Chapter 2

1.9K 49 1
                                    

Miles' POV



As soon as I entered the room, I saw one familiar face that caught my attention. Aha! It was the ugly, clumsy girl who tripped on the stairs earlier. As I took a seat next to Jade, I glanced back at the girl, who was staring at me with a deathly glare. I just smirked at her.


"Malas." I said it out of nowhere. My friends looked at me immediately with a shock on their faces.


"Uy si Boss Miles nagtatagalog!" Gaia said and they all laughed. "Camryn, malas ka raw oh." Jade added.


"Huy, damay niyo 'ko diyan eh nananahimik ako rito. Pero bakit ba, Miles? Ang aga-aga tapos parang binagsakan ng langit at lupa 'yang pagmumukha mo." Camryn asked out of curiosity. I pointed at the ugly, clumsy girl who also made my morning ugly.


They all looked at the girl to whom I was pointing. "Ha? Si ate girl na naka-cap ba?" I nodded and smirked. "That ugly, clumsy girl tripped on the stairs in front of me. How embarrassing." they all looked at me as if I said a bad thing.


"Grabe ka talaga eh 'no? Cute kaya siya." Jade defended her. "I agree, tapos ang ganda rin ng kaibigan niya." Gaia approved and added to what Jade said. Lol!


I was just listening to the lectures of our professor when the class had already started. I didn't get distracted by that ugly girl on the other side of the room. While I was taking down some notes, I got an idea of what to do after class, and I told my friends about it.


"Guys, after classes come with me." I told them while whispering so we won't get caught.


"Grabe, Miles. Kakasimula pa lang ng klase natin ngayon tapos gala na agad 'yang nasa isip mo." Camryn said while trying to hold her laugh. "Pero saan ba? Sasama naman kami, diba mga pre?" she added while asking Jade and Gaia about their answers, and they nodded.


"Let's go to Xylo later. My treat, so you won't complain anything and just come with me." I told them, and they were all happy that it would be my treat. After our short conversation, we already listened again to our professor.


While the discussion was going on, I didn't realize that my eyes were slowly closing, which made me fall asleep.



Aya's POV



Kada titingin ako sa halimaw kanina habang nag-di-discuss si Sir ay pansin kong nakikinig naman nang maayos ang isang 'yon at hindi manlang din tumitingin sa 'kin. Well, mas ayos naman 'yon. Iwas distraction sa pagmumukha niyang nakakaasar. Sinubukan ko ulit na tignan siya at napansin kong tulog na pala siya, agad naman akong nagpigil ng tawa. Pakitang-tao lang naman pala 'to kanina eh. 


Habang nakikinig ay napansin kong biglang nag-vibrate ang cellphone ko at may text galing kay Mr. Sandford. Isa sa mga inapplyan kong trabaho bilang katulong para maging working student ako. Nakasaad doon sa mensahe ni Mr. Sandford na pwede na akong magtrabaho at kung kailan ko ba gustong magsimula.


Agad ko namang sinabi sa kaniya na pwede naman na akong magsimula pagkatapos ng klase mamaya at sumang-ayon naman siya, pero binalaan niya ako sa anak niya dahil ayun ang magiging alaga ko. Sinabi niya na ang anak niya ay kalahating tao at kalahating halimaw.Ang sabi ko naman na ayos lang sa 'kin 'yon at desidido pa rin ako na magtrabaho para sa kanila, lalo na't may nakasalamuha naman din akong halimaw kaya hindi na bago sa 'kin 'yon.


Pagkatapos ng klase ay biglang nagsalita ang kaibigan ko na si Shaina.


"Tara, gala tayo. Tapos naman na yung klase natin eh." pag-aya nito sa 'min. Agad namang sumang-ayon yung dalawa na si Maeve at Sophie. Napakamot naman agad ako ng ulo dahil hindi ako makakasama sa gala nila.


"Aya? Girl, ikaw? Hindi ka ba sasama?" pagtatanong sa 'kin ni Maeve at umiling naman ako. "Hindi hehe. May pupuntahan kasi ako eh. Babawi na lang ako sa inyo sa susunod ah?" saad ko sabay nag peace sign sa kanila at ngumiti na para bang nahihiya. 


Bigla naman silang nagtaka sa sinabi ko. "Saan ka naman pupunta?" sabay-sabay nilang tanong sa 'kin. "Eh kasi, natanggap na ako ni Mr. Sandford na magtrabaho bilang yaya ng anak niya tapos mamaya na rin ako magsisimula doon kaya ayun, bawi na lang ako sa inyo." pagpapaliwanag ko naman sa kanila at para bang gulat na gulat sila nung binanggit ko si Mr. Sandford.


"GIRL, TEKA. SANDFORD MISMO? DOON KA MAGTATRABAHO???" medyo oa na tanong ni Shaina kasi sumisigaw siya ng pabulong. Gets niyo? Kaya niyo 'yan.


"Uhm, oo? Bakit? Anong meron?" takang-taka kong tinanong sa kanila. Agad namang napailing si Maeve.


"Ate ko, goodluck talaga HAHAHAHAHAHAHA. Balitaan mo na lang kami kapag nakilala mo na yung anak nii Mr. Sandford ha!" saad ni Maeve na pinipigilan ang pagtawa nung binanggit ang anak ni Mr. Sandford. Bakit parang kilala nila? Pero naisip ko rin na hindi rin naman imposible dahil sikat si Mr. Sandford dahil sa sobrang yaman kaya baka sikat din ang anak nito.


Sabay-sabay kaming lumabas ng campus pero pagkatapos ay humiwalay na rin ako sa kanila dahil iba ang daan papunta sa Mansion nila Mr. Sandford kaya hindi na rin ako nagpasama sa kanila kahit na gusto rin nila akong ihatid doon dahil alam kong mapapalayo pa sila sa pupuntahan nila.


Pagkarating ko sa labas ng Mansion nila ay sobra akong humanga sa laki at ganda nito. Gate pa lang ang kaharap ko pero sobrang laki at taas na nito, paano pa kaya pag nakita ko na mismo ang Mansion nila.


Saglit akong nanaginip ng gising dahil iniimagine ko kung paano pag ganito ang buhay na meron ako. Ang sarap-sarap siguro, na para bang nasa palasyo ako at nagbubuhay prinsesa. Bigla akong nagising sa realidad nung may tumawag sa 'kin. "Ms. Rodriguez?" saad nito. Babae ang kaharap ko na hindi naman ganon katanda ang itsura niya, isa rin siguro ito sa katulong. Yung parang head na katulong, basta ayun. 


Tumango naman ako nung tinawag niya ako at agad naman akong pinapasok sa gate. Sinundan ko lang siya sa dinaraanan niya hanggang sa makarating na kami sa labas ng Mansion nila. Wow! Sabi na nga ba eh, kung malaki yung gate, mas malaki rin yung Mansion. Sabagay, mas magtataka naman ako kung ganun kalaki yung gate pero ang liit lang ng pupuntahan. Joke lang!


--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:


- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much



Diary ng Panget | Mikhaiah (COMPLETED)Where stories live. Discover now