Chapter XI: Risk

285 25 8
                                    

(medyo masakit 'to, pero medyo lang, parang kagat po ng langgam)

Callie's POV:

Naoamulat ako nang marinig ko ang malakas na tunog galing sa living room ko, pag tingin ko sa orasan 4:30 AM na. Parang may kumakalampag sa baba.

Tangina naman oh! Ayoko pa mamatay!

Haha tangina ano ba mananakaw nila? Drum set k-

SHUTA!

Tangina yung drum set ko huhu, mahal mahal kaya non! Mamaya ninakaw na, pano yung pinagipunan ko mabili ko lang 'yon?

Bahala na nga! Mas mahal pa sa buhay ko 'yon eh!

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ko, nakabukas pa yung ilaw. Talk about stupidity, who the hell robs a house tapos bubuksan yung ilaw? Tanga ba sila?

Ano ba 'yan magnanakaw nalang tatanga tanga pa.

Char, mamaya sunduin pako ni San Pedro. Wag ganon ha? Bati tayo.

Agad kong kinuha yung arnis stick ko, dahan-dahan akong bumaba at doin ko na naririnig ang.. pamilyar na boses?

Dali-dali akong bumaba para i-check 'yon at bumungad sa'kin sila Maeve na may kagat-kagat pang tinapay.

"Put-"

"Ops ops, maaga pa, wala bang umaga dyan?" Imik ni Jia.

"Why are you carrying an Arnis stick? It's 4:30 AM, too early to practice." Dagdag pa ni Mitch.

"Sige nga, ikaw kaya makarinig ng kalampag habang natutulog ka, ang aga aga nandito kayo!" Reklamo ko pa at tsaka tinabi yung Arnis stick ko sa gilid.

"Oh kalma, 'wag mainit ulo boss. Ang aga-aga oh." Sambit pa ni Seb na nagtitimpla ng kape.

"Ang aga-aga nakatambay kayo dito, pano kayo nakapasok dito?" Tanong ko at umupo sa tabi ni Gaile.

"Jia said she has a duplicate key daw kaya we decided to come here, we even bought pandesal doon sa kanto eh." Sagot sakin ni Arreana, mga basa yung buhok nila, halatang kakaligo lang.

"May sapak ba kayo sa mga utak ha? Ang aga pa oh, inaantok pa nga ako eh." Reklamo ko pa.

"Ingay mo naman girl, ayan oh pandesal, kain ka muna." Sabi naman ni Stelle at inilapag yung pandesal sa harapan ko. Peste naman, ba't ko ba kasi binigyan nf duplicate key si Jia? Istorbo tuloy.

"It was Maeve's idea by the way." Imik ni Gaile sa gilid ko habang nagc-cellphone.

"Hala anong ako? Hindi ko 'to idea!" Depensa nya naman sa sarili nya sabay kain ng pandesal sa tabi ni Mitch.

"Girl ikaw yung nag-aya remember?" Singit ni Jia.

"Gaga si Seb may idea neto, nag message sakin kagabi na guluhin daw si Callie tapos sabi nya ako na daw magsabi sainyo." Bruha talaga 'tong Seb na 'to, ang sarap isako eh!

"Piskit pag ka aga aga istorbo kayo, akala ko naman may magnanakaw na nakapasok sa bahay, bumaba pako kasi nagaalala ako na baka manakaw drum set ko, langya talaga kayo!"

"Ikalma mo beh, hindi kami nagnanakaw ng gamit, pagkain lang at stock mo lang." Pabiro pang sabi ni Seb.

"Jusko, 7 AM pa pasok natin mamaya ang aga aga nyo." Reklamo ko ulit at humiga sa sofa.

"Mga two hours early lang kami 'no, you should be grateful nga na hindi kami robbers eh." Lahad ni Arreana, sakit tuloy ng ulo ko dahil biglang bangon ako.

"Hay nako, perwisyo talaga." Sabi ko pa at pinikit ang mga mata ko. Matutulog nalang ako ulit, bahala na sila dyan.

"Hoy te kumain kana, uubusan ka namin ng pandesal tamo." Banta pa ni Seb.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Piece of You | MacoletWhere stories live. Discover now