Chapter 3

104 15 8
                                    

"Hey, Shiro!"

Napakrus na lamang ako sa aking dibdib nang makarating kami sa pwesto ng mga club booths. They were lined up in the quadrangle, each one boasting its own display to showcase the unique offerings of their respective clubs and organizations.

Parang gusto kong umatras at umuwi na lang dahil sa dami ng mga estudyante ngayon. Labas pa naman ito ng building, kaya kahit may silong naman, ramdam pa rin ang init ng panahon ngayon.

Mabuti nga at hindi pa kami nirerequire mag-uniform. Dahil panigurado mahihilo ako ngayon sa init, para suit pa naman iyon. Itong kasama ko naka-uniform dahil sa speech niya kanina, pero panloob na polo na lang ang suot niya ngayon.

"Sali ka na sa club namin oh. Last year naman na." Yaya ng isang lalakeng tumawag sa kasama ko.

Bahagya na ako lumapit dito sa unang booth na bumungad sa amin. Hindi ko pinansin ang kalabitan at pasimpleng turo ng mga nagbabantay doon nang mapansin nila ako.

Gourmet Creations

Iyon ang nakasulat sa taas, puno ng fruit carvings ang nakadisplay doon. Mukhang sila rin ang nagmimistulang food booth din dahil kita kong may mga estudyanteng bumibili sa kanila.

"Hindi na, Raff. Baka kapag sumali ako luto-luto na iyan, lalo akong sumarap." Sabay pasada ng kamay sa kaniyang buhok.

I scoffed at what I heard and just busy myself looking at the carvings.

Rinig kong natawa iyong Raff sa kaniya. "Grabe naman, Pres. Hindi kita kinakaya."

"Pres, gusto mo drinks?" Biglang singit ng isang babaeng naka-net ang buhok.

"Libre ba iyan?"

"Oo ba. Basta ikaw." Humagikhik ito at kita kong nagsisimula ng gumawa ng drinks.

"Kaya tayo nalulugi eh." Reklamo ni Raff sa babae.

"Si Shiro lang naman. Lalagyan ko nga ng gayuma ito para sumali na sa atin."

"Anong si Shiro lang? Kada poging makikita niyo, nililibre niyo."

Bigla lumipat ang atensyon ko sa kaniya nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa balikat ko.

"Libre niyo rin ito ah." Sabi niya.

Siniko ko ito at ako na lang ang nahiya sa sinabi nito. Parang napatigil ang mga kausap niya at napatitig sa akin.

Agad ako umiling. "No, don't worry. I'll pay."

Maya-maya ay impit na napatili ang babaeng gumagawa ng drinks. Tuluyan nito iniwan ang ginagawa at tumakbo papalapit sa akin. Bago pa man niya ako abutin ay humarang na si Shiro.

Natatawa ito nang hampasin siya ng babae. "Ano ka, bodyguard niya?"

"Para kang mananakit eh." Tumatawang sagot nito hanggang sa tulakin siya paalis sa harap ko.

Malawak ang ngiti nito nang makarating sa harapan ko. Bahagyang inaayos pa ang kaniyang buhok tsaka pinunasan ang kaniyang kamay sa apron.

"Hi, my name's Sofia the first." Kumunot ang noo ko tsaka ito natawa. "Charot lang! Sofia Rose Sanchez, taga diyan lang sa kabilang barangay. Sabihin mo lang sa tricycle driver na ihatid ka kela Kapitan Soriano Sanchez." Sabay hayag ng kamay nito sa akin.

"Anong klaseng pagpapakilala 'yan?" Singit ni Raff.

"Malay mo gusto niya ako puntahan, diba?" Pag-irap nito sa kasama.

Tuluyan ako napangiti at natawa rin sa pagiging kalog nito. Tinanggap ko ang kamay niya.

"Riyuu, Ms. Sofia." Pagpapakilala ko.

Idol of my HeartWhere stories live. Discover now