Chapter 30

2.2K 39 13
                                        


"Sila ba ang pamilya mo-" Natigilan ako nang biglang sugurin ng lalaki si Austin. Ang bilis ng pangyayari dahil mabilis na natumba si Austin dahil sa pagkakasuntok sa kaniya.

"Gino! Ang daming tao rito!" Sigaw naman nung babae. So siya ang sinasabi sa akin ni Austin.

"Ang kapal ng mukha mong itago sa amin si Zariyah!" Sigaw niya kay Austin. Mabilis kong dinaluhan si Austin dahil hindi ko alam kung bakit siya pinagbibintangan ng lalaking 'to.

Minahal ko ba talaga siya? Paano ko siya nagawang mahalin, e, masama naman pala ang ugali niya? Inis ko siyang tinapunan ng tingin.

"Hindi naman niya ako tinago, Sir, ang alam ko ay bago ang operasyon ko ay hiniling kong huwag na kayong makita pa. Dapat nga ay wala aki rito, e. Kaso ay gusto niya munang makilala ko kayo bago kami magpakasal." Mahaba kong sabi. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang emosyon sa mata nung si Gino. Napalitan ng lungkot ang galit niyang mga mata.

Napatingin pa ako sa tatlong nakatayo sa likod ni Gino. Parang may tumama matalim na punyal sa dibdib ko. "Are you my family?" Tanong ko sa kanila. Mabagal na tumango ang babaeng nasa gitna. Medyo may edad na siya kaya sigurado akong siya ang nanay ko.

"Magpapakasal kayo?" Muling naagaw ni Gino ang atensyon ko. "You can't even remember your past, Zariyah, paano ka magpapasal sa kaniya?" Tanong niya.

Tinulungan kong tumayo si Austin at tiim bagang na tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam pero masama ang loob ko sa kaniya, may galit akong nararamdaman sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit.

"I can't even remember you too, Sir, wala kang karapatan na diktahan ako." Humakbang siya palapit sa akin kaya mabilis akong umatras at humawak sa braso ni Austin.

"Let's go home, Austin, please? Gusto kong magpahinga." Pakiusap ko sa kaniya. Inabot ni Austin ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Huminga siya ng malalim bago tumingin sa pamilya ko.

"Pasensya na pero kailangan na niya g magpahinga, hindi siya puweding pilitin lalo at hindi niya talaga kayo maalala." Pinanood ko si Gino, sa paraan palang ng pagtitig niya kay Austin ay halatang ito ang sinisisi niya sa nangyari sa akin.

"You manipulate her, huh? Ginawa mo talaga ang lahat para mapunta siya sa 'yo?" Tiim bagang niyang tanong kay Austin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nito dahil napipikon na ako sa Gino na 'to.

Ang lakas ng loob niyang mangbentang lalo at wala naman talagang ginawa sa kaniya si Austin. Kung tutuusin ay ang bait naman sa akin ng lalaki na kahit wala akong maalala ay hindi niya iyon ginawang dahilan para gamitin sa akin.

Puwede siyang gumawa ng kuwento tungkol sa amin pero, hindi naman niya ginawa. Sa halip ay gusto niya pang maalala ko ang nakaraan ko bago kami magsimula ulit. Dahil natatakot siya na baka magbago ang nararamdaman ko sa oras na maalala ko ang taong minahal ko talaga.

"Hija, hindi ba puweding sa amin ka sumama? Baka sakaling may maalala ka?" Mabilis akong umiling at parang batang tumingin kay Austin.

"I don't know them, Austin." Nagsisimulang mamuo ang luha sa mata ko. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Gino.

"You can stay in our house, Austin, kailangan din naming bantayan si Zariyah." Hindi nagsalita si Austin.

"Kailangan naming makasiguro, Austin. . . Lalo na at parehong nasa kulungan ang mga magulang mo. Parehong manloloko at manggagamit ng tao." Sabi naman nung babaeng medyo kahawig ko. Siguro ay siya si Krystal, ang kapatid kong babae.

Hindi pa sa akin nakukuwento ni Austin ang relasyon ko sa pamilya ko. Ang alam lang niya ay kung gaano raw ako kabaliw kay Gino no'n.

"Krystal!" Saway sa kaniya nung medyo may edad ng lalaki. Maybe, he's my father.

"What? Ang tagal nawala ni Zariyah, gano'n din naman ang ginawa ng mga magulang niya sa nanay ni Mary, hindi ba? Baka iyon din ang ginawa ni Austin sa kaniya." Kumunot ang noo ko. Hindi ko man naalala ang tungkol sa kanila ay parang mas lalo akong nawalan ng ganang maalala pa sila.

"Disrespecting my man in front of is never been okay." Matapang kong sabi sa kanila. Isa-isa ko silang tiningnan bago tumingin kay Gino na nasa harapan lang namin ni Austin.

"Matagal na kaming magkasama sa bahay. I tried to confess my feelings, inalok ko rin siya na pakasalan niya ako. Oo at wala akong maalala pero sigurado akong sa inyong nandito ay si Austin lang ang hindi kayang manakit sa akin. I can't remember anything from my past. . . But, one thing I'm sure about is that. . . You don't treat me as you family." Mahaba kong sabi sa kanila.

Humakbang palapit sa akin ang nanay ko. "No! Hinanap kita, anak. Simula ng umalis ka sa bahay ay wala akong ginawa kung hindi ang ipahanap ka." Umiiyak niyang sabi sa akin. Walang emosyon ko siyang pinagmasdan.

"Bakit ako unalis sa bahay niyo? Hindi naman siguro ako lalayas kung tama ang pakikitungo niyo sa akin, hindi ba? Umalis ba ako dahil hindi niyo tanggap si Austin?" Mabilis na umiling ang babae. Lumapit siya lalo at hinawakan ang pareho kong kamay.

Bakit gano'n? Siya ang nanay ko pero wala akong kahit anong maramdaman. Kahit kaunting ala-ala ay wala talaga akong maalala tungkol sa kaniya.

"Walang kayo ni Austin, Anak. You don't even like that guy. . . You hate him that much that you don't want to see him." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anak, sa bahay ka nalang manatili, hmm? Kung sa kaniya ka mananatili ay mas lalong wala kang maaalala, mas lalong hindi tayo mabubuong pamilya." Maingat kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Pasensya na po pero mas gusto ko pong sumama kay Austin. I've been with him for years. . . Magkasama na kami sa iisang bahay at alam kong mas ligtas ako sa kaniya. I don't care if I hate him before or what's my relationship with him back then, ang mahalaga ay kung ano ang meron kami ngayon.

"Hayaan niyo muna siya. Baka kailangan niya muna ng oras para maalala tayo." Sabi nung tatay ko. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Austin.

"Let's go? Kailangan ko pang gamutin ang sugat sa gilid ng labi mo." Inangat ko ang kamay ko at marahan na hinawakan ang gilid ng labi niya.

"O-okay. Let's go to our place." Matamis akong ngumiti rito. Muli akong tumingin sa pamilya ko at doon kay Gino na ngayon ay hindi na maipaliwanag ang emosyon sa mata niya.

"Alam kong maalala mo ang lahat, Zariyah, sigurado akong babalik rin ang alaala mo." Sabi ni Gino sa akin. Tumango ako at deretsong tumingin sa mata niya.

"Alam kong babalik rin naman talaga iyon. Pero isa lang ang sigurado ako, Gino. Kapag bumalik ang ala-ala ko ay si Austin pa rin ang pipiliin ko. Na kahit bumalik ang alaala ko ay sisiguraduhin kong wala akong nararamdaman na kahit ano sa 'yo. Una na po kami." Paalam ko sa kanila. Humakbang kami paalis ni Austin, mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil pakiramdam ko ay nanginginig ang kamay ko.

"Are you okay? Mukhang naramdaman ni Austin ang panginginig ng kamay ko. "Do you remember anything?" Sunod niyang tanong sa akin.

Mabilis akong umiling rito, "No. I'm just tired, Austin." I lied. Kahit ang totoo ay unti-unti kong nakikita ang dahilan kung bakit ako umalis. Kung bakit mas pinili kong nagpakalayo-layo sa kanila.

To bw continued..

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now