nilabhan kong pants, and I just hung my shirt in my shoulders, bago pumasok ng kitchen nila. Tulog parin sila tita Vi dahil masyado pang maaga.
Ang sarap ngang matulog pa dahil wala namang pasok. Tamad na tamad nga akong bumangon kanina. Kaso nakakahiya namang nasa ibang bahay ako pero ang tagal kong gumising.
I took a bottle of mineral water sa ref and chugged it. Umiinom ako nang marinig ang yabag ng paa papasok ng kitchen. Binalik ko ang pitcher sa ref at sinara iyon bago ko hinarap si tita Vi.
"Good morning, tita.."
"Oh, Nick!" masayang bati ni tita Vi sa akin. "Ang aga mo naman yatang nagising, nak? Wala naman kayong pasok?"
"May plano kasi ako ngayon, tita.."
"May lakad ka?"
"Wala naman ho. Balak ko kasing magpaturong magluto. Nakakahiya mang aminin pero cup noodles lang ho ang kaya kong lutuin.."
Tumawa si tita Vi. "Basta lumaking may mga maids, gano'n talaga, nak. Oh siya, halika. Tuturuan kita ng basic na umagahan."
"Gusto ko sanang magpaturo sa pagluluto ng caldereta.."
"Nako! Paborito ni Vaughn ang caldereta. Bakit ka nagpapaturo? Gusto mo siyang lutuan? Pinopormahan mo siguro ang anak ko?" siningkitan ako ng mata ni tita Vi.
"Hell no, tita! Caldereta is my favorite as well that's why I wanna learn. Tsaka sinabi ko na sa 'yong babae nga ang gusto ko..."
"Sus, bata ka! Iba talaga ang hinala ko sa 'yo eh. Nagpapagood shot ka siguro sa akin 'no!"
"Tita!" I laughed because it's obvious that she's just teasing me.
"Osiya! Halika rito at tuturuan kita." Nangingiti akong lumapit sa kaniya, determinadong matuto.
It was so much fun. Ang daming na-ikwento ni tita sa akin habang masaya kaming nagluluto. I was the one who chopped the chicken, did the flavoring, the seasoning and whatsoever. Tita Vi only told me the steps, but I was the one who did almost everything.
"Parang medyo maalat nak," natatawang kumento nito nang tumikim siya.
"What?" I frowned. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ko rin. Kaso fuck! Maalat nga!
"Okay lang 'yan, nak! Nag-uumpisa ka palang namang matuto. Wala namang taong perpekto agad ang unang subok," aniya, pinapalakas ang loob ko.
But I just frowned even more. Failed ang first attempt kong maging boyfriend material. I can't even cook a good food. Nalungkot tuloy ako.
"Wow! Ang bango ah!" pumasok si Veneer sa kusina habang nagtitimpla ako ng kape. But her eyes widened upon seeing me. "Nick?!"
Nang makita ako ay napatili ito na agad sinuway ni tita dahil may natutulog pa raw.
"Hey, morning," I greeted her before taking a sip on my coffee.
"Ano 'to, Ma? Ang aga namang mamanhikan nito kay kuya?!" halakhak niya nang ituro ako.
I almost choked on my coffee. What the hell? Anong mamanhikan?!
"Huwag ka nga, nak! Babae raw ang gusto niyan. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagpapaturong lutuin ang paborito ng kuya mo!" malakas na bulong ni tita Vi kay Veneer!

YOU ARE READING
Rainbows After the Rain (Published Under Pop Fiction)
General FictionUNDER MAJOR EDITING!! Fuck and Forget Series #1 Rainbows After the Rain is a quiet story of healing-of finding hope after the hurt, and realizing that sometimes, the most beautiful things come after the pain.