Chapter 23

11 2 0
                                    

Papalapit na ang birthday ko at laging wala si Dad sa bahay. Pinaghahandaan siguro ang birthday ko.

Si Mom lang ang nandito. Hindi muna siya pumasok sa work para makipagbonding sa amin ng mga kaibigan ko.

"So how's your stay girls?" she gently said. Malumanay talaga ang boses ni Mom, siguro kahit magalit siya masyado sigurong soft boses niya.

"Okay lang po tita! Ganda nga ng mansion nyo eh parang maganda tumira dito habang buhay!" pagbibiro ni Mavy.

"Gusto ko tong babaeng to, ano pangalan mo iha?" she chuckled softly while asking Mavy about her name.

"Mallory Vixen Suertez po! Mavy for short." masayang sagot ni Mavy.

"Ikaw iha, what's your name?" sabay turo kay Courtney na parang nahihiya.

"Courtney po, Courtney Max Esperanza." nahihiyang aniya.

"My daughter seems to be so lucky to have the both of you." hinawakan niya ang mga kamay nilang dalawa.  "I hope you'll take care of Aira when I'm gone."

"Wag po kayong magbiro ng ganyan tita!" Courtney pouted. Mom chuckled and shooked her head.

"Di natin knows ang future!" conyong saad ni Mom na ikinatawa ko.

"Kailan po kayo natutong mag-conyo tita?!" gulat na saad ni Mavy na ikinatuwa naming lahat.

Masaya kaming nagkukwentuhan nang biglang nagsalita ang isang yaya namin.

"Señora may bisita po kayo." saad ng yaya.

"Ahh papasukin mo." saad ni Mom at lumingon sa akin. Pati sina Mavy at Courtney ay nakatingin rin sa akin.
May dumi ba sa mukha ko?

Ilang segundo ay may isang lalaking pumasok. Matangkad, gwapo, kulot ang buhok at makapal ang kilay nito. Nakasuot siya ng asul na polo at itim na slacks. Wait... Siya yung sa mall ah?

"Sorry po Tita I'm late. Traffic po kasi." he humbled.

"Okay lang, take a seat. Tabihan mo si Aira." she replies.

Agad na tumabi sa akin ang lalaki. Sino siya? Why my heart beats so fast? I feel a tingling sensation throughout my body that I can't even explain!

He coughed a little enough for him to get my attention. I stared at him.

"Hi... Flow"  he said slowly.

"I'm not Flow, I'm Aira." my voice cracked as I said those words. Napaghahalataang nate-tense o  kinakabahan ako. Nakakahiya.

I heard indistinct chattering of Mavy and Courtney. Ako siguro ang pinag-uusapan nila dahil panay sila titig sa akin.

"Ahh!  Kumain muna tayo. Tara tara sa dining." pag-iiba ni Mom sa topic para mawala ang awkwardness.

Bakit ako naiinis sa lalaking to? Wala naman siyang ginagawa sa akin pero naiinis lang talaga ako sa presensya niya. Mabait naman siya pero ewan ko ba.

Agad kaming nagtungo sa dining. Maraming pagkain sa hapag kaya't kumuha na sina Courtney at Mavy ng makakain nila. Kumuha na rin ako dahil saktong kumakalam na ang sikmura ko.

Habang kumakain nagtatanong si mama ng mga random na tanong kina Mavy at Courtney. Tahimik lang kami nung lalaki sa tabi ko. Hindi ko pa alam ang pangalan niya dahil hindi ko naman tinanong.

"Pwede ka maging personal Pharmacist ni Aira kung gusto mo." saad ni Mom habang kumakain.

"Okay lang po yun sakin basta may sweldo!" natatawang sagot ni Mavy.

I would love to have Mavy as my personal pharmacist. Hindi siya nurse but I guess it'll be fine.

"And you Courtney, pwede ka naming bigyan ng opportunity to create your own makeup line... I see that you love makeups." she switched her gaze to Courtney with a smile in her mouth.

"Hala bet ko yan!" Courtney chuckled.

"Ikaw iho, you have to work with Aira soon after her birthday." utos ni Mom sa lalaki.

"Yes po tita." sagot nito.

"Have you introduced yourself to my daughter?" tanong pa nito sa kanya.

He faced me. His eyes looks like he's kind of sad, his posture looks like it is tired.

"Hi... I'm Khalil Nathan Salazar." what?  "Your boyfriend."

Naibuga ko ang kinakain kong kanin sa mukha niya. What!? Siya yung boyfriend ko!? Kingina ang gwa- ewan!  Basta I don't have interests in him.

"Hala gagi." si Mavy.

"May laway na mukha niya teh." saad ni Courtney na parang pinipigilan ang tawa.

I looked at him. He didn't even flinch nor get angry to what I've done at him.

"Sorry." malamig kong saad bago umalis sa dining area. I sat on the couch sa living room para mag-isip

Damn Aira, nakakahiya kana! Pano mo naging boyfriend yun? Masyadong ano...mabango... Masyadong gwa- basta masyadong annoying!

Sumunod naman sina Courtney at Mavy.

"Flo-este Aira, ba't mo nagawa yun!" tawa ni Courtney.

"I don't know, nagulat lang ako."

"Gwapo noh?" Mavy smirked at me like an idiot.

"Oo- I mean sakto lang. But definitely not my type." I said while playing my fingers.

"What do you mean not your type, Ms. De Valle?" boses na narinig ko sa likod ko. Shit his voice sounds calm.

Lumingon ako sa likod ko at napagtanto kong magkalapit lang ang mga mukha namin. Just an inch and maybe enough for us to kiss!

"Yawa." mura ko at tumalikod.

Nanginginig ang tuhod ko dahil masyadong magkalapit ang mukha namin kanina.

Tumayo ako and I faced him.

"You're definitely not my type. I was shocked that you're my boyfriend."

Kumunot ang noo niya at nakaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko. I think he's annoyed at me.

"I've missed that attitude." he gave me a mischievous grin while gazing at me. Baka mamatay na ako dito dahil sa kaba.

"Pasok muna kami sa kwarto beh ah, maiwan muna namin kayo hehe." pagpapaalam ni Mavy at isinama na rin si Courtney.

Naiwan na lamang kaming dalawa ni so called 'boyfriend' dito. Hindi niya inalis ang pagtitig sa akin. Ba't titig na titig ka ha!?

"I love looking at you." he said still staring at me. Di naman ako nagtanong ah? Nakakabasa ba siya ng utak?

Umupo muna ako at inirapan siya. Kailangan ko munang magisip-isip. Wala rin sa dictionary ko ang magsorry ng sincere dahil sa pagbuga ko sa mukha niya kanina.

"Why you're mad at me?" Di ko alam.

"Do you remember me?" Of course not.

"If not, then I'll let you remember." ha? kahit wag na.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pausog nang pausog ako sa upuan hanggang sa nacorner ako. Tangina shet!

"I'll make you fall inlove with me again, Aira."



15 Reasons To Love You (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon