ALISHA POV
Pag dating sa bahay namin ay kanya kanya na sila sa pag aayos ng mga tent para mamaya kami naman nina inay,kyla, Princess, macy at nathalia ang nag ayos sa makakain namin mamaya.
nagulat ako ng si itay pa ang nag yaya sa inuman mamaya kaya ayun tuwang tuwa sila.
7:00 pm
madilim na at nag uumpisa na silang mag sindi ng sunog
may isang kumot ang nilagay sa gilid ng isang tent at doon nakalagay lahat pwedeng kainin at inumin parang may birthday lang.
"itay para po sa inyo"- sabi ni blake habang inaabot ang isang beer.
"salamat nak"- tatay
hala? naki itay din sila? ahahah
"umpisahan nanatin ang pag sasaya!!!!"-sigaw ni speaker
walang iba kung hindi si kylainabutan din niya kami ng andy player.
nagulat naman si inay ng ininom ko ito.
"anak kelan kapa natutong mag imom? "-inay
"ahh nay tinuruan po ako nung naging kaibigan ko din po sa school"-dahilan ko
"osige wag kang papakalasing anak ah? "-inay
tumango naman ako
pumasok na si inay sa loob ng bahay
at lumapit ako kena kyla..
tinungga ko ang boteng hawak ko.
"ang sarap sa pakiramdam"-sabi ko kahit walang kausap
bigla namang sumingit si kyla
"alam kong may problema ka"- seryoso ang tono nito
"natural naman siguro sa tao ang may problema hindi ba? "-tanong ko
tumango ito bago sumagot
"oo pero kitang kita sayo na malaki ang problema mo. sa tagal na nating magkasama kabisado kona ang mga galaw mo"-sabi nito
dahilan para mapatingin ako sakanya.
"wag kang mag alala"-sabay ngiti ko sakanya "kaya ko naman e"-dugtong ko
"alisha..."-sabay buntong hininga at muli siyang nag salita "basta kapag kailangan moko sabihin molang "-kyla
"salamat kyla"-sabay yakap ko sakanya
madalas niya kase akong sabihan ng ganon pero in a speakarera way. ngayon kolang siya nakitang ganito ka seryoso.
balak ko namang sabihin pero wag muna ngayon.
pag ok na tsaka ko nalang sasabihin.
nag tuloy lang kami sa inuman at nag pa tugtog sila ng malakas. lumipas ang isang oras napag isipan nilang laruin ang dati na nilang nilalaro.
ang you are the killer
dika pamilyar sa laro? ito yung may may safe, judge, police at killer kung sino man ang maka kuha sa killer ay dapat tahimik lang na kikindatan ang mga safe at iwasan ang police ng sa gayon ay sa halip na ikaw ang mapaparusahan sa judge ay ang police. dahil hindi niya naituro ang killer. sa police naman ay ang mag hahanap sa killer at syempre ang swerteng judge. siya ang mag dedesisyon kung ano ang magiging parusa ng natalo. at ang mga safe naman ay mananahimik at hihintaying makindatan ng killer pero one rule. wag ituturo ang killer dahil pag nag kataon ikaw ang paparusahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/43981625-288-k586645.jpg)