Season 1 Chapter 5

1 0 0
                                    

END GAME

"Kleiy gising na" "gumising kana please"
Nang magising ako nakita kong wala namang tumatawag saakin at kung si Jake man yun imposibleng naka pasok sya sa hotel room ko.

"Kleiy nag ha-hallucinate ka lang" ito nalang ang sinabi ko sa sarili ko, sino ba namang makaka isip na may gumigising sayo kahit ang totoo wala naman. Dumiretso nalang ako sa labas at pumunta sa restaurant ng hotel para kumain. Biglang tumawag saakin ang mama ni Jake, sinagot ko ito ng may nagtatakang boses dahil biglaan naman ang pag tawag nito.

"Hello po tita" sabi ko sa telepono dahil parang nagulat ako sa pag tawag nito.

"Makipag hiwalay kana sa anak ko, wala kanang karapatan sakanya" sabi nito sa tawag at biglang tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang sabi nito.

"Tita hindi ko po kayang gawin yan, lalo na po ni Jake dahil mahal po namin ang isa't isa" sagot ko dito at para bang gusto ko nang ibaba yung tawag pero parang nakaka bastos ito lalo na't ina ito ng kasintahan ko.

"Opo umalis ako kagabi pero hindi yun yung rason para hiwalayan ko sya, mag papahinga lang naman po ako eh dahil sa dami ng dramang dumating sa buhay ko" Sagot ko dito na may malakas na boses.

"Hindi mo ba naiintindihan?, may anak na si Jake at masaya na sya, di ka nga nya hinanap nung gabing umalis ka kasi mas pinili nyang mag stay with his family" sigaw nito pabalik saakin at nag pupumilit na iwan ko ang anak nya.

Masakit ang nararamdaman ko nun mga oras na yun at para bang gusto ko ng gawin at sundin ang mga sinasabi ng mama ni Jake, hindi ko alam kung bakit kailangan akong itakwil ng magulang ni Jake na halos sobrang laki ng naitulong ko sa pamilya nila.

"Accept the fact Kleiy, hayaan mo na sila maging masaya, bigyan mo sila ng kapayapaan para sa family ni Jake" sabi nito at alam ko sa oras na iyon ang saya² ni Michaela dahil mapapa sakanya nanaman si Jake.

"No tita I'm sorry, i can't leave Jake that easily gaya ng ine-expect mo and i know he can't live without me" sagot ko dito at sabay patay sa phone call dahil hindi ko na kayang makipag kompitensya sa magulang ni Jake.

Nawalan na ako ng gana kumain kaya't nung nandun na ako sa restaurant huminto ako at nag lakad sa ibang direksyon at naisip kong pumunta nalang sa Caffè at dito na kumain ng agahan ko.

After a while na nasa Caffè ako tumawag saakin si Jake, sinagot ko naman kasi alam kong parehas kaming may sasabihin sa isa't isa.

"Mabuti naman sinagot mo, nasaan ka? Pupuntahan kita" sabi nito saakin sa phone call at pinipilit akong sabihin ko na saan ako nag palipas ng gabi.

"Hindi mo na kailangan malaman jake, hindi na tayo mag-kikita simula ngayon" sabi ko dito ng may inis na boses.

"Love tell me, anong nagawa ko? Napag-usapan na natin to diba? Akala ko ba ok na" sabi nito saakin at nag pupumilit parin na sabihin ko kung nasaan ako.

"Tama na Jake, wala na tayong dapat pag-usapan pa" sabi ko dito at para bang guto ko nalang patayin ang phone call.

"Mag kita tayo, sa fav place natin please pag-usapan natin to Kleiy" sabi nito habang umiiyak, rinig na rinig sa call ang pag-iyak nya, na tila kulang nalang humagulgol sya kaka-iyak.

Naawa ako kay Jake kaya't napasabi nalang ako ng "ok fine papayag na akong makipagkita sayo but, hindi ibig sabihin nun na mawawala ang init sa dugo ko".

"Thank you Kleiy, really thank you" sabi nito saakin pero habang sinasabi ang masasayang salita na ito ay alam kong lumuluha padin sya dahil hindi maiwasan na marinig ko ang pag iyak nya.

Pinatay ko na agad ang phone call at bumalik na sa room ko para makuha ko na ang gamit ko. Nang maka-alis ako naisip kong pumunta muna sa bahay namin ni Jake at kunin ang mga gamit ko, alam kong wala si Jake sa bahay namin dahil hindi sya papayagan ng magulang nyang umuwi sa bahay at doon mag palipas ng gabi habang ang pamilya nya ay nasa bahay ng mga magulang nya.

Nang makarating ako sa bahay nagmamadali akong kunin ang mga gamit ko at lumabas na agad ng bahay pagkatapos. Sumakay na agad ako ng taxi at bumalik muna sa hotel dahil para maiwan ko anng mga gamit ko at makapag-ayos naman ako kahit saglit.

Papunta na ako sa fav place namin ni Jake at pagdating na pag dating ko doon nakita ko na nandun na pala si Jake nag-aantay sa pagdating ko.

Nang makita nya ako kitang-kita sa mga mata nya ang tuwa kaya't tumakbo ito papunta saakin at sabay yakap ng mahigpit, pero tinanggal ko agad ang yakap nya at dumiretso na sa ma uupuan.

"Buti dumating ka" sabi nito saakin at sabay ngiti.

"Dumating ako dahil may sasabihin lang akong importante, hindi din ako mag tatagal dahil may gagawin pa ako sa Café natin" sabi ko dito at iniiwasan ko na magkatitigan kami sa mata.

"Please let's fix this, I can't lose you, di ko kaya na wala ka, please Kleiy" sabi nito saakin at dahil hindi nya mapigilan ang mga luha nya, pumatak ito at para bang nag-uunahan ang luha nyang pumatak.

"Fix? Seriously Jake? How can we fix this? Your my boyfriend for 4 years at sa bwiset na 4 years yan kailan ako nag kulang? Kailan Jake" sabi ko dito at di ko mapigilan ang sarili kong hindi mapasigaw, sa mga oras na ito humahagulgol na sa iyak si Jake.

"I'm sorry, i really don't know how to fix this cuz i really made a very big mistake, pero please don't leave me Kleiy, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nawala ka sa piling ko" sagot nito at sabay luhod sa sahug habang hinahawakan ang mga kamay ko.

"How can i think na di ka iwan Jake? Sa 4 years na yun hindi man lang magawang tanggapin ako ng mga magulang mo? Don't leave you? How Jake kung ang magulang mo na ang gumagawa ng paraan oara mag kahiwalay tayo" sigaw ko sakanya at sabay hila sa kamay ko na hawak-hawak nya, galit ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

"I will leave my family for you just don't leave me Kleiy, lalaban tayo diba? Ano suko kana?" Sabi nito saakin at mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa sinabi nito saakin.

"Nasisiraan ka naba ng ulo Jake? Pamilya mo yung piliin mo, may anak ka na mag-isip ka nga ng maayos Jake" sigaw ko dito.

"Enough is enough Jake, let's end this hindi ko kasalanan at hindi mo rin kasalanan, sisihin mo ang mga magulang at si Michaela pero wag na wag mong idadamay si Jaela sa nangyari, bata pa yung anak mo" sabi ko kay Jake sabay tayo sa inuupuan ko,nag lakad na din ako paalis sa lugar na iyon at nag para na ako ng taxi.

Nang makasakay ako sa taxi lumingon ako sakanya bago lumarga ang taxi at na-awa ako kay Jake, nandun lang sya naka upo humahagulgol sa iyak.

5 Years (INCOMPLETE)Where stories live. Discover now