Negros"Kumusta naman d'yan? Miss ka na namin!" Ngumisi ako nang marinig ang matinis na boses ni Aya sa video call.
"Good. Medyo boring dahil wala na kayo. Nag-a-adjust din ako sa lugar na 'to." I sighed. I miss them so much.
"McDo kami mamaya!" singit ni Allison sa camera habang tumatawa.
Umirap ako. Nang-aasar na naman sila sa 'kin, knowing na walang McDo dito sa bago naming nilipatan.
From City to Province, real quick.
"In fairness, mukhang maganda naman d'yan, Amirey!"
I squeezes my nose. Maganda naman talaga ang Negros. Sobrang layo sa itsura ng syudad. They have their fresh air here. Swak for nature lovers.
"Andito na ang teacher namin! Call na lang po tayo mamaya!" Si Aya habang kumakaway. Biglang naputol ang tawag kaya nilapag ko na rin ang phone sa arm chair.
Inayos ko ang palda ng uniform. It's just a simple navy blue pleated skirt above my knee, paired with a white polo with a ribbon as its necktie that matches the skirt's color. The school logo is on the left chest. It's just a simple uniform, a far cry from the uniform of my previous school, which consisted of a long-sleeve white polo topped with a red tuxedo jacket and a red necktie. The skirt was also shorter and checkered. I can't help but compare my uniform here.
Vacant namin ngayon. First week pa lang ng klase kaya wala pa masyadong ginagawa.
Napatingin ako sa paligid. Abala ang mga kaklase ko sa kani-kaniyang circle of friends nila. Syempre they were close with each other. Ako lang naman ang transferee, kaya ako lang ang walang circle.
Hindi rin nila ako masyadong napapansin dahil sa may bintana ako nakapuwesto. It's refreshing here. Pag tumingin ako sa labas ng bintana, puro puno at bundok ang makikita ko. The view is mesmerizing. Tanaw ko lang din mula rito ang Canlaon Volcano.
"YOU should try to have friends, Amirey," saad ni tita habang kumakain kami sa hapag.
"Oo nga, Amirey. Wala ka pa ring kaibigan? One week na, ah?" singit ni Kuya Ryle, pinsan ko.
Tungkol sa Azucarera ang pinag-uusapan nila kanina hanggang sa napunta sa 'kin ang topic.
"I'm good, kuya. I don't need friends. If they want to, e 'di sila ang lumapit sa 'kin."
Tumawa si Kuya Ryle, "ang lupit! Disney princess ka para lapitan?" aniya dahilan para matawa rin sila tita.
I pouted. Wala namang nakipagkaibigan sa 'kin.
"Baka nahihiya sila sa 'yo, Amirey. You always look intimidating," sabi ni tita habang sumisimsim ng wine.
I raised my left brow, "then it's up to them."
Sabay silang napatingin sa 'kin. Tumikhim ako at maliit na ngumiti, "Seriously, tita, tito, and Kuya Ryle, I don't need friends. Okay naman ako."
"One week pa lang naman si Amirey. Makakahanap din 'yan ng kaibigan," sabat ni tito habang umiiling.
"Independent na independent, ah," pang-aasar ni Kuya Ryle.
Inirapan ko siya at hindi na lang pinansin. As if I really wanted to study here! Ayos naman kung sa Quezon na lang ako. May circle na ako ro'n.
Nilipat ako nila mommy rito dahil sa kasalanang nagawa ko. I was accused cheating on our exam. They can actually settled it without throwing me here. Money can make it up. Hindi ko nga alam kung 'yon lang ba ang rason kung bakit ako nilipat dito o baka may iba pa, ayaw lang sigurong sabihin.