Chapter 17

671 34 8
                                    

✿♡ JAZZLENE ♡✿

KATATAPOS kong mag-shower at kasalukuyang gumagayak. Nagkayayaan kami nila Leigh at Violet na kumain sa labas at iinom daw kami nang kaunti. Since busy ulit si Camille, hindi na naman namin siya makakasama.

Simpleng gayak lang ang ginawa ko. Jeans at cropped top at 'yong nike shoes ko. Hindi rin ako masyadong nag-ayos, light make-up lang. Ang buhok ko naman ay sinuklay ko lang at nagbaon na lang ako ng scrunchie, nakasuot 'yon sa kanang pulsuhan ko.

Shinoot ko sa loob ng sling bag ko ang small wallet ko 'tsaka ko na 'yon sinukbit sa katawan ko. Nag-spray muna ako ng pabango bago tuluyang lumabas sa kuwarto bitbit ang phone ko.

Habang pababa ako sa hagdan, bigla kong naalala si Adam. Gusto ko sana siyang i-text para inform na lalabas ako ngayon kasama ang dalawang kaibigan ko dahil 'yon naman ang arrangement namin—na ipaaalam ko sa kaniya lahat para alam niya kung saan ako pupuntahan in case of emergency. But part of me ay nahihiyang mang-abala sa kaniya ngayon lalo na at alam kong may dinner date siya.

Palapit pa lang ako sa main door nang may marinig akong katok doon, dalawang beses.

Teka? Si Leigh at Violet kaya 'yon? Ang usapan namin, ako ang pupunta sa apartment nila, 'di ba?

Pagbukas ko sa pinto, I stopped dead. Dahil hindi si Leigh at Violet ang naroon.

"Adam?"

Pinagmasdan ko siya. He's wearing a white shirt, long sleeves at nakalupi ang manggas hanggang siko. Black pants and black shoes. Nalanghap ko rin ang pamilyar niyang perfume na amoy mamahalin. Halatang kaliligo niya lamang din.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" Humigpit ang kapit ng isang kamay ko sa sling ng bag ko. Pero hindi siya sumagot. Tinitigan niya lamang ako. "Uhm. Ano kasi . . . lalabas kami ngayon ni Leigh at Violet. Magte-text pa lang sana ako sa'yo—"

"I thought you were taking me out on dinner?" he said icily, cutting me off.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Uh. 'Di ba sabi mo busy ka?"

"No. Not anymore. Done with work."

"But your date—"

"I'll take care of her."

Napatitig ako sa kaniya. The seed of guilt blossomed into a full-blown tree, trunk and all, in my stomach. Birthday niya ngayon at may dinner date sana siya sa—maybe his girlfriend? I didn't want him to cancel his scheduled plans for me dahil hindi naman gano'n kaespesyal ang plano ko sana kaysa sa plano nila.

Alam kong sa five-star restaurant at hotel sila pupunta base sa pagkatao ni Adam. At ako, I'm still a student na umaasa pa lang sa magulang at hindi ko pa afford na i-dine siya sa gano'n klaseng lugar. I was just planning to bring him to a simple restaurant and karaoke bar sana kung saan puwede kaming magkantahan.

Baka kapag lumabas kami, magsisi pa siya na kinansel niya ang date niya para sa akin kapag nakita na niya kung saan kami pupunta.

"Are you . . . sure?" alinlangan kong tanong sa kaniya. Nakatayo pa rin siya sa harap ko, nakapamulsa at nakatitig sa 'kin.

Tumango siya. "I'm sure," he repeated.

Saglit akong nanatili sa kinatatayuan ko bago ako humakbang palabas. Lumihis naman siya agad. Noong nai-lock ko na ang pinto, sabay kaming lumabas sa gate. Naroon na sa tapat ang sasakyan niya.

Tulad pa rin nang nakagawian, ako ang nagbukas ng pinto para sa akin. Noong pareho na kaming nasa loob, instead na start ang sasakyan ay lumingon siya sa akin. Nakita ko kung paano niya ako hagurin ng tingin.

"Bakit?" taka kong tanong.

"Aren't you going to change? We're going to a fine-dining—"

"Hindi," putol ko agad sa kaniya. "Hindi tayo ro'n pupunta. It's my treat kaya ako ang mag-de-decide kung saan kita ililibre."

"What?"

Sumalubong ang kilay niya kaya bahagya akong napangisi. Para siyang kinakabahan. Bakit? Wala ba siyang tiawala sa 'kin?

☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚

"Seriously?" Kunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang pagkain na nakahain sa harap namin. "Gusto mong kumain ako nang nakakamay?" he asked in disbelief.

Nasa isang seafood restaurant kasi kami na hindi kalakihan. Mayroong tables sa bantang gitna na four-seater at sa magkabilang gilid naman ay long table na siguro ay kakasya ang twenty katao. At doon kami nakapuwesto sa isang long table dahil bankante naman 'yon. 'Yong kabilang long table ang okupado at ang tatlong table sa gitna.

"Look, Adam." Sumenyas ako sa mga taong kumakain sa loob na halos lahat ay nakakamay. And take note, wala sa plato ang mga pagkain nila kun'di nakalatag sa mesa. Pero syempre, nilatagan muna ang wooden table ng malinis at makapal na transparent plastic bago ilagay ang pagkain.

Tulad na lang ngayon ng nasa harap namin. Matapos lagyan ng sapin na plastic ng waiter ang table namin ay saka ibinuhos ang mainit na kanin sa gitna. Noong maayos na ang kanin, saka 'yon pinalibutan ng iba't-ibang klase ng seafoods na niluto sa red sauce. Umuusok pa lahat dahil kaluluto lamang. Mayroon pang sweet corn na naka-cut in two inches. Mayroon din isinerb sa amin na spicy chicken wings na siya namang ginawang toppings sa rice. At 'yong kanin, medyo marami. Hindi lang pangdalawang tao. Good for six persons pero alam kong kaya namin 'yon ubusin, lalo na si Adam.

Naninibago lang siguro siya dahil mukhang ngayon lang siya makakakain sa ganitong lugar kaya bakas ang kawalang gana sa kaniyang mukha. Pero I'm sure na once na matikman niya ang pagkain dito, baka maisipan niya pang bumalik next time.

Isa 'to sa mga lugar na madalas naming kinakainan ng mga kaibigan ko dahil masarap ang mga food nila rito. Kaya kampante ako na dalhin siya rito ngayon sa pagbabaka sakaling kahit simpleng restaurant lang 'to ay hindi ako mapahiya at masabi niyang sulit ang birthday niya kahit na wala sina Kuya Zane to celebrate with him.

"Ito po ang gloves." Tinanggap ko ang inabot na plastic gloves ng babaeng waiter. Apat 'yon, bale tig-dalawa kami ni Adam, para sa magkabilang kamay namin.

Pinanood niya ako kung paano ko isuot ang sa akin. Hindi siya kumikilos hanggang sa matapos ako. Noong nakabalot na ang pareho kong kamay, nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Dahil hindi siya kumikilos, napilitan akong damputin ang isang gloves at ako ang nagsuot no'n sa kamay niya. Pinanood niya muli ako habang ginagawa ko 'yon.

Nang pareho na kaming naka-gloves, I looked up at him and smiled. "Dig in, birthday boy. Pakabusog ka."

Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil nagsimula na akong kumain. Inuna ko 'yong malaking crabs. Sobrang lapad ng ngiti ko habang inaalis ang mga matigas na galamay no'n. Ilang sandali pa, gumalaw na rin ang kamay ni Adam at nakisalo sa 'kin.

Hindi ko naiwasan mapabungisngis nang makita kong tahong ang una niyang dinampot. "Since hindi natuloy ang date mo sa kung sino man dapat 'yon . . . 'yang tahong na lang na 'yan ang pagtiyagaan mo. At least, nakakain ka pa rin ng tahong ngayong birthday—"

My words hung in the air while I covered my mouth with my hand, but not touching them, horrified. Did I just utter the word 'tahong' to Adam Meadows?

Shit!

His eyes narrowed a fraction of an inch. "Trust me, Jazzie, wala akong planong kumain ng tahong ngayong birthday ko." His voice almost above a whisper. "And for your information, I don't eat them. I play with them."

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang tahong sa kaliwa niyang kamay habang ang hintuturo niya ay naroon sa laman ng tahong, nilalaro niya ang laman gamit daliri niya. He was rubbing the center part, up and down.

"Oh my gosh," bulong ko sabay yuko. Napapikit ako nang mariin. 'Why am I having a dirty thought?' Mukhang mali yata ang idea ko na dito siya dalhin. At mukhang after nito, hindi na ako kakain ng tahong kahit kailan.

"What were you thinking, sweetheart?"

Napadilat ako nang marinig ang boses niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ngumunguya na siya ngayon at wala na rin laman 'yong shell ng tahong na hawak niya kanina. Mukhang 'yon na ang nasa bibig niya.

"A-Akala ko ba . . . hindi ka kumakain ng tahong?"

Tumaas ang kabilang bahagi ng labi niya. "Depende sa klase ng tahong. Kapag ganitong luto, kumakain ako. Kapag hilaw . . ." napangisi siya, ". . . hindi."

"B-Bakit?" 'Omg! Shut your fucking mouth, self! Bakit kailangan mo pang tanungin kung bakit?! Why do you care so much?!' Ni hindi ko alam kung ano'ng klaseng tahong ang pinag-uusapan namin. 'Yong totoong tahong ba o 'yong mapanlinlang?

"I don't know. I haven't tried it. But I think . . . I've changed my mind. Maybe I should try to eat it one of these days."

Napalunok ako habang nakatitig siya sa akin, lalo na at muli kong naalala 'yong gabing may umuungol na babae sa kuwarto niya. Ibig sabihin, hindi niya sinubukang kainin—teka? Ano ba 'tong iniisip ko?

"Would you let me try yours?"

Napasinghap ako sa sinabi niya habang bahagyang nakaawang ang bibig. "A-Ano'ng . . . sabi mo?"

"This." Inabot niya 'yong isang tahong na nasa bandang harap ko habang nakangisi. "I'm talking about this."

No. Alam namin pareho na hindi 'yon ang tinutukoy niya. He's playing with me at tuwang-tuwa siya sa nakikita niyang reaksyon ko dahil nakikita ko rin ang sarili ko sa salaming nadikit sa wall sa bandang likuran niya. Pulang-pula na ang mukha ko ngayon, kakulay na ng sauce ng seafood.

Pinilit kong ayusin ang upo ko. Inayos ko rin ang tindig ng likod ko at nagsimulang makipaglaro sa kaniya habang itinutuloy ang pagkain ko. "H'wag mo na balaking tikman 'yong sa 'kin. Baka maadik ka lang. Mahirap na kung hahanap-hanapin mo ako, 'di ba?"

Abala ako sa paghihimay ng hipon pero alam kong natigilan siya. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya, ako naman ang ngumisi habang nginunguya ang hipon. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok niya at ang pamumula ng magkabila niyang tainga.

"Hahanap-hanapin?" The other side of his lips quirked up. "Who told you, sweetheart? I just throw women like garbage after I taste them. Do you think you're no different?"

"I am different, Adam. Far different from the women you slept and fucked with."

"I would love to know how."

Tumaas nang bahagya ang isang kilay ko. "You mean . . . you want to have . . . sex with me?"

"Yeah," mahina ngunit walang alinlangan niyang sagot, na nagdulot sa akin para mapahalakhak ako. "What's funny?"

"You, Adam. You're funny. The look in your eyes is so funny. Dahil parang iniisip mo na agad na papayag ako. You're wrong. Kaya nga sabi ko sa'yo iba ako sa mga babae mo, 'di ba? Dahil kung madali mo silang nakuha . . . well. Ako, hindi. Kahit magdasal ka pa sa mga santo, hindi ako basta bubuka sa'yo. Kahit na gaano ka pa ka-hot at kaguwapo."

Nginisihan niya rin ako. "Okay. Let's find out. Tingnan natin kung sino ang unang bibigay. Dahil ako, kahit wala akong ginagawa, mga babae ang kusang lumalapit sa 'kin. They throw themselves at me, naked."

"Don't get ahead of yourself, Adam. Hindi lahat ng babae willing maghubad sa harap mo."

"Kung hindi ka willing maghubad, puwede namang ako ang maghubad sa'yo. I'd do all the work. Wala kang ibang gagawin kun'di tumuwad."

Tu . . .

"Ano?" hindi makapaniwala kong tanong. Mukhang masyado na kaming naging kampante sa isa't-isa kaya wala nang preno ang bibig niya.

"You heard it right. Because I always fuck women from behind. Rough and hard. And no kissing. Just pure fuck."

TO BE CONTINUED . . .

Hi. Please don't forget to vote if you liked this chapter. :)

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSIT ME (On-going)Where stories live. Discover now