41

19 3 0
                                    

[DIALOGUE]

AJ's Unit
1:45 P.M

ANDREA:
You don't have to come if you don't want.

AJ:
Luh, si ma'am.

AJ:
Gusto ko nga sumama.

AJ:
Tagal ko na ring hindi nakapag-bar.

ANDREA:
When was the last time?

AJ:
Ano. . .

AJ:
Nung nag-aya si Klaus nung iniwan siya ng ex niya.

ANDREA:
Pero okay na rin siya ngayon, 'di ba?

AJ:
Naku. . .

AJ:
Kahit sinong ireto roon pass lang maririnig mo galing sa bibig niya e.

ANDREA:
May hung up pa?

AJ:
Ayaw kamo mag-move on.

AJ:
Ewan ko ba roon, malaki na siya.

AJ:
Nga pala. Saan ba mamaya?


ANDREA:
Sa TAO lang.

AJ:
Mahal dun, ah?


ANDREA:
It's just a normal clubbing.


ANDREA:
Ganun kami dati 'nung college pa.

ANDREA:
Mas malala pa nga.

ANDREA:
Walang magdadala ng regalo.

AJ:
Magtatanong palang sana ako kung bibili ka ba.

AJ:
Ganda rin ng ganiyan. . .

AJ:
Tamang enjoy lang.

ANDREA:
Yup, because that's what we all came for.









ANDREA:
Ang ganda pala rito sa condo mo.


ANDREA:
So relaxing. . .




AJ:
Nakakatamad nga lang minsan bumaba sa sobrang taas.



AJ:
May extra pala na kwarto rito, pahinga ka lang kung gusto mo.

AJ:
Pwede ka rin pala matulog dito kung hindi ka tuloy sa kaibigan mo.


ANDREA:
About that. . . baka hindi na nga.



ANDREA:
Thank you.



ANDREA:
Paano pala si Rox?





AJ:
Hatid ko lang yan mamaya bago tayo umalis.



ANDREA:
Hindi ba hassle?




AJ:
Di kailanman.


AJ:
Luto lang ako, wala pa pala tayo nakapag-lunch.


ANDREA:
Tutulong na lang ako.

AJ:
'Di na, ma'am.


ANDREA:
Nag-drive ka rin kaya, mas tiring 'yun.



ANDREA:
Jay. . . please?


AJ: (whispering)
Hina ko talaga sa'yo.


AJ:
Sige na nga, anong gusto niyong ulam?

ANDREA:
Ayos lang sa'kin kahit ano.


ANDREA:

Hindi naman ako picky eater.




AJ:
Mas mahirap pa 'to sa exam, e.



AJ:
Sinigang? Gusto mo?




ANDREA:
Sure.

AJ:
Sure, ha?


ANDREA:
Yup, kakainin ko 'yan.


AJ:
Nice.

AJ:
Asim-kilig 'to, ma'am.


[MESSENGER]

alipin ng salapi 💰
July 7 2:13 P.M

Yasmin
may maisasama ka ba?
@Andrea
para ma-reserve ko na table.

Ivy
ang aga mo naman
wala pa nga may birthday

Andrea
oo.
kulit niyo kasi.

Ivy
finally
may makikita na tayo

Eliana
tagal ko tong hinintaaaay

Vivien
mamaya ko na husgahan kapag nandon na

Ivy
walang regalo ah
di ko papapasukin may dala

Yasmin
sus.
late ka nga yata mamaya.

Ivy
syempre
backless damit ko ngayon e
matic na yan

Andrea
kadiri naman.

Vivien
sus
kapag nandiyan ka na baka mabitin ka pa

Eliana
totoo yaaaan

Yasmin
si guilty.
ginawa niyo rin, 'no?

Eliana
parang mga wala kayong bf ah?!?!?!

today was a fairytaleWhere stories live. Discover now