Chapter 18

43.9K 2.2K 2.7K
                                    

NOTE: So much praises to my friend, Lhenard Baldoza, for his song. Thank you for this collaboration. To more collaboration with you! You're so talented beyond compare. I can't wait for the world to hear your music. : D ! 

For a better reading experience, you can listen to the song Grant have written for Matienne. It's now available on my TikTok profile: @bratmindwp. 

Or you can simply refer to the video at the top of this chapter. 

𖡎

Chapter 18

#wrewp

Natulala ako sa mukha niya; sa mga mata niyang ang lambot kung tumingin sa akin. Kasabay ng titig ay ang mainit niyang ihip sa sugat ko. I could smell his mint breath because of how close his face to mine. Hihinto siya saglit para umihip ulit, baba ang tingin sa sugat, at babalik din sa akin. Then I found it odd. The wind coming from his mouth made the wound less painful.

Kaya lang nang mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa ay agad ko siyang tinulak. Agad kong pinakawalan ang pigil kong hininga at aamba sana ng suntok. Kaya lang ay biglang tumalon si Spooky sa hita ko kaya natigilan ako.

"Tang ina ang lapit mo masyado."

Kunot noo kong kinuha ang bulak sa kamay niya at ako na mismo ang naglay no'n sa sugat ko. Umigtig ang panga ko at parang . . . umiinit ang leeg ko.

Tumalikod ako sa kaniya para harapin si Spooky.

Cats do not sweat all over their bodies. Instead, they sweat through their paws. Mayroon kasi silang sweat glands na mahahanap sa paws nila. Kaya kapag mainit, ang mga paws nila ang pinagpapawisan at hindi ang kanilang katawan. Their purring also has healing powers. Nag-ba-vibrate iyon na umaabot ng frequency between 25 and 150 Hertz. It is the same frequency range that can regenerate tissue and heal. Kaya isa ito sa maaring dahilan kung bakit sila ngumingiyaw kapag nasasaktan sila, nababalisa, o 'di kaya naman ay natutuwa. Then their whiskers are also sensitive. They are connected to their nervous system.

Naramdaman kong nag-vibrate ang pusa. Mukhang natuwa sa akin. 

Sumulyap ako sa oras. Nang makitang sobrang lalim na ng gabi, namilog ang mata ko. Binaba ko ang pusa at nilingon si Grant. His lips were pursed as his stares lingered on me.

"Uuwi na ako."

Tumango siya. "Hmm . . . "

"Huwag mo na akong ihatid."

Mapaglarong umangat ang kilay niya. I ignored him and stood up. Dinampot ko ang bag ko at dire-direstong lumabas. Habang bumababa ako ng hagdan ay dinig ko ang malalakas na tawanan sa ibaba. Nabawasan na sila roon. Ang nando'n na lang ay ang lalaking naka-mullet na may yakap na skateboard. Tapos iyong babae at isang kalbo na may guhit ang makapal na kilay. Sabay-sabay silang napalingon sa akin.

"Saan punta?" tanong ng naka-mullet, para itong manununtok kung makatingin. He licked the piercing on the bottom of his lips as he examined me.

Napalingon ako kay Grant dahil nakasunod pala siya sa akin. His jaw clenched while looking at them before he shifted his gaze to me. Siya pala ang kausap.

"None of your business, Astro."

Nagtawanan ang dalawa sa sala samantalang sumimangot lang 'yung Astro. Maangas ko rin itong tinignan dahil bumalik ang tingin nito sa akin. Gusto ba nito ng suntukan? Sabihin niya lang. Kahit hindi ko siya kilala, hindi ko siya aatrasan. Tingin niya ba matatakot ako sa mga butas niya? Dagdagan ko pa 'yan.

Where Rainbow Ends (Butterfly Club #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon