Chapter 2

10 4 0
                                    

Crissia Yumie Fortaliza

"GO SECTION T!"

"SECTION M LANG MALAKAS!"

"SAPAKIN MO PA, XY!"

"SECTION T, TALONAN! TALONAN! TALONAN!"

Malalakas na sigawan ng mga kalalakihang nasa gitna ng soccer field ang bumungad sakin.

Ang iba ay nag tatalonan pa sa tuwa habang sumisigaw, ang iba naman nagpalakpakan, meron ding sumisigaw dahil sa inis.

"OH... SINO GUSTONG PUMUSTA SA SECTION M O SA SECTION T? BIGAY SAKIN ANG PERA BILIS!"

"TAG BENTE LANG! TAG BENTE LANG! PUSTA NA...."

My brows farrowed because of that. May maliit na lalaking sumisigaw at nakangising tumatanggap ng mga papel na pera.

"TAG BENTE LANG! TAG BENTE LANG! AKIN NA!"

Napangiwi ako dahil sa paulit-ulit niyang sigaw. Matinis ang kaniyang boses halatang nasa 15 to 17 taong gulang pa lamang.

College na din ba ang batang batang to?

Tamalon-talon pa ito at nag patuloy sa pagsigaw habang tumatanggap ng blue bills.

Tag bente lang daw pero blue bills lahat ng tinatanggap niya?

"SECTION A IS HERE!" someone shouted.

At dahil doon ang mga kalalakihang nasa gitna ng soccer field na nagkukumpulan ay biglang kumalat.

And there I saw the students of section T  and M  fighting.

Ang kaninang maiingay na soccer field naging tahimik.

Rys together with his section stopped the section T and M from fighting.   Lahat sila ay magulo ang mga buhok pati na rin ang mga uniporming suot. Ang iba putok ang gilid ng labi, may sugat sa kilay, kamao, braso at mayroon ding dino-dugo ang ilong.

"HOY! ANG PERA KO!"

Nabaling ang aking attention sa gawi ng lalaking biglang sumigaw.

"AKIN NA TO MGA GAGO!" sigaw nang maliit na lalaki na nasa malayo.

Malaki ang kaniyang ngisi habang may kulay asol na ginagawang pamaypay bago tumakbo ng mabilis bitbit ang perang kinulikta niya kanina.

Dahilan upang siya'y habulin ng mga matatangkad na kalalakihan.

Pag ang maliit na iyon nahuli, good bye Philippines siya mga bhie!

• • •

I'm here in the clinic together with section M, nasa 25 silang lahat. Nag mamagandang loob na sila'y aking tulungan sa pagbibigay ng first aid sa kanila at para na rin ako'y mapalapit sa kanila upang mapadali ang aking pagde-demo teaching sa akademyang ito.

"Fuck you, woman!" Section M  president cursed me.

It was Xyvion.

Tinapik niya ang kamay kong naglalagay ng betadine sa kaniyang galos sa mukha.

Sinadya ko talagang diinan ang pagdampi ko ng cotton sa kaniyang galos para naman ako'y makagante.

Student Teacher #1: Crissia Yummie FortalizaWhere stories live. Discover now