FIL : OO2

2 0 0
                                    

Dear Diary,

Cheska Alvarez, that's the name ng babaeng nagugustuhan ni Gino, she's perfect and beautiful. Ewan ko pero feeling ko walang wala ako. Mahal na mahal ko si Gino pero ang sakit nyang mahalin no? Akala ko kasi Diary ang sarap nyang mahalin at may posibilidad kasi andyan sya for me palagi pero nakalimutan ko nangako nga pala sya sa ama ko kaya nya ginagawa itong mga to.

Diary, may chance pa din naman na magustuhan ako ni Gino diba? Di naman siguro ako mahirap mahalin diba?

Vanessa

"Huy ano yan?" Bigla kong sinara at tinago sa bag ko ang diary ko nang umupo sa tabi ko si Gino.

"Diary ko. Bakit ba?!" Singhal ko dito.

"Chill, Vane, Chill. Diary? I want to read it!" Pilit nyang inaabot ang bag ko para kunin ang diary ko pero nilalayo ko to.

"Hoy ano ba! Bawal pakelaman kaya nga diary kasi privacy." Irap ko dito.

"Excuse me, secret? We're like sister and brother here but you're hiding something to me." Ngisi nya sa'kin.

Yeah right, brother and sister lang pala tingin nya samin.

"Brother and sister amp! Ayoko kitang maging kapatid no!" Irap ko dito at tumayo na para umalis.

Nandito kami sa park dahil holiday ngayon kaya walang pasok. Wala akong magawa sa bahay at wala din naman si mama dahil nasa flower shop nya sya kaya naglabas labas muna ako dito pero di ko niyaya si Gino kaya nga laking gulat ko kasi andito sya!

"Hey, don't leave me here!" Rinig kong sigaw ni Gino pero di ko sya pinansin.

Someone grabbed my arm at pagkalingon ko ay si Gino pala yun. Inirapan ko sya tsaka binawi yung brasong hawak hawak nya.

"Do you have mens today?" Tanong nya pero sama lang ng tingin ang sinagot ko sakanya.

"Tigil tigilan mo nga ako Gino Imperial." Irap ko ulit dito.

"You're always mad at me even though I didn't do anything to you!" Nguso nya na ikinatawa ko.

Cute.

"Angry pill kasi kita." Sabi ko habang kurot kurot ang pisngi nga.

"Angry pill? It supposed to be happy pill!" Ngiwi nya.

"Ewan ko sayo. May sorbetes dun oh, Tara!" Tumakbo ako papunta sa nagtitinda ng sorbetes para bumili pero syempre libre nya.

"Two ten pesos sorbetes kuya." Sabi ni Gino nang makarating din sya sa pwesto ko.

"Magkano yung nasa tinapay kuya?" Tanong ko sa nagbebenta.

"20 pesos, ineng." Napanguso ako sa sagot ni kuya.

"Sige po, yun nalang po akin." Kinuha ko yung wallet sa bag ko para sana dagdagan ng ten pesos yung bayad kaso pinigilan ako ni Gino.

"No need, my treat. Paki-dalawa nalang kuya yung nasa tinapay." Sambit ni Gino kaya binalik ko nalang yung wallet sa bag ko.

"Thank you ah." Nakangiting pagpapasalamat ko kay Gino.

Nang matapos na si kuya sa paglagay ng sorbetes sa tinapay ay binayaran na sya ni Gino at umupo kami sa bench kung saan ako nakaupo kanina.

Habang kumakain kami ng tahimik ay nakatingin kami sa mga bata na naglalaro dito. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami ni Gino, ganyang ganyan din kami eh. Wala namang pinagbago sa'min pero may nababawasan sa kaugalian namin dati siguro dahil di na kami bata.

Fall In Love (Senior High school #01)Where stories live. Discover now