Chapter 5: Sure or Unsure?

577 36 13
                                    


— Don't mind the grammatical errors —

Enjoy:pp

[ Next Morning ]

Gumising si Alice na maga ang mata, agad niya namang tinignan ang notifications sa kaniyang cellphone at nakita ang mensahe ni Risa. Tinignan niya lang ito at itinuon na ang kaniyang atensiyon sa iba pang mensahe sa kaniya. Pagkatapos nito ay bumangon na siya at nag ayos nang kaniyang sarili, bumaba rin naman siya agad at kumain na ng kaniyang almusal. Nagtungo naman siya sa kaniyang opisina para magtrabaho pag tapos nitong kumain.

Nagising naman si Risa at tinignan agad ang kaniyang telepono, nagbabaka sakaling nag reply sa kaniya si Alice pero wala itong nakita kahit isang mensahe galing sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pagkalungkot, pero hindi niya nalang ito pinansin at nagbigay pa muli ng bagong mensahe kay Alice.

 Bakas sa mukha nito ang pagkalungkot, pero hindi niya nalang ito pinansin at nagbigay pa muli ng bagong mensahe kay Alice

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nabasa naman agad ito ng alkalde ngunit isinantabi niya lamang ito. Nakita naman ng senadora na nabasa na ito ng alkalde at nag hihintay ito sa sasabihin ng alkalde, ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin itong mensahe sa kaniya. Nag ayos na lamang ang senadora ng kaniyang sarili at pumunta na sa kaniyang opisina para mag trabaho.

▪︎ Fast Forward ▪︎

Abala ang alkalde sa mga pinipirmahan at inaayos niyang papeles sa kaniyang opisina, habang ang senadora naman ay abala rin sa pag aaral sa mga papeles na kaniyang hawak habang sumusulyap sulyap sa kaniyang telepono para tignan kung may mensahe na ba sa kaniya ang alkalde. Lumilipas na ang oras at wala pa rin itong kahit isang mensahe sa kaniya. Binalewala na lang niya ito.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Natapos na magtrabaho ang senadora at inayos na ang mga gamit nito bago umalis, hindi nag tagal ay may kumatok sa pintuan ng kaniyang opisina at pinapasok ito.

Bading, shot tayo nila Imee pati Kiko -Loren

Uy, sakto ah, sige sige ayos lang ako sunod na rin ako -Risa

Ge ge -Loren

Nilagay naman ni Risa ang mga gamit niya sa kaniyang bag at saka sumunod kay Loren palabas. Habang naglalakad ang senadora papuntang garahe ay kinuha niya ang telepono niya para tignan kung may mensahe naba ang mayora, nang makita niyang wala pa rin ay inilagay niya na ito sa bulsa niya at binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse. Huminga siya ng malalim at saka nagmaneho papunta sa pag iinuman nila.

Nang makarating sila rito ay agad na silang umupo sa lamesa nila at saka nag order ng beer at pulutan. Hindi naman nag tagal ay na i-serve na rin sa kanila ang kanilang order. Nagsimula na silang mag k'wentuhan at mag tawanan.

Bading pansin ko lang malungkot mukha mo ngayon. -Kiko he pointed out Risa

Eh? Oo nga? -Loren

Bakit, anong nangyari? -Imee

Mukhang broken disney princess namin ah -Chel

Broken niyo mukha niyo! Ang cocorny n'yo!! -Risa

Alice, give me plenty of kiss.Where stories live. Discover now