Kabanata 1 : Ang Anino sa Dilim

2 1 0
                                    

Nagtatagisan na ang liwanag at dilim habang naglalakad pa rin ako pauwi at basang-basa ang manggas. Tumila na ang ulan at pagod na rin ang aking mga paa sa kalalakad. Minabuti kong maupo muna saglit at magpahinga sa may white metal bench sa gilid ng bus stop. Walang katao-tao sa mga oras na yun. Wala ring mga sasakyan na nagsisidaan sa paligid. Hayss. Nakakakilabot.

"Hmm, parang may mali. Dati naman 'di pa nawawalan ng sasakyan na dumadaan dito ah"

Pati mga ilaw na nagkalat sa paligid ay kumukurap-kurap na nagpapahiwatig ng isang hudyat para makilabutan ako. Pang horror scene ang datingan na kahit anumang oras ay may lilitaw na masamang nilalang at kainin akong buhay.

Hanggang sa dumilim na ng tuluyan ang paligid. "Mamaaaaaaaaa!!" pagsigaw ko ng wala sa oras dahil sa labis na takot.

Kusa namang tumakbo ang aking mga paa na mas mabilis pa sa takbo ng manibela. Parang bang may sarili itong buhay at pakiramdam. Tumakbo ako ng tumakbo kahit walang ideya kung saang direksyon ako patungo.

Di ko rin mapigilan ang mapaiyak dala ng magkahalong takot at kaba.

"Kasalanan mo to Liam"

"Krik krik krik"

Malakas na tunog na di ko mawari kung saan nangagaling. Ang tanging tunog na narinig ko mula sa madilim kong paligid. Mas lalo pang nangibabaw at bumilis ang tibok ng puso ko.

Palakas na ng palakas ang nakakakilabot na ingay pero nagbabago ito bawat minute. Ngayon parang mga yapak na ng isang tao at papalapit sa direksyon ko.

Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko hanggang sa may nabangga akong matigas na bagay na sa una'y akala ko isang puno.

"Aray ko!"

"Okay ka lang ba?" baritonyong boses na nanggagaling sa harapan ko.

Bigla akong natigilan sa pag-iyak nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Napatanong ako bigla at nabuhayan ako sa narinig kong sagot nito sa tanong ko.

"Liam, i-ikaw ba 'yan?"

Biglang bumukas ang ilaw.

"Liam, Ikaw nga!", lumalapit at nayakap ko siya sa tuwa.

"Oo, ako nga"

"Ano bang ginagawa mo dito, gabing-gabi na

"Ikaw kasi, bat mo ba ako iniwan", umiiyak na usal ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa katawan niya.

"Sorry na, pasensya ka na hah... kala ko kasi sinundan mo ko kanina kaya di na'ko lumingon kanina", katwiran niya.

"Yung..." hindi ko pa tuluyang nasabi pero. "yung selpon ba?? Nasa bahay chinacharge ko. Lowbat kasi no'ng inopen ko kaya di ko na pinag-aksayahan ng panahon. Naisip ko kasing balikan ka dito baka sakaling di ka pa nakauwi sa inyo at tama nga ako, andito ka pa."

Bigla akong nakaramdam ng magkahalong saya at kilig.

"Yes, buti hindi niya nakita", sabi ko sa isip ko habang patuloy na hinihigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Mala prinsipe ang amoy niya, hindi gaanong matapang ang amoy pero kakaiba ang dating. Basa ang mga buhok nya na parang kagagaling lang sa ligo.

Hindi ko maramdaman ang katawan niya dahil sa kapal ng suot niya. Akalain mong nakaporma pa ito at doble-dobleng jacket ang suot niya.

"Hanggang kailan mo ba ko balak yakapin"

Sweet DreamsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora