27 > Broke Into Pieces

4.6K 195 35
                                    

Vice's POV

"Tay, bakit ganun? Parang ang unfair naman eh! Ang unfair-unfair!!" Humihikbi kong hinaing habang sinasabunot ang mga damo sa gilid ng batong pangalan ni Tatay.



Nung nalaman kong namatay si Tatay dahil sa aksidente, umiyak talaga ako ng sobra nun! Daig pang iniwan ng jowa nung nalaman ko yun eh, ang sakit! Sobra! Kaya gigil na gigil ako sa nakabangga sakanya! Ipinangako ko talaga sa sarili ko na sasapakin ko sya sa mukha pero nung nalaman kong si Karylle pala... yung babaeng una kong minahal at ang pinakamamahal ko pa pala ang may sala.

Maraming tanong tumatakbo sa isip ko ngayon kung bakit hindi sya nagpakita kahit man lang nung sa libing tapos alam naman pala nyang napatay nya yung tatay ko eh bakit hindi man lang nya sinabi? Pero parang hindi ko makayang tingnan pa sya sa mata kung from the very start ay hindi na sya sincere at honest pala sa'kin. Halos mahigit tatlong buwan na kaming magkakilala--ay hindi! Hanggang ngayon, hindi ko pa pala sya kilala. Mahal ko naman talaga si Karylle eh pero nung sinabi nya yun, yung parang sa mga pelikula na may background song effects na malungkot , yung parang may nabasag. Binasag nya ang puso ko at pati na rin ang tiwala.


"'Tuy? Umiiyak kaba?" Tanong ni Nanay sabay hawak sa balikat ko. Actually ako lang mag-isang pumunta dito sa sementeryo na halos mag-aalas dose ng hating gabi na pero parang hindi nanaig ang takot sa puso kong basag. Nilingon ko si Nanay sabay luhod at niyakap sya ng mahigpit "Nay, bakit ganun? Bakit sya pa..." Bulong ko habang umiiyak at hinahagod ni Nana yang likod ko

"Ha? Bakit anak? Ano bang nangyari? Sinong sya?" Malumanay na tanong ni Nanay sakin

"Alam ko na po kung sinong nakabangga kay Tatay..." Pigil hinihinga kong sumbong at humagulgol

"Sino anak?" Kumawala naman si Nanay tapos tumingin sa mga mata ko at kita kong naiiyak na sya

"Si Ka—karylle... yung taong mahal ko ang nakasagasa kay Tatay. Bakit ganun? Nakakainis namang isipin eh!" Sigaw ko tapos inihilamos sa mukha ang mga kamay ko habang umiiyak parin "Bakit sya pa?" pabulong kong sabi


Umiyak namang tahimik si Nanay pagkatapos ng ilang minuto ay pinahid nya ang kanyang mga luha at ngumiti. Huh?

"Hindi yun magagawa ni Karylle dahil hindi sya ganun, alam kong mabait sya. Ramdam kong may dalang-dala syang malaking tinik sa dibdib nya at tinatakpan nya lang ng maangas na pagkatao nung una ko palang syang nakita. Manghuhula ako, aksidente ba ang sinabi nya sa'yo anak?"

"Opo. Pero masakit 'Nay eh! Alam mo namang perslab ko si Tatay! Sya ang unang tumanggap na lalake sa pagkatao ko!" Dabog ko

"Oo, masakit. Mahal na mahal ko din naman ang Tatay mo pero alam mo, pinapatawad ko na ang taong nakasala dahil nalaman ko na ngayon kung sino at alam kong hindi nya yun gawain." Ngumiti ulit si Nanay at hinawakan ang isang kamay ko sabay tingin sa mga mata ko "Mahal mo diba si Karylle? So kaya mong i-let go ang hatred sa taong nakasala at patawarin ito?"

"Hin-hindi ko alam..." Napayuko naman ako sabay ng pagpatak ulit ng mga luha ko "Napalitan yung pagmamahal ko sakanya ng galit at sakit 'Nay eh." sabi ko as I bit my lower lip para pigilang humikbi "Hind—"



Napatigil ako ng makita ko ang pigurang nakatayo sa likuran ni Nanay kaya napatayo ako at dahilan ito ng pag-usbong ng gigil at galit ko.


"Vice? Vice!!!" At niyakap nya ako habang umiiyak "Akala ko hindi na kita makikita! Buti nalang sinabi sakin ni Vhong na nandito ka ngayon dahil 7th Death Anniversary ng Ta-tatay mo..." Yung masaya nyang tono ay napahina at halos pabulong na nung binanggat nya si Tatay


Pumiglas naman ako sa yakap nya at tinulak sya ng buong pwersa dahilan ng pag-upo nya.


"Hindi ako tissue kaya wag kang umiyak saakin, nababasa yung damit ko." Malamig kong sabi habang pinapagpag ang damit ko "Bakit ka nandito?" Tanong ko

"Love..." Tumingin sya kay Nanay at "Nay, I'm sorry." Humihikbi nyang patawad at tumayo

"Bakit mo'ko tinatawag ng ganyan? Jowa ba kita? At hindi mo Nanay ang Nanay ko!" Madiin kong sabi at umiyak nanaman sya ng malakas

"Tutoy!" Sita ni Nanay kaya nainis naman ako kaya hinawakan ko sa braso si Karylle at ikinaladkad sa malayo



Nung nakalayo na kami ay buong pwersa kong binitawan ang braso nya kaya napa-aray naman sya at kitang-kita ko ang mapula nyang braso dahil sa mahigpit kong hawak sakanya...

"Umalis ka na!" Sabi ko habang nakatingin sa malayo

"Vice, I'm sorry please? Diba mahal mo ako? Diba may forever tayo?" Parang asong tuta nyang sabi habang hinuhuli nya ang mga tingin ko

"Wala na. Wala na tayong forever." Malamig kong sabi at tumalikod na sakanya

"Ayan! Dyan ka magaling, tumalikod!" Sigaw nya "You told me that you love me so much! You told me that you will never ever leave me! You told me that we will have a forever together! But what are you doing now? Cold treatment? Because I'm the reason why your father died?! Hindi ka ba nakakaintindi ng aksi—"

"Oo!!!" Sigaw ko at humarap sakanya "Oo! Sinabi ko yun! Diba sinabi ko pa ngang you should trust me, and I should trust you! Pero anong ginawa mo? You don't trust me! Hindi mo sinabing ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng Tatay ko! T-A-T-AY K-O!" Sigaw ko na may diin sa last part "Mahal kita? Oo! Mahal na mahal! Sincere at totoo yun pero ikaw? Naging ganun ka rin ba sakin? Ha?!" Sigaw ko sabay dinuduro sya at puro hikbi lang ang sinasagot nya sakin "Yung may forever tayo?! Oo, sana nga! Kung hindi ka lang naglihim sakin! Mas tanggap ko pa siguro nung simula palang sinabi mo na." I wiped my tears harshly at nagpatuloy "At yung hindi iiwan? Hindi naman talaga eh, kung hindi mo lang sinaktan 'to!" Sabi ko sabay turo where my heart locates "Hindi ko na alam Karylle... gulong-gulo na ako ngayon! Pero ang tanging alam ko lang ngayon ay, maghiwalay na tayo. Masyadong masakit Karylle eh. Ang sakit-sakit!" Humihikbi kong sabi sabay pagtulo ng luha ko, tumalikod at tumakbo palayo... malayo sa babaeng sinaktan lang ako.





To be continued...

SORRY KAILANGAN EH HUHUHU WAG NYO KONG IPAPATAY HA SAYANG ANG LAHI KO CHAROT! HAHAHAHA! ^^

Wag madamot sa keypad/keyboard at magtype kayo for your mga hinanakit for this another mesheket chapter and don't forget to vote ha! HA? HA? HA! Hehe :) twitter: APPEALINGVICE


My Heart Racer {1 & 2} • ViceRylle [FIN]Where stories live. Discover now