GANGSTER 58

12 0 0
                                    

(Naya's POV)





I pretended that I'm fine para kay Apollo at mayamaya lang din naman ay dumating na nga siya at kasama niya pa 'yong mga kasama niya sa dorm.


"Tito already ask permission for our passes para makalabas pero hindi sila pumayag, nasa rules daw ng school ang pagbabawal sa paglabas ng estudyante lalong-lalo na every Saturday at lalo na ngayong November," Apollo said to me.


Napakuyom naman agad ang kamao ko dahil sa sinabi niya, gagawin ko ang lahat makalabas lang kahit pa kaylanganin kong gumamit ng dahas. Hindi ako papayag na may pagsisisihan ako bandang huli, hindi ako papayag na sa ganitong paraan kami maghihiwalay ni Mimi.


"Naya?" I look at Apollo ng tawagin niya ako mula sa pagkakatungo, saka ko lang napansin na lahat pala sila ay nakatingin sa akin. "Damn fvcking rules, Apollo. I already did breaking rules and my only rules is breaking the rules, why would I break my own rule to pleasure their asses? I can break rules over and over again even if I die Apollo, lalo na ngayon na alam kong kaylangan ako ni Mimi, gagawin ko ang lahat makalabas lang at hindi ako natatakot sa kanila," I said to Apollo saka ako sumandal sa sandalan ng couch na kinauupuan ko.


Agad din akong tumingala sa chandelier dito sa sala para hindi ko na sila makita. Hindi ako papayag na hindi kita makita Mimi, magkikita tayo, hintayin mo lang kami.


"Tutulungan namin kayo Apollo, huwag kayong magalala," dinig kong sabi rin ni Styx kay Apollo.


"Whatever happens, hindi kami papayag na hindi kayo makalabas," dagdag din ni Eos.


Hindi ko na rin naman sila pinansin, wala naman akong pakialam sa rules ng sinuman. Wala akong pakielam sa kanilang lahat, ang tanging gusto ko lang ay makita si Mimi. Pakiramdam ko kasi ang sakit-sakit na naman ng dibdib ko, pakiramdam ko walang laman ang puso ko, kabisado ko na ang pakiramdam na to.


Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noong namatay ang kambal, ganitong-ganito ang sakit ng dibdib ko, ganitong-ganito ang lahat. Ang hirap huminga, blangko ang utak ko at parang hindi ako makakilos. Tumayo na lang din agad ako para umakyat sa kwarto ko, pero napatigil ako sa pagalis dahil may humila bigla sa kamay ko at ng lingunin ko iyon ay nakita ko si Eos.


Tiningnan ko lang siya at agad naman niyang binitawan ang kamay ko kaya muli na akong lumakad. Dahan-dahan lang akong lumakad paakyat ng hagdan, pero hindi pa man ako nakakahakbang sa hagdan ay napatigil na ako, napakapit din agad ako sa railings ng hagdan ng sumakit bigla ang dibdib ko.


"Naya?" dinig kong hiyaw ni Apollo.


Hinawi ko ang kamay ni Apollo ng maramdaman ko na hinawakan niya ako, pero niyakap niya agad ako at iniupo sa unang baitang ng hagdan.


"Lalabas tayo ha? Lalabas tayo, huwag kang mag-alala, makikita natin sila. Calm down Naya, just shout it. Just cry, its okay just cry," Apollo said to me at nagunahan na namang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Dahil doon ay lalo ring tumindi ang sakit ng dibdib ko, and I cant do anything but just ask. Mimi, bakit mo kami iniwan? Bakit?

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now