Chapter 4

16 1 0
                                    

Chapter 4 – follow request

Kinabukasan maagap ang schedule ng pasok ko kaya naman maaga rin akong nag-abyad. I scanned my reviewer once again para hindi ko na kailangan pang mag-review mamaya. Bumaba ako para mag breakfast pero ako lang mag-isa because nasa bagong penthouse na niya ulit si kuya. Sila mommy naman ay nasa family niya dahil bigla na lang siyang pinatawag ni lola. Hindi naman ako nagtanong about it.

"Ang sarap ng almusal, quiz agad!" reklamo ni Colette. Hawak niya ang reviewer na hindi ko alam kung na review niya ba kagabi o hindi dahil nag movie marathon nga kami.

"Naku, hindi ka pa ba nasanay?" sagot ni Riley. Isa pa naming block mates.

"Hindi talaga!" saad ni Colette at umirap sa ere. Napailing na lang ako nang mag seryoso na itong mag review. She's complaining every minute pero tuloy pa rin ang reviewing. This is her kind of multitasking.

"Ikaw, Jash? Gusto mo ba 'tong kurso na 'to?" tila nawawalan ng pag-asa na sabi ni Jay. Nakaupo siya sa likuran kong upuan habang ang kausap niya'y katabi ko.

Tumingin sa kanya si Jash at nagtaas ng kilay. "Noon hindi, pangarap kong mag hunting ng mayamang papi." Nag-apir pa sila ni Colette at tuwang-tuwa ito. "Tamang mindset 'yan ate ko!" proud na saad ni Colette at hinampas si Jash sa balikat kaya nagreklamo ito at hinampas pabalik si Colette.

Ang kukulit talaga.

Just like the usual, sabay-sabay kaming nag lunch, but we decided na kila Tanya na lang dahil nasasawa na raw sila sa mga resto. When the afternoon came, naghiwa-hiwalay na kami ulit for the afternoon schedule. Medyo maraming ginagawa ngayon dahil malapit na ang end ng school year, kaya naman hindi maiwasan ang reklamo ng isa't-isa.

"Kuya mo ba 'yon?" turan ni Colette habang naglalakad kami palabas ng gate. Napatingin naman ako sa lalaking nakasandal sa kotse niya. Naka-white polo siya at black pants. Mukhang kanina pa siya naghihintay dahil kanina pa dapat ang labas namin. Dumaan pa kase kami ni Colette sa library for references. Hindi ko naman alam na susunduin niya ako. I thought si kuya Lemuel ang susundo sa akin.

"Yeah, bakit kaya?" I curiously asked. Nagkibit balikat si Colette at hinawakan ako sa braso para hilahin palapit kay kuya.

"Kuya Shawn!" sigaw ni Colette at kumaway gamit ang kabilang braso. Napaangat naman ang tingin ni kuya sa amin at ngumiti. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse at naglakad palapit sa akin.

Kinuha ni kuya ang bag ko. "Hello, how's your day, guys?" kuya asked.

"Good, dati lang. May lakad kayo ni Thraia?" Colette asked my kuya. Yeah right, hindi naman siguro niya trip lang na pumunta dito. Kinuha rin ni kuya ang bag ni Colette, lagi niya iyong ginagawa kapag siya ang nagsusundo sa akin, mula noon pa.

"It's our cousin's birthday, pinapapunta kami ni grandma," kuya answered. Napatingin ako sa kanya dahil doon. Birthday? Nino? Nasobrahan na yata ako ng pagkakamalimutin ko.

"Sino kuya?"

Mabuti na lang at itinanong iyon ni Colette before me.

"Hiro, anak ni tito Rico. You know, the bar owner?" sagot ni kuya. Napanguso akong nang lihim. Si Hiro pala, I think he's turning 20. A year older than me, pero I prefer calling him Hiro na lang since our age gap is not that malaki.

"Kilala ko si tito Rico, but I haven't met his son. Is he good looking? Smells good? Tell me, Thraia. Pasok ba sa type ko?" pangungulit ni Colette.

Napaisip ako. "I think so," I answered. Totoong pasok sa mga type niya si Hiro pero he's not looking for someone right now. 'Yon ang sabi niya, the last time.

Sweetest Conflict (Sauvietierre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon