FIL : OO6

0 0 0
                                    

"Kent buti nakapunta ka!" Salubong ni mama kay Kent pagkapasok ni Kent sa bahay.

Linggo ngayon kaya nandito si Kent dahil niyaya nga sya ni mama kahapon dito nung pinakilala ko si Kent nung nasa flowershop kami.

"Good morning po tita! Maraming salamat nga po pala sa pag invite sa'kin dito." Ngiting bati ni Kent.

"Ayos lang yun, maupo ka at ihahanda ko na yung brownies. Teka lang ha." Sambit ni mama tsaka nakangiting umalis.

"Ang bait ng mama mo." Nakangiting sabi ni Kent habang paupo kami sa couch.

"Oo." Simpleng sagot ko.

Nagkuwentuhan muna kami Kent habang hinihintay si mama. Maya maya pa ay dumating na si mama dala ang tray ng brownies at nilapag sa coffee table kasama ang mga pitsel ng juice.

"Thank you po tita!" Pagpapasalamat ni Kent.

"Pano kayo nagkakilala ni Vanessa, Kent? Naging close kayo kaagad?" Sunod na sunod na tanong ni mama.

"Ahm, I was in section B at first then one day Vanessa approached me when she said she was waiting for Gino then we became friends and I was transferred to section A and that's when we became closer." Paliwanag ni Kent.

"Nako, napakasaya ko ngayon! Para sa kaalaman mo kasi Kent iho, yang si Vanessa ay si Gino lang talaga palagi ang kasama simula nung bata kahit may mga gustong makipag kaibigan sakanya di nya naman pinapansin kaya bilib ako at may isa na syang kaibigan at sya pa ang nag approach." Natatawang sambit ni mama.

Nagpatuloy ang kuwentuhan namin at tawanan kasama si mama habang kumakain ng brownies. Napapabusangot nalang ako minsan dito dahil na a-out of place ako dahil si Kent palagi pinapansin ni mama! Masaya din ako at the same time kasi nagkasundo sila kaagad.

Habang nagtatawanan, nagkukuwentuhan at nagkukulitang tatlo dito sa may sala ay biglang dumating si Gino na may dalang dalawang karton.

"Tita may dala po akong dalawang box ng cupcake!" Nakangiting sambit ni Gino pero napahinto bigla nung nakita si Kent.

"Nako! Pasabi kay Yvonne salamat." Nakangiting sambit ni mama habang kinukuha ang box na dala ni Gino.

"Kent is here." Sambit ni Gino habang nakatingin kay Kent at ganon din si Kent sakanya.

"Ay oo, pinakilala kasi sya ni Vane kahapon nung bumili sa flowershop kaya ininvite ko na dito kasi for the first time nagkaroon na ulit ng kaibigan yang kababata mo. Magkaklase daw kayo, di ba kayo close?" Tanong ni mama.

"Not really po." Nakangiting umiling si Gino.

"Andito ka naman na kaya sumalo kana kaya? Tara na dito." Pag aanyaya ko kay Gino.

"No need, besides, mom also needs me to deliver the cupcakes she made to her clients." Sambit ni Gino at walang ano ano pa ay umalis na sya dahilan para mapanguso ako.

Problema non? Galit nanaman ngayon.

"May problema mo ba yon? Bat parang galit?" Biglang tanong ni mama.

"Hayaan nyo na po ma, kumain nalang po tayo ulit." Sagot ko tsaka kumuha ng brownies.

"Sige, ihahanda ko muna tong cupcake na gawa ni Yvonne. Nako Kent, you must try Yvonne's cupcake at highly recommended ko to sa sobrang sarap tsaka hindi mo na itatanong sakanya ako natutong mag bake ng brownies." Kuwento ni mama.

"I can't wait to taste Gino's mom's cupake po." Masayang sambit ni Kent.

Nang mag excuse si mama para asikasuhin ang cupcake na bigay ni tita Yvonne ay tumahimik muna kami saglit ni Kent pero maya maya ay sya din ang nagbasag ng katahimikan.

Fall In Love (Senior High school #01)Where stories live. Discover now