J H O A N N A
Dahil sabado naman ngayon at wala ng rehearsal para sa Cotillion Dance, tanghali na kami nagising. As in kaming apat. Grabe, kung di pa kami binulabog ni Staku ngayon, di pa kami magigising.
Pagtingin ko ng oras sa phone ko, nagulat pa ako kasi past 1pm na, mga beh! Di na kami nakakain ng almusal at pati lunch, grabe!
Sobrang himbing ng tulog namin. Bumawi din talaga yung katawan namin sa dalawang linggong straight 5am ang gising araw-araw. Anyways, pahinga din naman namin kaya okay lang na tanghali na kami nagising.
Sabi pa nga nga ni Yves kanina, "Okay lang late tayo nagising, mga beh. Deserve naman natin ng beauty rest."
Natawa na lang kaming apat pero may point din naman sya. Deserve din nga naman talaga namin ng pahinga since 2 weeks nga kaming pagod.
Nasa dining na kaming apat at kumakain. Si Staku, nakakain na daw kanina pa pero nandito sya sa dining at nakikipagdaldalan kay Shee.
Pero nagtaka kami kasi wala na yung tatlo. Di pa namin sila nakikita simula nang magising kami.
"Uhm, Staku." Tawag ko sa kanya at tumingin naman agad sya sa'kin.
"Hmm?" Nakataas pa yung dalawang kilay nya.
"San sila Ate Colet? Tulog pa ba sila?" Tanong ko.
Natawa naman sya ng mahina. "Anong tulog? Kanina pa sila nakaalis, uy!"
Sabay-sabay naman kaming napa-ha? kay Staku after nya sabihin yun.
"Ay? Duet? Hahahaha!!" Tawa nya pa.
"Huy, seryoso nga, beh? Nakaalis na yung tatlo?" Tanong ni Yves.
"Oo nga. Kanina pang 11, actually."
"Hala, ang aga?!"
"Aga naman?"
Nagkibit balikat naman si Staku. "Need daw nila pumunta ng maaga kasi may aasikasuhin pa sila sa campus bago magstart yung program." Aniya at napatango na lang kami. "Ay, oo nga pala. Nagbilin si MJ sa'kin kahapon. Sabi nga, i-remind ko daw kayo na wag kalimutan yung IC nyo pagpunta natin sa campus mamaya. Kasi hahanapin daw yun sa gate and hindi papapasukin yung walang maipe-present na IC."
IC means Invitation Card.
"Ay, oo nga pala. Nabanggit din sa amin 'yan nung instructor slash PE teacher namin kahapon bago kami dinismiss." Sabi ni Shee habang ngumunguya.
"Don't talk when your mouth is full, Shee." Saway ni Ate Aiah sa kanya kaya napatakip naman ng bibig si Shee at nagpeace sign.
"Pero, Staks, seryoso talaga yun? As in hindi ka makakapasok pag wala kang invitation?" Tanong ni Yves habang nakakunot ang noo.
"Yeah."
"Bakit? I mean, diba sayang naman yung outfit nung pumunta sa WP tapos hindi makakapasok dahil lang sa wala syang IC."
"Oo nga 'no? Biruin mo, nakadress ka tapos ang ganda ng ayos mo. Kaso dahil wala kang invitation, hindi ka makakapasok dun sa event. Sayang awra, beh."
Natawa naman sa kanila si Staku. "May point naman kayo. Ang kaso lang kasi, may dahilan din naman yung council kung bakit nila ginawa 'No Invitation, No entrance' policy na 'yun. Explain ko sa inyo, ah para aware din kayo." Aniya saka nagsimula syang magkwento at magpaliwag.
Nakikinig lang naman kaming apat habang kumakain. And habang nagkukwento sya, unti-unti din naming naiintindihan kung bakit gumawa ng ganung policy ang Studenr Council ng LAVSA.
YOU ARE READING
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...