Hi. I hope you're still here ( :
𖡎
Chapter 28
#wrewp
"Sabi ko nga huwag na nila ako ihatid," inis na kwento ni Gabe. "Ano 'yun? Prom tapos ihahatid ka ng parents mo sa school? Ano ako, kinder?"
Humagalpak kaming tatlo ng tawa habang nakikinig sa reklamo ni Gabe. Si Pancho naman, tinatapik ang likod nito na para bang nakikiramay. Kami naman ni Lorie ay nagkatinginan dahil parehas kaming tawang tawa. Isama pa ang hindi maipintang mukha ni Gabe.
"'Di ba kapag prom, ang lalaki ang susundo sa partner niya?" tanong ni Pancho. "Edi susunduin mo si Lorie sa kanila?"
Namilog ang mata ni Gabe. "Ayoko! Mag-tricycle ka na lang, Lorie!"
Lorie immediately slapped Gabe's shoulder. "Ulol mo, naka-gown ako, tapos tricycle?!"
"Oh, bakit? Ano ba 'yang gown mo? Kasing laki ba 'yan ng tricycle para hindi magkasya?"
"Bobo."
"Ka."
"Ah basta! Kung ayaw mo mag-tricycle, maglakad ka!"
Halos umabot na sa langit ang kilay ni Lorie. "Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng ugali mo."
Humalakhak si Gabe. "Me kapag nakaharap sa salamin."
Their banters continued endlessly. Samantala, lumagari ang isip ko noong gabing 'yon. After what I did, after kissing his temple, after calling him that word . . .
Parehas kaming gulat sa isa't isa. Tang ina, kahit ako mismo na nagsabi, gulat din, e. Ngayong iniisip kong hinalikan ko ang noo niya para patahanin siya, parang nagi-init agad ang tainga ko. Because of how embarassed I was that night and eventually realizing what I said, I ran as fast as I could. Fuck it. How could I face him after that?
Mahal?
Anong mahal! Mahal ang bigas! Kasalanan ng gobyerno!
Tss. Bakit ko siya tatawagin gano'n? E, friends lang naman kami?
Oo nga. Magkaibigan lang naman kami.
Pero may magkaibigan bang hatid sundo? Laging dinadalhan ng bimpo at tubig? Laging hinahalikan sa pisngi?
"Oo naman. Bakit? May platonic friendship naman," sabi ko.
"Ano, Matienne?" naguguluhang tanong ni Lorie.
Gulat akong napalingon sa kanilang tatlo. Lahat sila ay nakalingon sa akin. Mukhang nasa gitna sila ng pag-uusap pero nahinto lang. My forehead creased and realized I spoke what was meant to be on my mind only. Umawang ang labi ko at namilog ang mata.
"H-Huh?"
"Anong platonic friendship, bads?" tanong ni Gabe, naguguluhan din. "Shawarma na ang usapan namin, bakit napunta riyan?"
I scratched my nape in embarrassment. "W-Wala akong sinasabi. May naririnig ba kayong hindi ko naririnig?" I tried to laugh but it sounded robotic. Tang ina kasi!
"Tss. Lutang ka bads. Kaya mababa scores mo sa mga exams, e."
Lorie scoffed. "Si Matienne pa talaga sinabihan mong mababa ang scores. Kahit magdamag ka pang mag-aral, hindi mo maaangatan 'yan."
"Okay po. At least hindi ako amoy shawarmang panis katulad mo," pang-aasar ni Gabe.
Lorie raised her middle finger. "Korni mo."