Chapter 16

4.7K 190 7
                                    

"Uy, Jade!", bati ni Batchi.

Pagkapasok nila sa cafe, medyo madami na ang taong nasa loob. Gawa na rin ang 2nd floor at inimprovise na nila. May mga bago din silang staff. Meron ng 3 waitress. Meron na ring nakalagay sa cash register na dalawang staff at 2 din na chef. Si Batchi na nga talaga ang namamahala dahil nagmomonitor na lang siya at nasa opisina siya most times pero kapag may chance, nasa kitchen naman siya.

Ngayon, walang ginagawa si Batchi. Ineentertain niya lang ang mga customers at nang makita si Jade, agad niya itong pinuntahan.

"Wala na kayo ni David?", tanong ni Batchi.

Nagtaka naman si Jade sa tanong ni Batchi. Then narealize niya na hindi kilala ni Batchi ang kuya Paul niya.

"No... Kami pa rin", medyo dissapointed na sagot ni Jade.

Nahalata naman nila Batchi at Paul ang tono ng dalaga at both nagsmirk dahil dito.

"Anyways, Batchi this is my ahya Paul. Kuya, this is Batchi", pakilala ni Jade sa dalawa.

"Oh... Ikaw yung bestfriend ni Althea, right?", nakasmile na sinabi ni Paul.

"Yup. Paano mo nalaman? Hindi pa naman tayo nagkita dati ah", pagtataka ni Batchi.

Napa-chuckle si Paul.

"Eh kasi si shobe lahat ng tungkol kay Althea ang sinasabi lagi", pang-asar ni Paul.

Napablush si Jade at bago pa makapagsalita si Batchi, hinila na niya si Paul sa second floor para doon magmeryenda. Pagkaakyat, nakita ni Jade na nandoon pa rin ang picnic table na pinagkainan nila ni Althea dati.

Yung first date nila.

Napablush tuloy lalo si Jade nang matandaan ang day na yun. Dumeretso siya sa table na ito at umupo sa pwesto niya last time. Maganda din kasi ang spot na ito dahil malapit lang ang books and yun hagdan pero hindi ka mapupuna ng nasa baba. So if ever dumating si Althea, hindi niya malalaman na nandoon si Jade.

Kung hindi sasabihin ni Batchi.

"Kuya naman eh...", medyo inis na sinabi ni Jade.

Natawa lang si Paul at nag-alok na siya na ang mag-oorder sa baba. Releived naman si Jade na medyo naawa na sa kanya si Paul kaya sinabi na niya ang order niya.

Habang nag-aantay sa pagbalik ni Paul, nagstart siyang magbasa ng librong pinakamalapit sa kanya. Half ng self niya ay inuunawaan ang binabasa at half naman ay nakikinig sa paligid niya.

Isa itong hobby ni Jade kapag nasa labas. Gusto niyang nakikinig sa lahat at i-appreciate ang paligid. Pero mukhang kinamumuhian niya ang hobby niya ngayon.

May narinig kasi siyang boses na sobrang familiar.

"Tsong! Long time no see. Minsan ka na lang dumalaw dito ah", bati ni Batchi sa bestfriend niya.

Ito lang ang narinig ni Jade dahil pumasok sa office sila Althea at Batchi para mag-usap.

"Andyan pala crush mo eh", asar ni Paul.

Dala na niya ang meryenda nila at nang inilapag na niya ito, nagstart na silang kumain. Inignore ni Jade ang pang-aasar ng kuya at pinagtuunan ng pansin ang pagkain. Nagbasa siya ulit habang kumakain.

Tapos na sila at baba na sana nang narinig ni Jade ang boses nila Batchi at Althea. Napatigil tuloy sila ni Paul at inintay ni Jade na matapos ang convo nila.

Pero this time, rinig na rinig na niya ang pinaguusapan nila.

"So, had fun with Wila last night?", medyo playful na pagsabi ni Batchi.

The Rich Man's CafeWhere stories live. Discover now