Secretary (JeMik)

400 6 0
                                    

Mika's POV

Andito ako ngayon sa tapat ng isang agency kung saan naghahanap ng bagong sekretarya. Whoaa! Kinakabahan ako. Pang-50 ko na to. Kaya sana naman, magwork na. Lage na lang kasi 'okey tatawagan na lang kita' Hay, paulit-ulit.

Pumasok nako sa loob ng kompanya para mag-apply. Nireto kase ako ni Ara dito e, isa sa mga kasama ko sa dorm. Siya yung secretary nung isang boss dito, si Mr. Torres na boyfriend niya.

Maarte daw kase nung President dito. Kailangan daw sexy, matangkad at maputi. Minsan nga iniisip ko na Club 'tong pinasukan kong trabaho.

-

As usual, pagkarating ko ng 9th floor. Ang haba ng pila. Whoaa! Di kaya masira ang beauty ko dito? Haha. Chos lang.

Nakita ko yung mga babae dito. Magaganda naman sila, ang kukutis ng balat. At ang sesexy! Yung nasa harapan ko, kanina pa kamot-kamot sa ulo. May kuto ata. Haha

Tinignan ko siya hanggang ulo hanggang paa. Maputi siya, pero galisin. Haha. Tas coca-cola yung shape ng katawan niya pero, sobrang laki ng boobs! Sheet lang. Dito pa lang for sure talo na. Pag-pervert at maniac ang boss.

-

"Ms. Reyes?" agad akong tumayo para pumunta dun sa office. Kanina pako nag-hihintay ah? Na-stress ang beauty ko dito.

Pagpasok ko ng office niya, namangha ako sa kulay at laki nito. Kulay pula ang kulay ng dingding at may mga paintings din. Sabi ni Ara, yung boss daw yung mismong nag-paint nun kaya ganun.

Aba aba, maganda ang taste ah? Tinuon naman ng pansin ko nang may nakita akong painting na gustong-gusto ko. Ito yung paintaing na kinaaaliwan ko nung nasa Pulilan pa lang ako. Ang ganda talaga, ang ganda-ganda talaga. Parang ako! Chos!

"Ms. Reyes?"

"Yes sir?" agad akong napalingon sa lalaking naka-black suit. Gwapo naman,at maputi ang balat. Chinito din ito.

"You may go here, and take a seat so that we may procede to the interview." sabi naman nun. Grabe ah? Ang sungit niya masyado. So, like what he said. Pumunta nako dun sa harapan niya, para simulan na yung interview.

-

Una pinaikot niya muna ako, tas tinignan yung legs ko. Srsly?

"So, Ms. Reyes. You're hired!"

"Talaga sir? Wala nang interview?" di ako makapaniwalang nakapasok ako nang tititigan lang. Legs lang pala ang katapat.

"Yes. Your my secretary starting tomorrow. Don't be late, understood?"

"Yes sir! I go ahead na po." pagpaalam ko sa kanya? Ang saya ko, sobrang saya! Magpaparty ako sa dorm mamaya.

"Waiiiit! Please wear something tomorrow, dress will be great." sabi ni Bos- wait? Ano pala panganlan niya? "By the way, Im Mr. Jeron Alvin Teng." mind reader ba to? Mr. Teng pala.

-

Sa pag-labas ko, kitang-kita nila ang magagandang ngiti ko sa labi. Sa loob ng maraming job interview, nakakuhan na rin ako ng maayos na trabaho, at di na kailangan ng sobrang chechebureche na interview. Legs lang, pasok na! San ka pa?!

.

.

"Congrats bessst! After soooo many years! Nagka-trabaho ka na rin. At sa wakas ay makakabayad ka sa utan- aray ah!" nabatukan ko nga. "Haha. Oonga Mika. Nakahanap ka na ng trabaho. Congrats Miks!" bati naman saken ni Camille. Andito kasi kame sa isang bar sa maynila na pinagmamay-ari ng mga Cruz. Sina Camille at Cienne ang namamahala dito. Nakilala namen sila dito, dahil madalas na kaming pumupunta dito.

Happily Ever AfterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang