𝗩𝗔𝗡
CASSANDRA DEVIS POV
Pagkauwi ko galing sa company ni xio ay nagulat pa ako ng makita ko si yuiji sa'ming mansion.
Nakikipaglaro s'ya kay zand.
“Yuiji?” lumapit ako sa kanila at umupo sa couch “Why are you here? Kagagaling mo lang dito kahapon”
Nilingon naman ako ni yuiji na kanina lang ay busy sa pakikipag laro sa anak ko ng mga car toys n'ya.
Nasa lapag silang dalawa nakaupo, mukha ngan hindi ako napapansin ng anak ko nag eenjoy siguro s'ya sa pakikipaglaro sa tita yuiji n'ya.
“Just spending time with my pamangkin, masama ba yun?” tanong n'ya.
”Hindi naman nagulat lang talaga ako na nadatnan kita dito” pagod akong ngumiti sa kan'ya at hinilot ang ulo ko.
Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari sa'kin kanina, mukhang gulat na gulat si liz sa mga nalaman n'ya.
Hayst.
Bakit ko ba kasi sinabi? Pano kong unahan n'ya ako at s'ya na ang mag sabi kay knight, baka kung ano pang sabihin ni Liz na pwedeng makasira sa'kin.
“Are you okay?” napadilat ako ng mata at nakitang nakaupo na sa'king tabi si yuiji, si nulyapan ko ang anak ko na ngayon ay mag isa nalang na naglalaro.
”Yeah I'm just a little tired”
“Sigurado ka? I know there's something else kaya gan'yan ang itsura mo” nag aalalang tanong nito.
Napakagat ako sa labi “Wala”
Nangunot ang noo n'ya at napakrus ng braso.
“Tell me cass, what's wrong?”
Bumuntong hini ga ako, wala talaga akong matatagong sekreto sa isang 'to.
“Kagagaling ko lang sa company ni xio para sabihin sa kan'ya pero hindi ko na tuloy kasi.. nakasalubong ko liz” sinabi ko sa kan'ya ang lahat na nang yari pati na din yung parte kung saan nasampal ko s'ya at nasabi sa kan'ya ang tungkol kay zand. “Medyo na g-guilty lang ako sa ginawa kung pag sampal, alam kong mahal n'ya lang talaga si xio kaya n'ya na sabi ang lahat ng 'yon” usal ko
“No! She deserves it, kung ako 'yon baka hindi lang sampal ang binigay ko sa kan'ya! Desperadang impaktita!” inis n'yang saad kita ko pa kung paano parang may sinusuntok s'ya sa hangin.
Magkapatid talaga sila ni xio, napailing nalang ako.
“h'wag kang pumunta sa company ni kuya cass, dumaretso ka sa bahay ni kuya bukas at isama mo si zand, sabihin mo dun lahat lahat sa kan'ya. Sasamahan kita” biglang usal nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
“Isasama ko si zand?”
“Yes! Para magkita na ang mag ama cass, for sure hindi ma titiis ni kuya ang bata kahit pa sinabi n'yang ipapalaglag n'ya ang anak n'yo noon kung mabuntis kaman”
Napaisip naman ako, nilingon ko si zand. Ito na siguro ang tamang oras. Gusto ko na ring mawala itong nararamdaman kong bigat sa dibdib.
Tumingin ako yuiji at ngumiti.
“Sige, pupunta kami bukas”
—
“Ang pogi pogi talaga ng baby ko” pinisil ko ang matambok n'yang pisnge at hinalikan hinalikan pagkatapos.
“What is pogi mommy?” tanong ng anak ko.
Inayos ko ang damit n'ya tsaka ngumiti.
“Pogi means handsome” pinisil ko ulit ang pisnge nito.
