Chapter 35

64 1 0
                                    

"May, may kailangan kang malaman."

Bakas sa mukha ni Neil na may matagal na siyang itinatago sa akin na ngayon lang siya nagkaroon ng lakas na loob na sabihin. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko. Ito ba ang dahilan kung bakit panay ang tingin niya sa akin nang kakaiba nitong mga nakaraang araw.

"Noong araw na iyon... noong tumakbo ka paalis. Hinabol ka ni Rey..." Naalala ko ang araw na iyon. Noong abutan ako ni Rey nang bulaklak pero dahil naalala ko si Jhon Rey sa kaniya ay tumakbo ako paalis. Noong araw na iyon ay umulan nang malakas at nakita ko ang lalaking matagal ko nang hindi nasisilayan, pero ang sabi nila hindi raw iyon totoo at si Rey ang talagang kasama ko ng araw na iyon. Si Rey ang nagdala sa akin pauwi rito sa bahay.

"Ang totoo niyan... Hindi si Rey ang kasama mo sa ulan..."

Kumunot ang noo ko. "Kung hindi siya, sino?"

"Si—"

Naputol ang salita ni Neil nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at bumukas iyon. "Miss Velasco..." It was Derrick. "Neil, narito ka pala. Anong ginagawa mo sa kwarto ni Miss Velasco?"

"W-wala. Aalis na ako."

"H-ha? Pero, Neil! May sinasabi ka pa, hindi ba?" pagpigil ko sa kaniya.

"Anong sinasabi mo sa kaniya, Neil?" tanong ni Derrick.

"W-wala." Nilingon ako ni Neil. "Gusto ko lang ipaabot sa kaniya na binabati siya ni Rey ng Happy birthday." May diin ang pagkakabanggit niya ng pangalan ni Rey.

"Eh, nasa baba lang si Rey, ah? Bakit hindi niya na lang hinintay si Miss Velasco na bumaba para batiin?"

"Hindi pwede. Magseselos si Danica." Kumislap ang luha sa mga mata ni Neil. Nakita kong nasasaktan siya. Sandali nga. Anong nangyayari? Anong magseselos?

Hindi ko pa man siya natatanong at hindi ko pa man naririnig ang sagot niya, mukhang alam ko na ang lahat. Nagpaubaya ba si Neil sa kaibigan niya dahil nakita niyang mas gusto ni Danica si Rey?

"I see. Pagpasensyahan mo na ang kapatid kong si Danica, Neil. Ganoon talaga, eh. Hindi naman natin mapipilit ang puso."

"Tama ka, Derrick, hindi natin mapipilit ang puso."

Matagal silang nagtitigan na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata. Napataas na lang ang kilay ko at napailing. Lumabas na ako sa kwarto upang bumaba sa sala. Nakita ko namang naghahanda ng pagkain si Danica, samantalang si Rey ang nag-aayos ng lamesa.

Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na kapag nakikita kong palihim na sumusulyap si Rey kay Danica.

"Tabi, Rey! Mainit!" wika ni Danica habang may hawak na bowl ng spaghetti sauce.

"Sabi ko kasing ako na, eh! Baka mapaso ka. Magalit ka pa sa akin dahil hindi ka na pipilahan ng mga manliligaw mo."

"Wala akong pakialam kung hindi ako pilahan ng mga lalaki! Umalis ka nga! Nakakasagabal ka lang talaga sa ginagawa ko!"

"Ikaw na nga ang inaasikaso, ikaw pa ang galit! Ang sungit mo talaga! Ang malas ng mapapangasawa mo! Sasakit ang ulo sa 'yo!"

"Hoy, para sabihin ko sa 'yo, kahit masungit ako, hindi iyon dahilan para hindi ako magustuhan! Marunong ako sa lahat ng gawaing bahay! Masipag ako at masarap magluto! Maganda pa!" bitaw ni Danica tsaka nilapag ang spaghetti sauce sa lamesa. "Ano? Iimik ka pa? Ikaw lang naman ang hindi nakakakita, eh!"

Napanganga ako. Hindi pala dapat muna akong bumaba kung ganito ang masasaksihan ko.

"Anong hindi ko nakikita? Sila ang hindi nakakakita! Hindi nila alam na masungit ka kaya nagugustuhan ka nila."

Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon